9 : 16 AM Febuary 14, 2021
Thomas' POV
Alas nuwebe ng umaga ng maka dating kami sa opisina namin dito sa may Ermita.
Nag stretch muna ako bago bumaba sa van.
"Sir Torres!" Sinalubong naman ako ni Ricci na nakatayo sa may tapat ng lobby.
Wag nyang sabihin problema ang ibubungad nya saakin.
"Yes Ricci!" Lumapit ako sa kanya.
"Pinapasundo po kayo ni Sir Teng" Ano naman kaya problema ni Jeron? Gusto ko ng umuwi kasi pagod na pagod na ang katawan ko sa sampung oras na byahe.
Binigay ko kay Ricci yung dala dala kong duffle bag at sabay na kaming pumunta sa office namin.
"Thomas!! Welcome back!" Masayang bati saakin ni Jeron at kulang nalang ay tumalon sya papunta saakin.
"Ano ba yun, hindi ba pwedeng i-email yan?" inirapan naman ako ni Jeron at naupo sa table nya.
"Miss you too, pare ah! Tsaka you're welcome ah!" napangiti naman ako at lumapit na sa kanya.
"Wag ka ng magtampo bhe, miss you" sabi ko sa kanya at akmang hahalikan sya pero agad akong napigilan ng kamay nya.
"Aray ko naman akala ko ba namiss mo ako?"
"Letche ka Thomas! Pero ito pala nag email yung firm sa Dubai saakin kahapon, partida hindi ko talaga to binasa dahil gusto ko sabay nating basahin."
"Sweet mo bhe pakiss nga" muli kong hinawakan ang mukha nya at sinubukan na halikan sya pisnge pero nagpupumiglas sya.
"Thomas ano ba mahiya ka nga kila Ricci at Brent!" Highblood na ang lolo nyo. Tinawanan ko nalang sya at nag hila ng isa pang upuan sa tabi nya.
Binuksan na namin yung mail at itong si Jeron ay halatang kabado dahil nanginginig ang mga kamay nya at namumula na ang tenga nya.
"Fck pare ang generous ng kompanya! Amen!!" sigaw ni Jeron dahil next week ay ipapadala na ang ticket namin at sila nadin ang nag aasikaso ng working visa namin.
By next month kasi kailangan na namin pumunta sa Dubai para sa pirmahan ng kontrata then start na ng project namin duon na tatagal ng dalawang taon.
"Amen!! Burj Khalifa here we come! Solid brocation!" at nag brofist kami.
Eversince nung college kami ni Jeron pinangarap na namin pumunta at makapag trabaho sa Dubai dahil sa mga buildings dun at naniniwala kami na yung lugar na yun ang heart of architecture.
"Kamusta pala yung naging project nyo sa Daet?"
"Okay naman kaya lang sa una medyo magulo dahil kulang sa materials pero through out okay din naman. Babalik pa nga ulit kami dun sa cutting of ribbon pero sa tingin ko si Bea nalang ang makakapunta kasi pupunta tayo sa Dubai!" Just saying the name Dubai made us smile wider and brighter.
"Speaking of Bea, how did you manage her, I'm sure kinulit kulit ka nya dun" nag taas baba naman ang kilay nya saakin.
"Pure work nothing personal, besides matagal ko ng tinigil ang pag landi sa kanya. Oo nga pala bago ko makalimutan, talaga bang natanggap ni Ara yung bouquet?" Tanong ko bago uminom sa kape nya.
"Oo bro personal kong binigay sa kanya yun, mukha ngang kinilig sya e kahit ang simple simple lang nung bouquet na yun." nakakunot na ang noo ni Jeron.
"It's not about how grand the bouquet is kaya sya kinilig kundi dahil saakin, binigay ko yun sa kanya and that enough reason para kiligin sya." Jeron's face become blank after I said that. Siguro sa isip isip nito napaka cheesy at hangin ko na.