January 27, 2021
Thomas' POV
Alas quatro ng hapon ng matapos ang diskusyon namin ni Bea, yung head engineer dito sa pinapatayong building.
Inaayos ko na ang gamit para makaalis nadin at asikasuhin yung mga pinagawa ko sa intern namin ni Jeron.
"Thom, can you have a sec?" nabigla naman ako ng dumapo ang palad nya sa kamay ko.
Napatingin ako sa kanya at namataan ko na ilang pulgada nalang ang layo ng aking mukha sa kanya kung kaya naamoy ko ng maigi ang pabango nyang kaamoy ng sampaguita. Gumuhit ang isang nangaakit na ngiti sa kanyang mga labi.
Mabilis kong iniwas ang mukha ko sa kanya at inalis ang kamay nya sa kamay ko.
"I'm sorry Engineer Escudero I'm busy. I know what you are doing, stop it! Matagal na tayong tapos" pormal kong sabi sa kanya at umalis sa build in na opisina nya sa site.
"I don't think so, Architect Torres" napailing nalang ako sa sinabi nya at tuloy tuloy na naglakad palayo.
Napabuntong hininga nalang ako habang naglalakad palayo and pray that I won't mess up.
Si Bea Escudero ang dati kong kalandian sa opisina, playboy man pakinggan pero si Bea ang reserba ko nung matapos kami ni Arra at habang naghihintay akong magka tsansa kay Ara, pero ngayon ay tapos na ang lahat saamin.
Tinapos ko na ang lahat saamin bago pa masimulan.
.
.
.
.
.
.
.
"Brent halika nga dito" sigaw ko mula sa cubicle ko matapos kong icheck yung ginawa ni Brent, intern ni JeronMaaga kasing nag out si Jeron para samahan si ditchi Almira sa obgyne nya ngayon kaya hinabilin nya saakin itong intern nya.
"Yes sir!" diretsong nakatayo si Brent sa harapan ko at halatang kinakabahan dahil iritable na ang tono ng boses at magkasalubong na ang kilay ko.
"Pang final sanitary and plumbing layout ang inassign sa'yo ni Jeron diba?" tumango tango habang nakayuko naman sya na lalong nagpainit ng dugo.
Ayoko sa lahat yung hindi ako tinitignan at iniimikan pag kinakausap ko, pakiramdam ko ay binabastos ako nung kausap ko kung kaya ay nahampas ko ng malakas ang lamesa ko na halos mapatalon sya sa gulat.
"O-opo Sir Torres" utal nyang sabi saakin
"Final na diba, bakit wala yung mga existing vent pipe? Yung isometric ng water at sewer line asan? Tapos may printed kang general notes tapos may notes ka pang handwritten? Ito ba ang klaseng plano na ipapasa mo sa mga kliyente mo? Lokohan ba tayo dito, Paraiso? Ayos ayos tayo ah! I want this at my table at exactly eight!" Agad naman syang pumunta sa cubicle nya at pinagpatuloy ang pag ayos nung plano.
"Ricci! Bakit wala pa sa table ko yung floor furniture layout mag aalas syete na, ano ba!" Asar na sigaw ko sa intern ko na nasa katabi kong cubicle at halatang natataranta nadin katulad ni Brent.
Hinilot hilot ko naman ang ulo ko para kahit papaano naman ay kumalma ako.
Dalawang araw nalang kasi bago yung presentation nung plano sa kliyente at hanggang ngayon ay wala pa kaming nasisimulan ipa blueprint.
5:00 p.m.
Jeron's POV
"Ditchi be careful" paalala ko sa kanya habang pababa sya sa sasakyan ko. Nginitian nalang ako ng ate ko at kumapit sa braso ko.