LAW-1.2

46 0 0
                                    

"On your position" natauhan ako ng hawakan ako sa balikat ni Rosas. Napahawak ako sa ulo ko dahil dun. I should move on may mahal siyang iba at hindi ako yun kailangan kong tanggapin yun.

Lumabas ako sa gate ng mga Lim at sumakay kay red at tiningnan ang paligid making sure na walang nakamasid saamin na kung sino man.

"Perimeter clear" sabi ko habang nakahawak sa ear piece ko na nakakabit lang sa tenga ko. Narinig ko pa ang iba pero hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko. Nakita ko sila sa peripheral vision ko na papalabas ng gate ng mga Lim. Agad akong napakuyom ng kamao ng makita ko silang dalawa. Him assisting her na para bang isa siyang babasagin na bagay.

Punyeta porke't gusto lang umalis ng babaeng yan pati kami iistorbuhin sa kung ano mang ginagawa namin? May mga security guards naman sila ah? Bakit hindi na lang sila ang inistorbo ng mga ito?.

"Care to explain why I am here in the first place?" Napatigil silang lahat at napatingin saakin, hindi ko pinansin ang nakataas na kilay ni Kulog, ang smug look ni Ulan at ang malditang ngiti ni Rosas. Nakakunot ang noo ni Hari ng tumingin siya sa akin at wala akong pakialam kong mainis siya. Nasa rules namin na kapag oras ng off ng isa walang mang iistorbo maliban na lang kung isa itong emergency and this is not an emergency in the first place.

"We are going to a company Hera to her recital" napatawa ako ng pagak sa sinabi niya at tiningnan si Hera na may nakataas na kilay. Ahitin ko kilay niya. If she's a bitch I'm bitchier than her.

"Para sabihin ko sayo King day off ko ngayon and you know the rules at ang recital ng babaeng yan ay walang kinalaman sa akin o saano pa mang trabaho natin. This is your personal thing. Tsaka baka nakakalimutan mo hindi kami security guards para magbantay sa isang spoiled brat" hindi na maipinta ang mukha ni Hera ng sabihin ko ang salitang spoiled brat dahil yun naman ang totoo. Lalong nangunot ang noo ni King dahil sa sinabi ko.

"You will stop this nonsense or else" sa kanya ko ibinaling ang tingin ko ng marinig ko ang warning tone niya. Naparoll eyes na lang ako at tumayo sa harapan nilang lahat.

"Or what King? Punish me? Sasaktan mo ako dahil sa babaeng yan? Alam mong tama ako. Hindi mo dapat kami inistorbo sa kung ano mang ginagawa namin para samahan kayo sa isang recital na wala namang kinalaman saamin at sa organisasyon" saaming apat ako lang ang nakakasagot sa kanya and put sense into his thick skull na gawa na ata sa napatigas na bato.

"Babe, I'm scared without you." Putragis nag init ang ulo ko sa sinabi niyang yun. Si King naman pala talaga ang kailangan niya pati kami nadamay. Pasensyahan tayo ngayon.

"Babe your face pwe. Kung may lakad kayo? kayong dalawa na lang hindi ako magiging body guard basta basta and get bored marami pa akong gagawin na mas mahalaga pa sa isang recital" Sumakay na ako kay red at binuhay ang makina nito ng marinig ko ang boses ni King.

"Artemis Dela Vega" napasmirk ako ng sabihin niya ng buo ang pangalan ko. His pissed pero mas pissed ako saaming dalawa.

"Don't use that tone on me King. Alam mong may point ako. Magpapalamig lang ako" hindi ko na siya pinagsalita at saka ko pinaandar si Red.

VROOOOOOMMMMM

Nagdrive ako papunta sa lugar na pwede kong pag buntunan ng init ng ulo at uyam. Gangsters den, kahit pinagbawalan na ako nina Itay na pumunta dito ay wala silang magagawa. Gangsters? Mga basag ulo lang sila na tamang tama bilang pampalipas din ng init ng ulo.

"Yahoo!!!"
"Kill!!! Kill!!!"

Nakasandal lang ako sa may madilim na parte para hindi makaagaw ng atensyon, napapailing na lang ako sa mga ginagawa nila.

I observe them. May mga hawak ang ilan sa kanila ng bats, dos por dos, bakal, at ang mas nakakamatay ay mga balisong, itak at katana. What a piece of shit. Napatingin naman ako sa anim na lalakeng nagsasapakan sa loob ng arena nila, puro dugo na ang kanilang mga mukha pero wala pa ding nagpapaawat. Hays mabuti pang patulugin na ang mga gago.

I put on my black mask na may nakalagay na die sa harapan nito in bold white letters and I tie my hair in a pony tail, tinanggal ko din ang jacket ko at inilagay ito sa may malapit sa exit para kapag aalis na ako ay madaling kunin at kitang kita na ngayon ang pulang sleeveless kong damit and last put on my finger less gloves na itim din.

I smirk, my outfit is complete. It's showtime baby.

THIRD PERSON

Napatingin ang lahat sa dalagang naglalakad papunta sa unahan o sa arena kung saan ay may nangyayareng laban. Pagtataka ang makikita sa kanilang mga mata.

"First look whose here."

Napaupo ng maayos ang tinawag na first at tumingin sa tinitingnan ng kasamahan niya. Nanlake ang kanyang mga mata ng mapag sino ang tinutukoy nito. Kilala niya ito kahit pa may takip ang ilong at bibig nito.

"Anong ginagawa niya dito?" Tanong ng isa pa niyang kasamahan na nakaupo sa bakal na harang. Yun din ang tanong niya bakit ito nandito?.

"Fuck!!" Sabay sabay silang napatayo ng bigla itong sumugod at pinagsusuntok ang mga naglalaban sa arena. Suntok na may kasabay na sipa ang ginagawa nito na siyang nagpatulog sa kalaban nito.

Nakanganga silang lahat ng sa loob lang ng isang minuto ay napatumba na nito ang mga kalaban niya. Tulad nila ay tulala rin ang lahat na nakapanood ng laban nito at sinamantala ito ng dalaga at nagtatakbo paalis.

"MGA TANGA!!! HABULIN NIYO SIYA!!!" Duon natauhan ang lahat ng sumigaw ang isa sa itinuturing nilang Hari. Nagmadali ang lahat para mahabol ito pero alam ng apat na lalake na hindi ito mahahabol ng sino man dito dahil ng pumasok ito sa teritoryo nila ay madali itong makakalabas ng walang kahirap hirap.
--------
Ang hihina talaga nila.
Takbo lang ako ng takbo at binubogbog ang mga haharang sa paglabas ko. Hinila ko ang jacket kong nakasabit at direretsong tumakbo at agad sumakay kay Baby Red.
Bago ko paandarin si baby ay lumingon ako sa kanila and form a gun using my hand and shoot it towards them.
***************************
Done!!!
Hope you'll like it.

LOVE AND WARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon