LAW-13

10 0 0
                                    

Nakauwi na ako't lahat di pa rin mawala sa isip ko yung napanaginipan ko at ang nangyare kanina sa pagitan namin ni 1st. Hindi ako mapakali dahil habang lalo kong naaalala lalong dumadami ang tanong sa isip ko. Si 1st ba ang batang lalaki na yun?, pero impossible ang alam ko walang kapatid si 1st lalo na kung kakambal pa, Is 1st and I an acquaintance? magkakilala? o childhood sweetheart namin ang isa't isa?. Impossible yung huli dahil nakilala ko si 1st nung maging crowned ako. Napasabunot ako sa buhok ko sa dami ng mga tanong na dumadagdag sa isip ko.

"Kambal" wala sa sariling sambit ko dahilan para mapatingin saakin si Inay na kasalukuyang nagluluto ng Lunch namin ni Apollo.

"Is something bothering you Anak?" napaangat ako ng ulo sa pagkakatanong ni Inay. Umayos ako ng upo at tiningnan siya na takpan ang kanyang niluluto at ilapag niya ang sandok.

"Inay may kakilala ba tayo na may Anak na kambal?" nangalumbaba ako at diretsong tumingin sa kanya kaya hindi nakaligtas saakin ang medyo pag laki ng kanyang mga mata dahilan para mapakunot noo ako.

"I do have some acquaintances who have twins, why?" Lalong lumalim ang pagkakakunot-noo ko ng makita ko ang kunting pag-aalala at relief? sa mga mata ni Inay. Relief for what?. Umayos ako ng upo iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya yung napanaginipan ko.

"I dreamed of my child self talking to a twin male, don't know Inay pero wala akong maalala na may nakasalamuha akong kambal" napangiti ako ng alanganin sa kanya and she gesture na ipagpatuloy ko ang kinukwento ko sa kanya.

"And one of them said He will marry me" dun nanlaki ang mga mata ni Inay na ikinataka ko na talaga. May alam ba siya tungkol dun? o ako lang ang talagang nakalimot?.

"Ang bango" napalingon ako kay Apollo na pumasok sa kusina at ki Itay na nakasunod sa kanya na ang laki agad ng ngiti kay Inay. Napailing na lang din ako. Itay loves Inay so much.

"Don't think about it Inay. Maybe it's just my mind playing on me" sabay kamot ko sa ulo ko at tawa ng mahina dahilan para mapailing siya.

"Ano ba yun gem?" tanong ni itay sabay lapit ki Inay at yakap dito mula sa likod. Sa lahat ng kwento tungkol sa pag-ibig kila Inay ang pinakapaborito ko.

"Nanaginip ako ng kambal na lalaki and guess what Itay?" natatawang biro ko pa at hindi alintana ang muling pag-aalala sa mga mata ni Inay.

"What?" nakangiting tanong din ni Itay saakin. Kumuha ako ng ubas sa mga prutas na inihanda pa kanina ni Inay at nakangiting tumingin ki Itay.

"One of them said he will marry me" Hindi ko napansin ang pagkawala ng ngiti ni Itay at ang marahas na paglingon naman ni Apollo sa direksyon ko dahil ang buong atensyon ko ay nasa ubas na halos makalahati ko na.

"Nakakatawa hindi ba Itay?" muli akong tumingin sa kanya na nakapagtaka saakin ang tila pekeng ngiti na nakaplaster sa kanyang labi. May hindi ba ako alam? o may tinatago sila saakin?.

"Hindi ka ikakasal hangga't hindi ka pa 50?!!" nanglaki ang mata ko dahil sa sinabing yun ni Itay. Gagawin pa kong matandang dalaga ni Itay. God ni di na ako nagkaanak niyan.

Iling-iling na lang ang ginawa ko at patuloy na kumain ng ubas pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang lihim na tinginan nilang tatlo dahilan para maikuyom ko ang kamao kong nasa kandungan ko. I know they're hiding something from me. Pero ang tanong ano yon? alam ko na hindi nila ako sasaktan pero pakiramdam ko may malaking bagay akong hindi alam. Tungkol ba to sakin? o may hindi lang talaga sila sinasabi?. Am I in danger?. Hindi ko makukuha ang sagot sa kanila kapag nagtanong ako kasi if ever sasabihin nila ito saakin at hindi nila itatago.

Kahit sa pagkain naman hindi ako nakibo kahit kinakausap ako ni Apollo o kahit ni Itay. Hindi kasi maalis saakin ang mga kakaibang kilos nila sa mga sinabi ko.

"Stop thinking about it young lady" napatingin ako ki Inay na nakatingin pala saakin. I don't know pero parang ibang tao ang nakikita ko sa kanya. She has the cold eyes na kinasanayan ko pero kapag tumingin siya saamin ni Apollo ay may pagmamahal sa mga yun. As if she's looking at her enemy dahilan para mapalunok ako. Mahal ko si Inay pero takot ako sa kaya niyang gawin o sa magawa.

"I'm sorry Inay nababagabag lang talaga ako" narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at mahinang pagkalampag ng kubyertos.

"That twin you mention? nothing's important about them alright? maybe it was just your imagination. Just get some rest I will bring some food for you. You cannot eat when your occupied" Tumango na lang ako ki Inay at naglakad na papasok sa kwarto ko at tamad na tamad na nahiga sa kama at nakatingin sa kisame. Namalayan ko na lang ang sarili ko na natulog na.
-----------------------------------------
-APOLLO POV-
Katahimikan ang namayani sa dining area pagkaalis ni Athena. Napakuyom ako ng kamao ng maalala ko ang mga sinabi niya.

"Hindi ba natin sasabihin sa kanya Inay?" nag-aalalang tanong ko sa kanya, ngunit mas nanlumo ako ng makita ko ang mga butil ng luha na tumutulo sa kanyang mga mata na agad siyang nilapitan ni Itay.

"I can't say anything about her. Nagiging duwag ako kapag naalala kong muntikan siyang mawala saatin. Naalala ko kung paano siya maging gulay ng panahong yun. Am I selfish son? am I selfish for not telling her the truth? am I selfish?" napailing ako sa mga sinasabi ni Inay at saka siya nilapitan sa upuan niya at hawakan ang kanyang mga kamay. That was our darkest time, we almost lost her, my twin sister. Inay went berserk after finding Athena almost lifeless of what happened that time, she was persecuted of many people of what she has done for avenging of what happened to her daughter. And besides of being in a vegetable state nawala siya samin ng ilang taon na siyang lalong nagpagalit ki Inay at Itay na dahilan para lalong dumami ang mga taong nababangga ng pamilya namin. Kung hindi dahil ki 1st hindi naman makikita uli si Athena yet without her memories.
-------------------------
Hay sainyo lahat pagpasensyahan niyo na matagal kong pagkawala hinahap ko lang sarili ko char haha.
kidding aside naging busy lang. Sorry uli at ngayon lang ako nakapag update. sorry sa mga wrong grammar ko anyways. Love lots 😘😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE AND WARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon