CHAPTER 5 ( REMINISCING)

344 67 67
                                    


CHAPTER 5

*REMINISCING*

Mina's PoV

xxxxxxxxxxxxxx

I'm so excited! Excited na kong pumasok hindi ko alam kung bakit,siguro dahil sa mga kaibigan ko ang saya kasi nila kasama.

"Nay,Tay alis na ko!" Paalam ko sa nanay at tatay ko.

"Sige ingat!" Sagot ng tatay ko.

Sumakay na ko ng tricycle kahit malapit lang naman yung school dito at kahit maaga pa. Pagdating ko,umakyat agad ako sa 2nd floor kung saan nandun ang room ng mga 4th year kaklase ko pa rin si Kevin at siyempre classmate ko na din si Matt yung ibang Dudz naman nalipat ng section kaya apat lang kami kasama si Ban.

"Ban! Ang bango natin ngayon ah! Wag kang gagalaw diyan para hindi ka mapawisan para hindi ka rin bumaho!hahaha!" Natatawang asar ko sa kanya.

"Grabe ka Mina! Akala mo naman ang bango mo? Ikaw liit ang yabang mo ah!" Asar niya din sa akin. Liit ang tawag niya sa akin minsan kasi daw maliit ang ilong ko,mata ko,at tenga ko at pati daw ako maliit kulang daw sa height! Ang yayabang din.

"Liit mo your face Bantot! Nasaan na ba ang dalawang mokong bakit wala pa?" Tanong ko na lang sa kanya.

"Aba malay ko sa mga best friends mo!" Malakas na sabi niya sa akin.

"Tara samahan mo ko hintayin natin sila sa baba." Sabi ko sa kanya nang nakahawak pa sa manggas ng polo niya.

"Ikaw na lang ayoko na bumaba. At saka sabi mo wag akong gagalaw dito kaya ikaw na lang." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Ang arte mo! Sige na Ban tara na." Pagpilit ko sa kanya.

"Ayoko nga liit tinatamad ako inaantok pa ko eh! Ikaw na lang at saka bilisan mo na din malapit na magbell!" Seryosong sabi ni Ban at saka yumuko sa desk niya.

"Panghapon na nga tayo inaantok ka pa din tinatamad ka lang eh. Bahala ka nga diyan bantot mo!" Sabi ko sa kanya ng nakapout at lumabas na ko ng room.

"Umakyat kayo agad ah malapit na magbell!" Pahabol na sabi niya sa akin.

Bumaba na ko, konti na lang ang mga estudyante malapit na kasi magtime pero wala pa din yung dalawa. Nasaan na kaya yung dalawa na yun? Lumabas ako sandali ng gate para abangan yung dalawang mokong. Maya-maya pa may nakita akong mga lalaking estudyante sa may tindahan ng palamig. Tinignan ko kung sino at lalapitan ko para makita ko din yung dalawang natatakpan ng mga lalaking nakatayo. Paglapit ko nakita ko yung dalawang lalaki na nakaupo, kitang-kita ko kung paano nagtatago yung dalawa.

*KRRRIIINNGGGG*

Hala nagbell na late na tuloy ako tapos itong dalawa na 'to todo tago pa. Yari sakin 'tong mga 'to.

"Excuse me po!" Sabi ko sa apat na lalaking nakatayo at hinaharangan ang dalawang lalaki.

"Bakit miss?" Tanong sa akin ng isa.

"Wala lang! May nakita kasi akong dalawang mokong kaya tabi diyan!" Maangas na sabi ko sa lalaki kaya umalis silang apat sa kinatatayuan nila at kitang-kita ko yung dalawa na nakangiti.

"Oh eto sa inyo!" Sabi ko sabay batok sa kanilang dalawa.

"Aray!" Sabay na sabi nilang dalawa.

"Ano pang hinihintay niyo diyan? Isa pa gusto niyo?" Seryosong sabi ko sa kanila. At agad naman silang tumayo,subukan lang nilang hindi sumunod sa akin.haha!

"Sige na mga pare! Nahuli kami eh next time na lang tayo magbasket ball!" Nakatawang sabi ni Matt.

"Wala kayo magtakip eh nakita kami! Sige na." Sabi naman ni Kevin na parang nanghihinayang.

EXPECT THE UNEXPECTED (SHORT STORY, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon