CHAPTER 1 ( HIGH SCHOOL DAYS)

1K 80 85
                                    

(AN: Mga mahal kong readers kung meron man, baka maguluhan po kayo dito kaya mag-iiwan ako ng legend.

LEGEND:

xxxxxxxxx  pag nakita niyo yan ibig sabihin po kinukwento lang yung part na yun ng isang character or in short FLASHBACK/PAST.

++++++++ eto naman po kapag nasa PRESENT time yung part na yun.

I will put those symbols in the beginning and ending of the parts.

Remember that legend para hindi po tayo malito,pero I will do my best naman para linawan yung kwentong 'to at madali niyong magets. ENJOY READING! THANK YOU,:-) )

CHAPTER 1

*HIGH SCHOOL DAYS (OCTOBER 15 20**)*

Mina's PoV

Xxxxxxxxxxxxx

"Okay class,I will group you into five for your Dance Presentation. This is group 1,2,3,4 and 5. Now, I want you to choose your leader and please cooperate to your groupmates." Sabi ng teacher namin sa P.E. Groupings na naman pero gusto ko 'to Dance Presentation 'to eh!

Bago kami lumabas ng room para magpractice lumapit sakin si Matthew Naguapa, classmate ko close kami niyan super! Crush yan ng mga babae dito,2nd year high school na nga pala kami. Si Matt ay matangkad mga 5'8 na gwapo pa,siyempre matalino din yan meron siyang matangos na ilong,manipis na labi,maputi basta baka abutin ako ng gabi dito sa pagdedescribe kung anong itsura ng lalaking 'to sa harap ko. Bagay din sa kanya yung name niya Matthew (Macho) na (Gwapo PA).

"Mina! Hindi tayo magkagroup sayang! Dapat pala lumipat ako ng upuan eh. Napasa na yung pangalan ko kay Ma'am eh ako pa nga ginagawang leader eh. Pero hindi ako pumayag sabi ko lilipat ako pag ginawa nila kong leader. Kaya hindi na lang ako lumipat kasi sinunod nila ko." Sabi ni Matt na parang batang nagsusumbong sakin.

"Okay lang yan, isang subject lang naman 'to! Sige na labas na ko baka hinihintay na ko ng kagroup ko!" Paalam ko sa kanya. Si Matt yung una kong naging close nung naging 2nd year ako kaya malungkot din na hindi kami magkagroup ngayon.

Nasa labas na ako,naguusap na kami kung anong mangyayari sa presentation namin.

"Late ka Kevin bahala ka na maghanap ng grupo mo!" Narinig namin na sabi ni ma'am na malapit sa may pintuan kung saan malapit ang pwesto namin nasa labas lang kasi kami ng room namin.

*toinks toinks* (sound effects po yan ng KALABIT! Wag niyo ng pagtawanan wala akong maisip eh.)

May kumakalabit sakin nakatalikod kasi ako sa may pinto kaya agad ko namang nilingon, paglingon ko nakita ko ang isang lalaking nakayuko,matangkad siya ng 4 or 5 inches sakin. So ibig sabihin 5'4 or 5'5 siya kasi 5 ft. Lang ako sakto!

"Bakit?" Tanong ko classmate ko pala ito kung hindi ako nagkakamali siya si Kevin Dela Cruz na kausap ni ma'am kanina. Gwapo din siya,matangos ang ilong,medyo singkit,manipis din ang labi basta gwapo parehas sila ni Matt pero lamang lang ng konti si Matt kasi nga mas matangkad siya parehas lang naman silang maputi.

"Ahmm.. Pwede akong sumali sa grupo niyo?" Nahihiyang tanong niya sa akin.

"Ha? Sige sige okay lang!" Sagot ko nang hindi na tinatanong ang mga kagrupo ko dahil narinig naman nila. Kinuha na rin niya yung 1/4 sheet of paper kay ma'am kung saan dun nakalista yung pangalan naming magkakagrupo.

Nung mga sumunod na araw lagi kaming nagpapractice para sa presentation namin, tatlong linggo na din ang nakakalipas simula nung magsimula yung klase pero kaming magkakaklase nahihiya pa rin sa isa't-isa. Si Matt at ako lang talaga ang close dahil sa hindi kami magkagrupo eto hindi ko alam pero ang lagi kong kasama ay si Kevin close na din kami.

EXPECT THE UNEXPECTED (SHORT STORY, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon