CHAPTER 2 ( STAGE BEST FRIEND)

549 70 70
                                    

CHAPTER 2

*STAGE BEST FRIEND*

Matt's PoV

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"Matty baliw ka talaga! Ngayon ka pa lumipat kung kailan malapit na kong grumaduate. Sayang lang yung pinangtuition sayo ng nanay mo!" Sabi ni Mini sakin. Mini as in maliit at Matty nga pala ang tawagan namin ni Mina. Pinili ko kasing lumipat ng school from private to their public school. Hindi rin naman ako pumapasok dun kaya lumipat ako kasi nandito si Mini, best friend ko siya kaya lang 2nd best friend niya lang ako pero atleast best friend niya pa rin ako. Okay na ko don.

"Eh wala na rin naman akong pag-asa dun kaya lumipat na lang ako. Tapos nandito ka pa kaya okay lang yun." Sagot ko sa kanya.

"Haha! Pag-alis ni Kevin dito ikaw naman pumalit okay nga! Basta magtino ka dito ah? Kutos ka sakin pag nagloko ka pa dito!" Maangas na sabi sa akin ni Mina. Takot talaga ko dito kapag sinesermonan ako ayokong magalit siya sa akin eh kaya sinusunod ko siya lagi.

"Oo naman basta tutulungan mo ko! Oo nga pala meron pala ditong event katulad ng Mr.Popularity,may lumapit sa akin kanina inaalok akong sumali sa mga freshmen lang daw kasi kinukuha yun. Sasali ba ko?" Tanong ko sa kanya. Sa kanya din ako nagpapaalam kung sasali ba ko sa isang contest o tatanggapin ko ba yung offer sa akin. Best friend ko kasi siya.

"Inalok ka? Talaga? Sali ka dun susuportahan kita,iba talaga ang alindog mo ikaw agad napili nilang sumali!" Tuwang tuwa na pagsang-ayon niya sa akin.

"Eh ano namang gagawin kong talent dun kapag sumali ako?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Ako bahala magpapatulong tayo sa Dudz!"masayang sagot niya. Ang tibay talaga ng samahan namin hanggang ngayon buo pa rin ang barkada. Kahit nagkaiba-iba na kami ng school dahil sa iba-ibang course na kinuha namin, wala pa ring umaalis sa Dudz Family!

When the days passed by, lagi kaming magkasama ni Mina iniiwan nga niya yung mga friends niya na sina Jelyn,Jules,Rea,Rich at Jem para lang samahan ako at turuan ako sa mga assignments ko. Mga kalog din yang friends niya,nakakatuwa kasi ngayon lang siya nagkaroon ng puro girls na kaibigan dati kasi puro lalaki kasama niyan kaya napagkakamalang tomboy.

"Matty eto na yung napagbentahan ko ng ticket,10 na banig lang nakuha ko ngayon sa mga classmates ko tapos yung sa Dudz wala pa baka sa 2nd canvassing na nila mabigay. Meron pa pala mamayang ibibigay sayo si bhest may 2 banig sa kanya tapos sabay practice na daw kasama si Ban sila magiging back up dancer mo." Balita sa akin ni Mina nasa may bench kami ngayon. Sa pageant kasi na sinalihan ko merong ticket na binebenta 30% yun sa criteria of judging kaya paramihan talaga ng mabebentang ticket para mas may chance manalo. Siyempre todo suporta sakin si Mini, stage best friend nga daw siya kung tawagin ng mga classmates niya kasi talagang siya yung gumagawa ng paraan para marami akong mabentang ticket. Kaya lang pati ako binebenta para lang bumili ng ticket yung mga bakla niyang classmates pati yung mga babaeng may gusto sakin, minsan kiss sa cheeks at papicture kasama ako ang mga sinasabi niya para lang sa ticket. Pumapayag na lang ako para sa 1 banig na ticket.

"Thank you Mini! The best ka talagang best friend, stage best friend ka nga talaga!" Nakangiti kong sabi sa kanya at ginulo ko pa ang buhok niya.

"Ayy! Ano ba yan?! Yung buhok ko naman!" Reklamo niya sa ginawa ko.

"Haha! Nguso mo ang haba! Best friend talaga kita!" Natatawang sabi ko sa kanya at lalo ko pang ginulo ang buhok niya.

"Anong best friend? Ako lang best friend niyan pangalawa ka lang!" Biglang singit ni Kevin na kakarating lang.

"Oh bhest ang aga mo ah sabi mo mamaya ka pa?!" Gulat na tanong ni Mina kay Kevin. Ang kulit din talaga nito gusto niya siya lang eh best friend din naman ako ni Mina.

EXPECT THE UNEXPECTED (SHORT STORY, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon