LAW-11

8 0 0
                                    

Nakanganga akong nakatingin sa cellphone na hawak ko. At halos 5 minutes na ng matapos kong tawagan si 3rd.

"So?" Nabalik lang ako sa huwisyo ng magsalita si Apollo at dun ko lang narealize na may 10 minutes na lang kami!!!!.

"Sa shooting range ni 5th!!! In 10 minutes!!!" Dali dali kong kinuha ang susi ng motor ni 3rd at tumakbo palabas ng kwarto. Dinig na dinig ko din ang malulutong na mura niya na nakasunod saakin.

Damn!! Mabuti na lang pala at malapit lang ang condo unit na to ni Apollo. 45 minutes drive kung tamang pagpatakbo lang eh kung ganitong rush kaya ang almost 5 minutes lang.

Hingal na hingal akong pumarada sa harapan mismo nila na halatang hinintay talaga kaming dalawa ni Apollo. With a smirk I look at them.

"4 minutes and 48 seconds" napatanga namang nakatingin saakin si 3rd at 5th na ngisi ngisi naman.

"What?!!!" Natatawang bumaba ako sa motor niya at hinagis sa kanya ang susi na muntik na niyang hindi masalo. Nakita ko din sa gilid ng mata ko na bumaba si Apollo.

"Nice to see you again 4th" napatingin ako sa lalaking nasa gitna ni 3rd at 5th at tinaasan lang ito ng kilay. Tulad ng dati ay nakamask ito mula ilong hanggang bibig. Tumango lang ako sa kanya at inayos ang buhok kong nagulo ng hangin.

"1st" ni hindi niya man lang tinapunan ng tingin ang kapatid ko at nanatiling nakatingin saakin na hindi ko na lang pinansin.

"Pumasok muna kayo at magmeryenda" tumingin ako kay 5th na siyang nagsalita at umiling na lang.

"Hindi na at matatagalan kami kung sakali wala pa kaming tulog pareho,nandito lang kami sa sasabihin ni 1st" muli ay ibinalik ko sa kanya ang paningin ko at ganun pa rin siya kung makatitig animoy binabasa ang nasa isip mo. Napataas ang kilay ko ng di pa rin siya kumilos.

"1st" para namang nagbalik sa huwisyo niya si 1st sa pagtawag sa kanya ni 5th dahilan para tumango siya at naunang maglakad. Ang sakit na ng ulo ko, gusto ko ng matulog talaga.

(Sorry pero medyo mahina ako sa pag describe ng lugar haha)

Nakaharap sa may shooting area si 1st, si 3rd ay naupo sa pang-isahan na upuan at ganun din si 5th, si Apollo sa may sofa kaya dali-dali akong sumunod sa kanya at humiga, unan ko ang binti niya at patalikod ang ginawa ko. Bali ang nasa harap ko ay ang sandalan ng sofa.

"Woi" Inalis ko ang daliri niya na pinangsusundot sa mukha ko. Kita ng nagpapahinga yung tao mang-iistorbo. Kainis.

"Makikinig ako ano ka ba" bumaling ako paharap at alam ko na nakaharap na din si 1st base sa posisyon ng sapataos niya na nakikita ko pero wala akong pakialam dahil pagod na ang katawan ko.

Nakarinig din ako ng pagbuntong-hininga at dahil nakapikit ako di ko alam kung sino sa kanilang apat ang gumawa nun. Kahit nakapikit pa naman ako ay alerto pa rin ako sa paligid ko pero di ko alam basta kasama ko ang apat na ito ay nagiging komportable ako masyado sa lugar.

"How's the two doing?" shet bakit ba ganito ang boses niya palagi? parang may something na di ko alam kung ano eh. Parang gusto ko laging naririnig. At dahil naramdaman ni Apollo na wala akong balak magsalita siya na lang ang sumagot sa tanong na iyon ni 1st.

"Still under training with Itay, thu they can go out restricted pa din ang mga kilos nila. And as of this moment they were given a mission under 8th and 10th supervision by 4th's command" gumalaw ako ng konti para mas maging komportable, kinuha ko ang braso ni Apollo para yakapin. Sanay naman na siya sa ganitong gawain ko.

"And someone is making a little trouble for the organization" Nag-mulat ako ng mata at tinginan si 1st na ang atensyon pala ay nasaakin para mapaiwas agad ako ng mata. Kanina pa ba nasaakin ang tingin niya?. Pumikit na lang ako uli para maiwasan na makita siya.

"And who could it be 4th?" sa ikalawang pagkakataon ay nagmulat ako ng mata at tinginan si 5th na siyang nagtanong, binigyan ko siya ng maliit na ngiti at umayos ng upo pero sumandal ako sa katawan ni Apollo at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

"None other than our little mischievous 6th" at tulad kanina kinuha ko uli ang braso ni Apollo at niyakap.

"Ano na naman ba pinaggagawa ng isang yun?" Natatawang tanong ni 3rd na may hawak na palang beer sa kamay.

"May kapalpakan na naman na gawa?" Mahihimigan sa boses ni 5th ang tawa sa tanong niya, pero hindi ko siya sinabayan sa tawa niya na marahil ay napansin niya ang pagiging seryoso ng mukha ko at alam kong pati si Appolo ay seryoso na din.

"Lahat ng misyon niya ngayon at maaga niyang natatapos" Pinisil ko ang kamay ni Apollo dahilan para siya na ang magpatuloy sa pagsasalita.

"As Athena said. Walang misyon na hindi tapos ang isang yun, na ipinagtataka naming dalawa. Bukod dun hindi siya ang kumukuha ng misyon sa organisasyon, ibang tao ang kumukuha para sa kanya" Umayos ako ng upo sa sinabing yun ni Apollo and give them a grin na ikinataas ng kilay ni 3rd.

"And guess what who's the person?" Nanlaki ang nakakalokong ngiti sa mukha ko para saakin mapunta lahat ng atensyon nila. Napahikab ako ng wala oras at ibinalik ang ulo ko sa pagkakasandal sa balikat ni Apollo.

"7th" Tiningnan ko si 1st and his eyes a dangerous glint flashes in them na dahilan para mapalunok ako ng wala sa oras. Napabuntong-hininga ako sa naramdaman kong takot kay 1st.

"Nasa kanya si 6th" muli ay nakuha ko ang atensyon nila, napatayo si 5th sa sinabi ko para mahulog ang ilang cans ng beer na wala at may laman. 6th is the very clumsy person sa lahat ng Crowned, ang ilan sa misyon niya ay inaabot ng 1 week bago matapos at minsan ay napakaraming aberya kaya napipilitang tumulong ang ilan sa amin. Hindi naman siya maalis sa posisyon sa kadahilanang siya ang informant ng organisasyon at ng mga Crowned pagdating sa mga kanya-kanyang misyon. He isa the best when it comes to being an informant.

"The F*ck! Totoo yan?!" Tumango ako kay 5th. 6th and 5th are close dahil halos silang dalawa ang magkapareho ng ugali hindi sila mahirap pakisamahan and 5th consider 6th as his brother.

"We found evidences that 6th is in 7th and 9th hands, lahat ng gamit na palaging dala ni 6th ay naiwan sa bahay niya. And we tracked him huli siyang nakita kasama niya ang dalawa at pagkatapos nun si 7th na ang kumukuha ng lahat ng misyon ni 6th at pinapalabas na ito ang tumatapos sa mga yun para walang maghinala na nawawala si 6th" Napalingon ako ng marahas na itapon ni 5th ang can ng beer na nasa harap niya dahilan para matapunan kami ni Apollo pareho mabuti na lang at agad akong niyakap ni Apollo para hindi matamaan ng ilang cans pero di maiiwasan na mabasa ang pantalon ko. Loko to kung di ko lang siya naiintindihan.

"Mag-iingat ka naman!!" Hinubad ni Apollo ang suot niyang jacket at ipinunas saakin ang hindi nabasang parte kinuha ko sa kanya ang jacket at siya naman ang pinunasan ko kahit alam kong wala na din silbi dahil talagang pati damit niya ay nabasa.

"Relax 5th. Their not going to kill 6th , with his connection and talent as informant they will hesitate to end his life" Kahit ang hinahon ng boses ni 1st ay rinig na rinig ko pa rin ang talim at galit dun na kinakatakutan ko talaga sa kanya.
---------------------------------------
Yes nakapag update din ako 😍😍
Sorry sa matagal na pagpapahinga ko sa pagsusulat 😍😍.
Anyways po salamat sa mga nagbabasa pa din.

LOVE AND WARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon