CHAPTER 6 ( GREEN FIELD)

332 54 36
                                    

CHAPTER 6

*GREEN FIELD*

Ban's PoV

++++++++++++++

Malapit na ako ngayon sa bago naming tambayan dun sa lugar ng Anda ko,ang tawag namin doon ay Green Field ayaw kasi namin itong tawagin sa tunay na tawag dito ang panget eh at nakakalungkot pakinggan. Nalungkot naman ako bigla naalala ko na naman ang first love kong si Anda ilang linggo na din simula ng iwan niya kami dito.

"Ban,kamusta? Matagal-tagal ka na ding hindi nakakapunta dito simula nang nawala si Anda ah." Tanong sa akin ng isang matandang lalaki na nakatayo sa may pinto ng bahay nila kung saan papalapit ako.

"Oo nga po eh! Busy po sa trabaho at saka dumadalaw din po kasi ako minsan sa room 120." Sagot ko sa matandang lalaki na tatay ni Anda. Ayaw nga din pala naming tinatawag sa pangalan ng building ang Room 120,ang panget din kasi.

"Ay ganun ba? Hindi na nga kami masyadong nakakadalaw dun wala kasing tao dito sa bahay eh. Pupunta ka ba diyan?" Tanong niya ulit sa akin at tinuro yung malaking gate. Malapit lang kasi yung apartment na inuupahan nila dito sa may Green field,madadaanan mo muna itong bahay nila bago ka makarating sa may gate ng green field.

"Opo! Dumaan lang po ako dito para mangamusta ilang araw na po kasi akong hindi nakakapunta dito eh. Kamusta na nga po pala?" Sagot ko naman sa kanya.

"Okay lang naman kami,minsan namimiss namin si Anda pero okay lang talagang ganun kailangan eh. Minsan tuwing umaga lagi kong nililinis yung tambayan niyong yun madami na kasing mga nalalaglag na mga dahon." Balita naman niya sa akin nang nakangiti.

"Ako din po namimiss ko na yung anak niyo! Maraming salamat po sa pag-aasikaso niyo doon." Sabi ko nang may pilit na ngiti naalala ko na naman kasi si Anda eh.

"Walang anuman yun! Oh sige na anak punta ka na doon baka hinihintay ka na niya. Salamat sa pagdalaw! Nasa palengke kasi yung nanay mo kaya ako lang mag-isa dito balik ka na lang ulit minsan. Ingat ha!" Pahayag niya sa akin. Yung nanay na tinutukoy niya ay ang asawa niya na nanay ni Anda,anak na din kasi ang turing nila sa akin.

"Sige po tay una na po ako! Salamat po balik ako dito sa susunod!" Paalam ko sa kanya at saka ako naglakad papunta sa may gate ng green field.

"Manong kamusta? Tambay muna ko dito ah." Salubong na bati ko kay manong,yung guard dito sa green field. Kilala na niya kami kasi madalas kaming nandito at minsan nakikita niya kaming nakatambay sa bahay nila Anda.

"Oh sige! Nandiyan na nga pala yung ibang kaibigan niyo kanina pa." Sabi naman niya sa akin at nagpatuloy na lang ako sa paglakad para makita kung sino yung sinasabi ni manong. Hindi ko na siya tinanong kasi kumakain pa siya.

Naglakad na ko papunta sa pwesto namin,malapit lang naman ito dun sa may punong malaki. Kung titignan mo 'tong lugar na 'to isa lamang itong napakasimpleng lugar,maganda,mahangin at payapa. Nakakatakot nga lang at nakakalungkot dito.

"Ban! Nandito ka pala sino kasama mo?" Bungad na tanong sa akin ni Edmar kasama niya si Mhico.

"Ako lang,nakapunta na kasi dito si Matt nung nakaraan. Kailan nga pala kayo pupunta sa room 120? Galing kami dun kahapon ni Matt." Sabi ko naman sa kanila at umupo na ko sa damuhan sa tapat ng puting parisukat na sa gilid nito ay may dalawang liwanag na lumuluha ng mainit na likido at sa gitna nito ay ang makukulay at magagandang bulaklak na tumatakip sa puting parisukat.

"Pagkatapos namin dito didiretso na kami doon. Sama ka?" Tanong sa akin ni Mhico.

"Hindi na muna, dito na lang muna ako. Kanina pa ba kayo?" Balik na tanong ko naman sa kanila.

EXPECT THE UNEXPECTED (SHORT STORY, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon