LAW-12

18 0 0
                                    

Credits to the real owner for the picture. Sa Google ko lang sila kinukuha.
------------------------------
"What's the plan then?" tanong ni 3rd, napahikab na naman ako ng wala sa oras at hindi ko na rin mapigilan ang pagpikit ng mata ko para muli akong mapasandal kay Apollo at nagsumiksik sa kanya. Naririnig ko pa naman ang usapan nila pero medyo blurry na sa pandinig ko dahil sa sobrang antok na nararamdaman ko masyado.

"I'll marry you" nangunot ang noo ko ng marinig ko ang mga salitang yun at mapaharap sa pinanggalingan ng boses na nasa likod ko lang. Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil ang nasa harap ko ay dalawang batang lalake na halatang nasa edad walo hanggang sampong taon.

"Marry me? ew be a man first like my Daddy duh" nanlaki ang mata ko ng biglang lumabas ang tanong na yun sa sarili ko mismong bibig at kung kanina ay nakatungo akong tinitingnan ang dalawang batang lalake ngayon ay kapantay ko na sila. Ano bang nangyayare?.

"So? your also a kid like us" aba't ang batang to ang hambog na masyado sa edad niyang yan. Iba ang ginagawa ng katawang to kesa sa iniisip ko. Di ko maalala ang ganitong mga tagpo ng bata pa ako and mostly sino ba yung dalawang batang lalake na halatang kambal din.

"So you don't want to marry my brother?" nameywang ako or rather ang katawang gamit ko sa tagpong ito. Kahit anong pilit na pag-alala sa tagpong ito ng bata pa ako ay wala akong maalala na nakaencounter ako ng kambal na bata nun.

"Why would I marry him?" patuloy lang ako sa pagmamasid sa kambal. Di mo mahahalata ang pagkakaiba nila kung hindi mo sila titingnan ng malapitan. Magkaiba ang kislap sa mga mata nila at ang kanilang postura. The one on right he has the attitude and aura of being a leader and the one on the left he has this warm aura. Nagtaka ako ng may makita akong sugat sa pisngi sa batang lalake na nasa kanan kaya agad kong kinuha ang band-aid na palagi kong dala. Palagi kasing may sugat ang kapatid kong si Apollo nung mga bata pa kami kaya nasanay na rin ako magdadala ng mga band-aids noo.

Lumayo ng ilang hakbang yung batang lalake sa kaliwa at hinayaan akong lumapit sa kapatid niya or rather ang batang ako. Maingat kong nilagay ang band-aid sa kaliwang pisngi niya at sa di ko inaasahan ay hinalikan ito ng batang ako. Putsa may landing tinatago? natawa ako sa sarili kong naisip.

"There. Your handsome pa naman tapos may sugat. Dapat wala kang sugat so I can marry you diba?" Gulat akong tiningnan ng batang lalake dahil sa sinabi ko pero agad siyang napangiti ng malaki at di ko inaasahan ang paghalik niya sa noo ko dahil may katangkaran siyang slight sa batang ako.

Sa pagpikit ko biglang nawala lahat at napalitan ito ng ibang pangyayare. I was in a ball at natatandaan ko ang pangyayareng ito. It was My and Apollo's birthday 18th actually so it means my debut pero hindi ko alam kung bakit ako nasa labas imbes na nasa loob at nakikisaya sa kanila.

"So beautiful" Agad akong napatayo ng may magsalita sa likuran ko at lihim akong napamura ng wala man lang akong dalang armas. I am still under training para maging Crowned sa mga panahong to. Napalingon ako sa paligid at hindi ko mapigilan ang di kabahan dahil bukod sa may kadiliman dito wala rin masyadong nagpupunta dito. At dahil sa lito ko hindi ko mapigilang mapaatras at may naaapakan akong bato dahilan para mawalan ako ng balanse sa ganitong kalaking ball gown di ako makakakilos ng maayos para maiwasan ang pagtumba ko at masaktan pero di ko inaasahan ang malambot na kamay na hahawak sa pulsuhan ko at makisig na braso na yayakap sa bewang ko. Kung may ibang makakakita para kaming magboyfriend at girlfriend sa itsura namin.

Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko at ang masuyong paghaplos ng kamay niya sa likod ko, and my instinct told me that I'm not in danger kaya hinayaan ko siya na yakapin ako at bukod dun pamilyar saakin ang pabango niya.

"I'm sorry I don't have any gift's for you" ang boses niya na tila humahaplos sa puso ko, na tila kilala siya neto pero walang pangalan ang lumalabas sa bibig ko. Sino ka ba? ikaw ba ang batang yun? bakit hindi kita matandaan?.

Unti-unti ay lumayo siya saakin at alam kong pinagmamasdan niya ang itsura ko dahil ramdam na ramdam ko ang maiinit niyang tingin. Nanlaki ang mata ko ng halikan niya ako pero wala man lang akong ginagawa para itaboy siya bagkos ay iniyakap ko ang mga kamay ko sa kanya leeg at ilapit ang sarili ko sa kanya making our kiss deepened. This kiss, his lips, so familiar. Mas nanlaki ang mata ko ng marealize ko na naibigay ko sa di ko kilala ang fist kiss ko!!!.

Marahan akong lumayo sa kanya na may hingal at kaba sa dibdib ko.

"Si-sino ka?" Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata para pagsisihan ko ang pagtanong konsa kanya, magsasalita pa sana siya ng sa di kalayuan ay naririnig ko ang pagtawag sa pangalan ko para tingnan ko ang mga humahanap saakin at pagbalik ko ng tingin sa kinatatayuan niya ay wala na siya na parang isang bula.

Naalala ko ang tagpong yun, sinubukang ko siyang hanapin at kilalanin pero nabigo ako lahat ng mga guess at invited ng panahon na yun ay kilala ko o kaya ni Daddy. Walang nag sakto sa kanila sa description ng lalakeng yun. I guess hindi siya invited kaya nag gate crushed siya kaya hindi ko siya makilala.

Napamulat ako ng mata mula sa panaginip na yun or rather sa pagbabalik tanaw ko sa mga alaala ko pero imposible na maging alaala ko yung tagpo kung saang may nakilala akong kambal na lalake. Nagtaka ako ng makitang nakahiga na ako sa malambot na kama ang naalala ko ay nag-uusap kami nila 1st kanina.

"Your awake" That voice gives me chill na hindi ko malaman kung saan nanggaling. Napalingon ako sa kanan ko kung saan nanggaling ang boses na yun. Si 1st na nakaupo habang may librong hawak at may salamin sa mata. His eyes their saying something. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa pagkabigla dahilan para mawalan ako ng balanse na siya namang pagkilos niya para masalo ako.

Ang mga yakap niya napakainit, ang mga mata niya kilala ko ang mga yun. Saan ko nga ba nakita ang magagandang mata niya?. Hindi ko mapigilan ang mga kamay ko ng alisin ko ang salamin niya at hawakan ang pisngi niya na hindi man lang niya pinigilan ang mapangahas na paghaplos ko sa mukha niya. Ramdam na ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa bewang ko at ang masuyo niyang paghaplos sa likod ko.

"I'll marry you" bigla kong narinig ang boses na yun sa isip ko sa di ko malaman na dahilan habang nakatingin sa mga mata niyang ang daming sinasabi.

"Yes I'll marry you" bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay nasabi ko na ang mga katagang yun. Kitang-kita ko rin ang paglaki ng kanyang mga mata dahilan para matauhan ako sa posisyon namin at sa sinabi ko sa kanya ngayon. Tinulak ko siya agad at inayos ang sarili ko, ngayon ko lang din na pansin na iba na ang suot kong damit.

"Sorry mali ang nasa isip ko" alam ko rin na namumula na ang pisngi ko dahil ramdam ko ang init nito. Shet mawawalan lang naman ako ng poise sa harap pa ni 1st, kainis!!!.

"Beautiful as ever" marahas akong napatingin uli sa kanya sa sinabi niya.

"Gising na ba siya?" Nilingon ko si Apollo na tulad ko ay iba na rin ang damit. Hindi ko magawang tumingin kay 1st dahil sa nangyare ngayon-ngayon lang.

"Uwi na tayo hinahanap na tayo ni Itay" Tumango ako kay Apollo at hindi ko na tinapunan ng tingin si 1st, hindi ko alam kung dahil sa hiya o sa gulat. I don't know kung bakit ganito ang naramdaman ko.
-----------------------------
Lalalalalala
Bakit ako ata ang kinikilig? hahaha

LOVE AND WARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon