CHAPTER 3 ( MY ONE AND ONLY BEST FRIEND)

482 71 63
                                    

CHAPTER 3

*MY ONE AND ONLY BEST FRIEND*

Kevin's PoV

+++++++++++++

Nandito kami ngayon sa bahay nila Angel napakaganda pala dito. Ngayon lang namin nakita dahil gabi na kami dumating kahapon dito. Medyo mataas ang lugar nila kaya kitang-kita ang berdeng kapaligiran,mga magagandang bulaklak at ang mga hayop kambing,kabayo,kalabaw,manok,at tupa. Nakita ko lang 'tong lugar na 'to sa internet hindi ko inakalang makakapunta ko dito kasama ko pa ang nag-iisang best friend ko.

"Bhest ang ganda dito parang nasa Paraiso tayo! Tagaytay ba 'to o Baguio? Sabihin mo na kasi kung anong lugar 'to para mapuntahan din natin ulit 'to kasama sila Matt." Nakangiting sabi sakin ni Mina na biglang humiga sa may damuhan sa labas ng bahay nila Angel.

"Secret! Next time ko na lang sasabihin." Sagot ko na lang sa kanya para tumigil na siya.

"Kuya, Ate laro tayo! Habulan tayo ako muna taya!" Sigaw naman ni Angel.

"Sige! Game Nica tayain mo ko bilis!" Masiglang sabi ni Mina at agad tumayo mula sa damuhan tinapik na siya ni Angel sabay sabing taya.

"Bhest taya!" Bigla akong tinapik ni Mina samantalang hindi pa ko nakakatayo sa kinauupuan ko sa may tabi ng puno.

"Ang daya naman! Hindi pa ko ready eh." Sabi ko sabay takbo papunta sa direksyon nila.

"Huli ka Angel! Taya!" Sabi ko nung naabutan ko si Angel.

"Tayain mo ulit ako Nica!" Sabi ni Mina at tinaya naman siya ulit ni Angel.

"Bhest ang daya mo bata lang pinapatulan mo!" Sigaw ni Mina sa akin at hinabol ulit ako.

Ang tagal bago niya ako mahabol,nagtutulong pa sila ni Angel para mahuli ako pero hindi nila ko maabutan. Sobrang nakakapagod tumakbo sa ganitong lugar taas baba kasi yung daanan dito at hindi patag katulad ng sa Maynila.

Maya-maya nagulat na lang ako nang mapansin ko na ako na lang mag-isa tumatakbo at sa hindi kalayuan may nakita akong ilog at doon nakita kong umiinom si Mina at Angel ng tubig mula sa ilog. Kaya tumakbo ako pabalik sa kanila.

"Bakit hindi niyo man lang ako tinawag? Ang linaw ng tubig bakit ngayon ko lang 'to napansin?" Tanong ko sa dalawa pero hindi ako sinagot nagpatuloy lang sila sa pag-inom at pagkatapos humiga na naman sa may damo, kaya ang ginawa ko uminom na lang din ako sa ilog at ginawa kong pangsalok ang mga kamay ko katulad ng ginawa nila Mina at Angel.

"Bhest ang sarap dito! Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar." Biglang sabi ni Mina habang nakapikit.

"Oo Ate maganda talaga dito,ayoko na nga sanang umalis dito kaya lang baka sunduin na ko." Sagot naman ni Angel kaya bigla akong napatigil sa pag-inom nung biglang umupo si Mina at parang nagulat.

"Susunduin ka? Bakit? Pagbalik ba ng parents mo lilipat na kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Mina.

"Hindi po---"

"Di ba sabi mo sa akin baka lilipat na kayo?" Pagputol ko sa sasabihin ni Angel.

"Ha? Eh-- opo pero hindi pa po sigurado kung kailan." Nag-aalangan na sagot ni Angel.

"Ayy ganun ba? Sayang naman, maganda pa naman dito sa lugar na 'to." Sabi naman ni Mina nang may panghihinayang sa tono niya.

"Di bale sulitin na lang natin 'tong lugar na 'to habang nandito tayo! Tulog muna tayo dito. Tara bhest dito ka muna sa tabi ko this time ako naman ang gawin mong unan. Angel dito ko naman sa may tiyan ni Ate mo." Suhestiyon ko sa kanila. Humiga naman si Mina sa tabi ko at ginawang unan ang braso ko,si Angel naman humiga na din sa may tiyan ni Mina. Napakasarap ng hangin dito ang sarap matulog!

EXPECT THE UNEXPECTED (SHORT STORY, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon