CHAPTER 9 ( THE UNEXPECTED NIGHT)

256 45 28
                                    

CHAPTER 9

* THE UNEXPECTED NIGHT*

Matt's PoV

++++++++++

Uuwi na sana ako pagkagaling sa trabaho pero naisipan ko na dumiretso sa Room 120 kaya agad kong niliko ang motor ko sa direksiyon papunta sa building kung nasaan ang Room 120. Gabi na rin,sigurado ko na sila nanay at tatay na lang ang nandoon at ako na lang ang dadalaw doon ng ganitong oras. Isang buwan na din ang nakakalipas simula nang mangyari ang hindi inaasahan ng lahat.

Nakarating na ko sa building,wala pala akong kahit na anong dala nakakahiya! Pero okay lang yun next time na lang. Pumasok na ako at dumiretso na papuntang room 120.

*tok tok*

Kumatok muna ako bago pumasok, dinatnan kong mag-isa lang si tatay malapit sa kama hawak-hawak niya ang kamay ng kanyang anak.

"Anak namimiss ka na ni tatay, kailan ka ba gigising? Gumising ka na ah marami ng naghihintay sayo dito." Narinig kong sabi ni tatay habang kinakausap niya ang anak niya.

"Tay,good evening po!" Bati ko sa kanya.

"Oh Matt nandiyan ka pala gabi na ah!? Sana bukas ka na lang pumunta, galing ka pa yata sa trabaho mo." Sabi niya sa akin habang tumatayo siya mula sa kanyang kinauupuan at agad lumapit sa akin.

"Okay lang po wala din naman po akong gagawin sa bahay. Nakakamiss lang po yung anak niyong yan kaya talagang dinalaw ko siya kahit gabi na." Sabi ko naman nang nakangiti, parehas na kaming nakaupo  sa sofa.

"Dinalaw mo nga hindi mo naman nilalapitan. Sabi nga pala ni Mr. Sanchez mas maganda daw na kinakausap niyo siya dahil naririnig niya kayo kahit wala siyang malay." Sabi naman niya sa akin nang seryoso.

"Ganun po ba?" Yun lang ang nasabi ko kasi parang ayoko pa rin siyang lapitan,naduduwag ako.

*tok tok*

May kumatok sa pinto habang nag-uusap kami ni tatay,baka si nanay na yun.

"Oh Matt nandito ka pala buti pala dumaan ako dito. May binili kasi ako diyan kaya dumiretso na ko dito. Tay,kamusta po?" Bungad na bati sa amin ni Ban,siya pala yung kumatok.

"Ok naman! Oh siya kausapin niyo na yang babaeng yan,labas muna ko para magpahangin hintayin ko na rin doon ang asawa ko." Sabi ni tatay  sa amin at dumiretso na siya sa may pinto.

"Sige po kami na bahala dito!" Sagot naman ni Ban.

"Oh Matt bakit gabi ka na pumunta dito? Gusto mo na ba siyang kausapin?" Tanong naman bigla sa akin ni Ban.

"Namiss ko lang siya kaya dumiretso ko dito." Seryosong sagot ko naman sa kanya. Naalala ko tuloy nung matagal kaming hindi nagkita.

+++++++++

xxxxxxxxxx

Gabi na pala,galing kasi ako sa isang laban ng basketball ngayon lang natapos. Busy siguro si Mini kasi hindi na siya nakakanood ng laban namin,medyo matagal na din kaming hindi nagkikita. Puntahan ko na lang siya sa kanila kahit sandali lang.

Pinaandar ko na yung motor ko papunta sa kanila,maya-maya nakarating na ko sa kanila at naabutan ko siyang nakatambay sa labas na mukhang malungkot.

"Matty!" Sigaw na bati niya sa akin,narinig niya kasi yung ingay ng motor ko kaya napalingon siya sa direksyon ko.

"Bakit mukhang malungkot ka?" Tanong ko naman sa kanya pagbaba ko ng motor.

"Wala lang! Bored lang ako wala kasi kayo buti na lang dumaan ka dito! Saan ka galing?" Nakangiti niyang tanong sakin. Hindi pala niya alam na may laban kami ngayon.

EXPECT THE UNEXPECTED (SHORT STORY, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon