CHAPTER 7 (CALLING CLUELESS MINA)

266 52 33
                                    

CHAPTER 7

*CALLING CLUELESS MINA*

Kevin's PoV

++++++++++++++

Pakiramdam ko matagal na kami dito sa lugar na 'to, masaya ako na kasama ko ang nag-iisang best friend ko. Parang ayoko nang umalis dito kasi kapag bumalik kami ni Mina,matagal na naman kaming magkakasama. Magiging busy na kasi ulit siya at ganun din naman ako.

Katabi ko siya ngayon habang mahimbing siyang natutulog,parang pagod na pagod na siya at kailangan niya talagang magpahinga kaya hinayaan ko na lang muna siyang matulog katabi si Angel.

Buti na lang pala natuloy 'tong plano namin ni Mina na magbakasyon,ang original plan kasi namin buong Dudz ang mag-a-out of town pero hindi inaasahang makakatakas kami sa kanila. Kaya baka ngayon asar na sa amin ang mga yun at baka nagtatampo na din kasi hindi kami nagpaalam sa kanila. Naaalala ko pa kung paano ako nagpaalam sa tatay at nanay ni bhest para lang payagan siyang sumama sa akin.

+++++++++++++

xxxxxxxxxxxxxxx

Magkakasama kaming mga Dudz ngayon pagpaplanuhan namin ang aming out of town. Bakasyon na din kasi at malapit na ring grumaduate si Matt,sagot na daw niya ang pagkain para bawas gastos kami at mag-aarkila na lang daw kami ng Van pero 3days pa daw after ng graduation ni Matt kami aalis para daw makapaghanda kami pare-pareho. Wala pa rin pala kaming lugar na pupuntahan pagbobotohan pa daw, magse-search na lang ako sa internet kung ano mas maganda kasi meron kaming tatlong pagpipilian Tagaytay,Baguio at Batanggas. Tapos magrerent na lang kami ng isang kwarto at sama-sama na kaming lahat doon tutal sanay naman kaming magkakasama.

"Ano okay na ba yung plano? Siguro 3 days lang din tayo doon kasi baka kulangin na ang budget natin, baka maubos yung sahod ko ng kalahating buwan." Sabi ni Jeng. Lahat kasi kami may trabaho na kahit kaming hindi nakatapos ng college meron din naman at yung mga nakatapos naman ng college big time na pero walang lamangan at yabangan sa ngrupo namin, dahil pantay-pantay pa rin ang tingin namin sa isa't-isa. Si Matt nga lang pala ang nahuli sa amin pero malapit na din naman siyang grumaduate ng college.

"Okay na yung 3 days may trabaho din naman tayo na dapat balikan." Sabi naman ni Yeye.

"Oo okay na yun sigurado magiging masaya tayong lahat doon!" Pagsang-ayon naman ni Edmar.

"Okay yan! Tapos dudz may sasabihin din ako sa inyo after ng graduation ni Matt." Nakangiting sabi naman ni Anda.

"Ano yun? Wag mong sabihing sasagutin mo na si Ban?" Mapanlokong tanong naman ni Mhico.

"Naku! Isasabay niyo pa sa graduation ko!" Nakatawang sabi naman ni Matt.

"Mga baliw! Bakit nanliligaw ba ko diyan kay Anda para sagutin niya ko?" Seryosong sabi naman ni Ban.

"Ayy bakit hindi ba Ban? Ang tagal na ng BANDA love team na yan tapos hanggang ngayon wala pa ring improvement?" Sabi naman ni Tina na parang nanghinayang.

"Torpe kasi si Ban! Sa pagkakaalam ko M.U kayo di ba? Nakanaks parang mga high school lang! Di ba bhest?" Nakatawang sabi ko, pero pagtingin ko kay Mina parang problemado.

"Ha? Oo! Wala kayong mararating niyan kung puro kayo pakipot!" Nakangiting sabi naman ni Mina na parang nagulat pa.

"Uy kilig,uy kinikilig,kilig na kilig!" Sabay-sabay na kanta at sayaw naman ng buong Dudz. Si Ban at Anda naman halatang kinikilig,kunyari pa kasi eh.

"Teka lang dudz! Parang problemado si bhest eh. Anong problema mo?" Tanong ko naman kay bhest.

"Eh kasi ang ganda ng plano pero hindi ko alam kung papayagan ako nila tatay sumama. Tatlong araw kasi yun baka mag-alangan silang payagan ako." Nakangusong sabi sa amin ni Mina.

EXPECT THE UNEXPECTED (SHORT STORY, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon