LAW-5

18 0 0
                                    

Ilang araw lang akong nawala dito sa Academy pero ito ang aabutan ko? At nasaan na ba ngayon si Apollo at wala pang pumigil sa mga ito? (-_-').

"Ang hina mo naman pala tapos hahamunin mo ako? Tang*na mo!!" Sabay suntok ng kung sino man na to sa wala ng laban na kalaban niya. Sumosobra na to ah kita na ngang wala ng laban susuntukin pa. Pasabugin ko kaya ang ulo niya?.

Gasp

"Isang suntok pa at kakalat dito ang utak mo gago" nagsipag-atrasan ang ilan ng makitang may hawak akong baril at ang ilan naman ay parang nasisiyahan pa sa napapanuod nila tss akala ba nila makakatakas sila? Ako pa ang napikon ngayon.

"As far as I know bawal ang baril dito" napatawa ako ng pagak dahil sa sinabi niya. Putcha ako pa ang pinagsabihan niya ng rules? Eh ako ang isa sa gumawa ng rules na yan at exempted ako dun.

"Haharap ka o papaharapin pa kita?" Everybody knows na kapag ako na ang nainis lahat damay at kung may utak ang isang to gagamitin niya yun. Naningkit ang mga mata ko ng tumayo siya at humarap saakin dahilan para mangunot ang noo ko.

"Oh the 4th Princess" napataas ang kilay ko, bakit nandito ang gagong to? Matapos ng iniutos ko sa kanya ay bigla siyang nawala at kung saan saang bahagi ng Pilipinas nagpupunta.

Tiningnan ko ang taong nabugbug niya at halos hindi na ito makilala pa dahil sa pagkabugbog sarado nito. Talagang pinuruhan niya ah. Sinenyasan ko ang isang studyante para kunin ang walang malay na lalake at ibinaling kay 10th ang tingin ko.

"May parusa ang ginawa mo" at mas lalo ko pang itinutok sa kanya ang baril dahilan para mapaatras siya ng isang hakbang at kita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya. Eh punyeta pala siya teritoryo pa rin namin ito ni Apollo at ang pang-gugulo niya ay hinding-hindi ko papalagapasin kahit isa pa siyang Crowned Prince.

"I'm not a student here you know 4th" napasmirk ako sa sinabi niyang yun, anong akala niya dahil dun ay ligtas siya? Pwes duon siya nagkakamali.

"Hindi ka nga estudyante pero nasa loob ka ng Academy 10th and get this in your fucking head this is mine's and Apollo's territory, dalawa kaming binabangga mo" nakakita ako ng takot sa gilid ng mga mata niya na lalong ikinalaki ng ngiti. Di ginagamit ang utak pano.

"Ano kaya ang gagawin ko sayo 10th?" I was about take a step towards him ng may magsalita mula sa likuran ko na lalong ikinangisi ko.

"My my my short tempered are we 4th?" Mula sa likod ko ay hinuhugot ko ang isa ko pang baril at itinutok sa lalakeng may hawak ng dagger sa kanyang kamay.

"Nice seeing you 8th. Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Kumpara sa baril walang-wala ang dagger na hawak niya. Nagsisilabasan ata sa lungga nila ngayon ang mga Crowned Prince?.

"Why don't you ask 1st? Siya ang nag utos saamin na mag-aral dito" napataas ako ng kilay at ibinaba ang dalawang baril ko. Ano na naman kaya ang naisipan ni 1st at pinapunta dito ang dalawang ito?.

"Sumunod kayo at 10th si Apollo ang magbibigay sayo ng parusa" napangisi ako sa nakitang takot sa mga mata niya, sa aming dalawa ni Apollo mas mabait pa ako ng konti sa kanya.

Nagsibalikan na rin ang ibang mga estudyante sa ginagawa nila. Pinauna kong maglakad sila 8th at 10th pinagmamasdan ko lang ang mga likod nila. I have this feeling na nasa plano ang pagpapakita nila at pag-aaral dito at ayoko ng pakiramdam na ito. I trust 1st at alam ko sa ginagawa niyang pagtitipon saamin ay may pinaghahandaan siya at yun ang kinatatakutan ko, oo hindi ako takot lumaban at makipagpatayan pero iba ang hatid ng takot na ito saakin at the mere fact na mayroon akong dalawang taong ini-insayo. Ang posisyon ni 9th at ni 7th ang nasa alanganin dahil ang mga posisyon na iyun ang inagaw sa dalawang iyun. Pinapagpapasalamat ko na lang at hindi pa nagsasalita itong si 10th sa iba pa. Napabuntong hininga na lang ako sa takot na kumakain sa puso ko. Pucha hindi dapat ito ang iniisip ko ngayon. Umiling ako ng ilang beses bago itinuon ang atensyon ko sa harapan ko. Nakapasok na pala kami sa opisina ni Apollo ng hindi ko napapansin, bwisit I should never let my guard down kahit marami akong iniisip.

Naupo sila 8th at 10th sa sofa nakaharap kay Apollo na busy sa pagtatype ng kung ano sa laptop na nasa harapan niya. Lumapit ako sa kanya at sumandal sa inuupuan niya, napakunot noo ako ng makita na mga files ng organization ang tinitingnan niya.

"May nagnanakaw ng mga armas ng organization" my eyes narrowed into slits upon hearing those words from him. Matataas na kalibre ng armas ang meron ang organisasyon at ang pagnakaw ng mga ito ay hindi pinapalamas, dahil espisyal ang mga iyun dahil tanging ang grupo lang ang merong ganitong mga armas at ang bawat isa sa mga iyun ay mga tracker. Nasa ilalim ni Apollo ang lahat ng mga armas na nasa loob ng organisasyon, alam kong na track na niya ang mga armas ang problema na lang ay ang salarin. Isa lang ang ibig sabihin nito may nakapasok sa loob ng organisasyon o  kung hindi ay may traydor.

"Mukhang nalusutan ang isang Apollo" matalim na napatingin ako kay 8th, ang sarap burahin ng labi niyang nakangisi. I saw Apollo's smirk sa peripheral view ko na ikinasingkit nga mga mata ni 8th.

"Nalusutan? Sa tingin mo papabayaan ko ito? I cannot wait to hear them beg for their lives." Napangisi ako sa mala demonyong ngiti niya dahilan para mapalunok ang dalawang nasa harapan namin. I guess hindi na niya kailangan ang tulong. Isinara niya ang laptop niya at pinagtuonan ng atensyon ang dalawa.

"1st called me a few days ago" he paused and look at me na ikinatango ko lang so again he look at the two.

"And he wants you to know to prepare for something that we don't know." Napabuntong hininga siya. Alam kong nararamdaman din niya ang bigat ng hangin na pumapaligid sa organisasyon at ang ginagawang pagpapasok ni 1st sa dalawang ito dito sa Academy.

"To tell you the truth nanganganib ang posisyon ni 7th and 9th" nanlalaki ang mga mata ng dalawang nakatingin saakin, wala sana akong balak sabihin ito pero kailangan, alam ko namang mapagkakatiwalaan ang dalawang ito.

"What are you talking about 4th?" Hinilot ko ang noo ko, grabeng sakit ng ulo ang siguradong mamumuo saakin nito.

"Austin Michael Cristobal and Daemon Ace Arevalo are back and they're going to claim what truly belongs to them. And I'm not going to tell you their where abouts."
-----------------------------------

LOVE AND WARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon