CHAPTER 4 ( ROOM 120)

398 67 65
                                    

CHAPTER 4

*ROOM  120*

Matt's PoV

+++++++++++++

Nakarating na ko sa building kung saan nasa loob ang Room 120, excited na ko sana makita kong okay na siya may dala akong konting pasalubong para sa kanya. Naglalakad na ako papuntang elevator nasa 2nd floor kasi yung Room 120 may nakasabay pa akong matanda na may kasamang babae at inaalalayan siya. Medyo sanay na kami sa ganito normal na kasi sa amin ang pagpunta dito pero sana nga dumating na yung araw na hindi na kami pupunta dito para puntahan ang...

*TING*  (nagbukas na yung elevator)

"Ayy sorry po Tay!" Paglabas ko ng elevator nabangga ko ang isang lalaki nasa 50 na siguro siya.

"Okay lang! Ikaw pala yan sige na diretso ka na dun." Sabi naman sa akin ni tatay at pumasok na sa elevator.

"Sige po! Salamat!" Sagot ko naman at dumiretso na ko sa paglalakad. Huminto na ako sa isang puting pintuan kung saan nakadikit ang mga numerong 1-2-0, kumatok na ako at dahan-dahang binuksan ang pinto.

"Good afternoon po nay! Kamusta po?" Bati ko sa isang babaeng nakahiga nasa 45 na din,payat at halata sa kanyang mga mata ang kalungkutan at pagod kapareha ng lalaking nabangga ko kanina.

"Oh ikaw pala,dito ka na umupo. Eto kami ganun pa rin walang pinagbabago buti na lang at hindi kami pinapabayaan ni Mr.Sanchez." Malungkot na kwento niya sa akin habang umaayos ng upo mula sa pagkakahiga niya kanina.

"Sige po nay higa na lang kayo diyan dun na lang ako sa isang upuan. Magpahinga po muna kayo alam ko namang pagod na kayo. Saan nga po pala pupunta si tatay?" Tanong ko naman habang nilalapag ang dala ko. Asawa niya kasi si tatay na nabangga ko kanina.

"Ah nakita mo ba? Magpapahangin lang yun sa tabi-tabi baka naboring na dito sa kwarto." Sagot naman niya at humiga na ulit.

"Ah ganun po ba? Kayo po okay lang kayo baka po nagugutom kayo kumain po muna kayo may dala akong pagkain diyan." Sabi ko naman sa kanya.

"Ah hindi na iho okay lang ako." Malungkot na sabi niya sa akin.

"Sige nay gusto niyo po matulog muna kayo habang nandito pa ko. Magpahinga muna po kayo." Suhestiyon ko naman sa kanya.

"Sige Matt ikaw muna bahala ah,wala pa din kasi akong tulog eh. Salamat!" Sabi niya ng may pilit na ngiti sa mga labi.

Ang tahimik na, ako na lang mag-isa ang gising dahil tulog din naman yung dinadalaw ko dito, medyo malaki ang kwartong 'to si Mr. Sanchez naman kasi ang nagbabayad nito buti na lang at mabait siya hindi katulad ng iba. Para nga 'tong isang Mini condo palibhasa si Mr.Sanchez ay anak ng may-ari nitong building kaya dito sila pinapwesto na dapat lang dahil sa nangyari.

Parang pabaliktad na L ( _l ganyan) yung kwartong 'to. Pagpasok mo makikita mo agad yung pinto ng CR na nasa right side at yung ref at maliit na lamesa nasa tapat nun na left side naman, sa kahabaan ng left side hanggang sa may kanto ng kwarto makikita mo yung sofa na hinihigaan ni nanay ngayon at katapat na nun ay ang kama na may isang taong mahimbing na natutulog. Lalapitan ko na sana ang taong sinadya ko dito ngayon lang ako maglalakas loob na lapitan siya, kaya lang biglang may kumatok umatras naman ako kaagad at bubuksan sana ang pinto kaya lang nabuksan na ito agad nung taong kumakatok at agad namang pumasok.

"Oh Matt nandito ka pala hindi mo man lang ako tinext." Bungad na pagbati sa akin ni Ban.

"Dude wag kang maingay natutulog si Nanay." Pagwarning ko naman sa kanya.

"Ay sorry hindi ko napansin! Ilang araw ka ding hindi nakapunta dito ah busy ba?" Tanong naman sa akin ni Ban.

"Oo natanggap na nga kasi ako dun sa pinagapplyan ko di ba. Wala lang akong pasok pag sabado at linggo,kahapon nandun ako sa kabila inabot pa nga ako ng alas -sais eh. Natakot nga ako eh!" Nakangiti kong balita sa kanya.

EXPECT THE UNEXPECTED (SHORT STORY, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon