CHAPTER 8 ( SOMETHING HAPPENED ON SOMEONE'S POINT OF VIEW)

250 43 24
                                    

CHAPTER 8

*SOMETHING HAPPENED ON SOMEONE'S POINT OF VIEW*

Someone's PoV

+++++++++++

"Manang pakikuha yung susi ng kotse sa kwarto ko!" Utos ko kay Manang yung kasambahay namin. Pupunta kasi ako sa anak ko,sobrang namimiss ko na siya.

"Sir eto na po yung susi niyo! Pupunta po ba kayo kay Angelica?" Tanong ni Manang sa akin,siya kasi yung nag-alaga sa walong taong gulang kong anak na si Angelica.

"Oo manang! Gusto niyong sumama?" Sagot ko naman sa kanya.

"Hindi na po sir ikamusta niyo na lang ako sa kanya,nakakamiss talaga yung batang yun! Ingat po kayo sir!" Bilin naman niya sa akin.

"Sige manang,alis na po ako pakibukas na lang po yung gate. Thank you!" Sabi ko sa kanya at saka ako pumasok sa kotse at inistart ito.

Pinaandar ko na ang kotse nakalabas na ito sa gate, at ngayon papunta na ko sa lugar kung nasaan ang nag-iisang anak ko. While I was driving, I remembered everything that happened that night.

The night that I didn't expect to happen.

The night that I will never forget.

+++++++++++

xxxxxxxxxxxxx

"Sir! Sir si Angelica po inaatake na naman!" Sigaw ni Manang sa akin habang ako ay nasa kwarto ko. Naririnig ko ang pagkatok niya at ramdam ko ang pagkataranta niya kaya agad naman akong tumayo mula sa kinauupuan ko para buksan agad ang pinto.

"Bakit manang anong nangyari kay Angelica?" Natatarantang tanong ko sa kanya.

"Inaatake na naman po siya,hindi po siya makahinga!" Nag-aalalang sagot niya sa akin.

"Ihanda niyo ang gate,yung susi ng kotse kunin mo!" Natatarantang sabi ko sa kanya at agad akong tumakbo sa kwarto ng aking anak.

Nang makarating ako sa kwarto niya, nakita kong hirap na hirap siyang huminga kaya agad ko naman siyang kinarga at ibinaba agad nasa taas kasi kami.

"Baby sandali na lang pupunta na tayo ng hospital! Wag kang pipikit ah nandito lang si Daddy!" Maiyak-iyak na sabi ko sa kanya dahil ngayon na lang siya ulit inatake ng ganun. Meron kasi siyang sakit sa puso na namana niya sa kanyang Mommy na siyang dahilan kung bakit dalawa na lamang kami ni Angelica na magkasama. Namatay ang asawa ko dahil sa hindi niya kinaya ang panganganak kay Angelica,kahit alam niyang mangyayari yun mas pinili niya pa ring buhayin ang anak namin na si Angelica kahit buhay niya pa ang kapalit. Kaya ganito na lang ako mag-alala sa anak ko dahil ayaw kong mawala din siya sa akin. Heart transplant na lang ang paraan para kahit papano gumaling siya, pero wala pa rin kaming nahahanap na donor. Hindi ko siya pinapayagan maglaro o gumawa ng kahit anong ikapapagod niya dahil masama para sa kanya yun, naaawa na nga ako sa kanya dahil sa murang edad niya nahihirapan na agad siya at hindi niya nararanasan ang maglaro katulad ng ginagawa ng ibang mga bata.

Sumakay na agad kami ng kotse at pinaandar ko ito ng mabilis para makarating kami agad sa ospital. Kapag ako ang nagda-drive sinisigurado kong safe ako magdrive para iwas disgrasya,pero ngayon kailangan kong makapunta agad sa ospital.

"Sh*t! Ngayon pa nagtraffic dito!" Inis na sigaw ko, alas-otso na nga pala ng gabi at sakop pa rin ang oras na yun ng rush hour kaya traffic. Ang ginawa ko niliko ko ang kotse pakanan, papunta sa may looban na alam kong may daan papuntang ospital. Mabilis kong pinatakbo ang kotse dahil alam ko namang wala masyadong dumadaan dito, malapit na nga itong magfull speed.

"Daddy,ingat po sa pagda-drive!" Narinig kong sabi ng anak ko na halatang hirap na hirap nang makahinga pero pinipilit pa ring lumaban.

Hinarap ko siya habang nagda-drive pero niliko ko muna ulit sa isang diretsong daan ang kotse.

EXPECT THE UNEXPECTED (SHORT STORY, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon