February 16,2021 Apayao, Philippines
Third person's POV
Ng makarating ang buong medical team sa Apayao ay kailangan pa nilang umakyat ng bundok bago makapunta sa pagdadausan ng medical mission.
Matapos ang limang oras na lakaran ay natunton na nila ang grupo ng mga katutubo na mainit silang sinalubong at hinatid sa mga kubo na tutuluyan nila habang naduon sila.
"Heaven" agad na sumalampak si Ara at si Mika sa naka latag na banig at hindi na inabala pang ayusin ang kanilang mga gamit o inabalang palitan ang damit na suot suot nila ng mahigit bente quatro oras.
Kaagad na nakatulog ang dalawa ng maramdaman ang ginhawa na dulot ng banig.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
February 18, 2021 Manila, PhilippinesKaliwa't kanan ang trabaho ni Thomas at Jeron kung kaya't madalas silang mag OT.
"Bro okay na ba yung quotation dun sa Kula?" tanong ni Jeron kay Thomas na ngayon ay sumasakit na ang ulo dahil sa request ng customer nila.
"Tapos na sana kaya lang nang hihingi ng ten percent discount tapos gusto ora orada kong maibigay yung sagot, ayoko namang tanungin si Kalbo dahil malamang tulog na yun at bulyaw lang aabot ko dun." napakamot nalang ng ulo si Thomas bago humigop ng kape.
"Umuwi na nga tayo bukas nalang natin problemahin 'to. Isend mo na yung invoice kay Ms.Tsoi at umuwi na tayo" pinatay na ni Jeron ang desktop nya at nag ayos na ng gamit.
"Ah yun pa pala, sabi saakin ni Jeanine dalhin mo daw bukas sa opisina nila yung original invoice." umikot naman paharap si Thomas kay Jeron. Agad namang kumunot ang ulo ni Jeron sa sinabi ni Thomas.
"Ako? Padala mo na lang sa kanya sa email, madami kamo tayong ginagawa at may site visit pa ako bukas" Pwede naman talagang dalhin ni Jeron yung invoice sa opisina nila Jeanine dahil madadaanan naman ito papunta sa site kaya lang kasi ayaw nya ng makita muli ang dalaga dahil yung ang binubugaw sa kanya ng kanyang mama.
"Ibigay mo na Jeron malay mo mag release na din ng cheque edi mapapaaga sweldo natin, dagdag ipon din yun pag pumunta tayo sa Dubai." umakap na si Thomas ngayon sa braso ni Jeron at dun nag makaawa.
Inismiran ni Jeron si Thomas at tinulak ito.
"Wala akong pake. Nasabi mo na ba kay Ara na magtatanan na tayo?" natatawang saad ni Jeron kay Thomas.
"Gago anong tanan?! Hibang ka na! Bahala ka nga dyan uuwi na ako, ikain mo nalang yan ng mahimasmasan ka!" Lumakad na palabas si Thomas at tinulak sa pa si Jeron dahil sagabal ito sa daan nya.
"Uwi na ako bahala ka ng magpatay ng ilaw ah" sabi ni Thomas ng nasa pintuan sya at kumaripas na ng takbo papunta sa elevator.
"Ina mo Thomas!" Hiyaw ni Jeron ng maisip nyang naisahan sya ng kaibigan. Kahit malaking tao si Jeron ay takot ito sa dilim.
Tawa naman ng tawa si Thomas sa ginawa nya at pumasok na sa elevator.
Tinignan nya naman ang cellphone nya para tignan kung may mensahe o tawag na dumating sa kanya galing kay Ara pero wala.
'So ganito pala ang pakiramdam' sabi nya sa isip nya at huminga ng malalim.
"Eto ba gusto mo? Sana masaya ka dyan! Sabi sabi ka pa saakin na masamang gumanti! Sira na ulo mo uy! Oh ano bakit mo ako tinitigan ng ganyan?! Humanda ka talaga pag dating mo!" Tila bang parang kausap nya talaga si Ara habang sinasabi nya yun dahil pinanglalakihan nya ito ng mata at dinuduro pa, e sa katotohanan ay hindi yun makikita o maririnig ni Ara dahil ang kausap lamang ni Thomas ay ang larawan nya sa cellphone nito.