4

4.4K 93 4
                                    

*cooking skills*

Gabbie pov

TINGIN SA KALIWA

TINGIN SA KANAN.

Shitay naman dapat pala sinabi ko nalang na di ako marunong magluto. Sana wala akong pinoproblema ngayon. Bahala na kung ano ang kaklabasan ng lulutuin ko.

Naglagay ako ng kawali sa stove at saka nilagyan ng langis. Naalala ko dati nagluto ang lola ng sinangag. Ganito ginawa nya.

Pero ano nga bang ilalagay. Luto na ba dapat ang ilalagay na bigas o hindi pa. Siguro hindi pa kasi saka palang yun maluluto pag nasa langis na.

So nilagyan ko ng dalawang gatang nabigas. Saka ko nilagyan ng suka para maasim asim. Uhmm. Ano pa ba. Nilagyan ko sya ng mga ilang basong tubig. Then paminta at asin tas kaunting asukal.

Huh? Bakit ganito? di naman ganito ang hitsura ng niluto samin ni lola. Aishh!! hayae na baka masarap lang talaga magluto si lola. Syempre baguhan palang ako. Ano nang kasunod.

Binuksan ko ang maliit kung ref. Ayun may dalawang pang tilapia. Ano naman pwedeng luto nito. Prito? Ayoko baka sabihin yun lang ang kaya kung lutuin.

Uhmmm. Tama. Ilalaga ko nalang itong tilapia. Nilagay ko na ang kaldero sa stove sa nilagyan ng isang basong tubig. Inintay ko munang kumulo saka ko nilagay ang tilapia. Inintay ko ulit ng mga ilang minto. Ito na ba yun. Bakit ang simple naman para.

Tingin ulit sa ref! Nakakita ako ng ketchup! Ayun nilagay ko para naman dumami dami ang sabay. Nilagyan ko na rin ng toyo para maalat alat. Nakakita rin ako ng hotdog na jumbo.
Jumbo!!
aisst! May naaalala ako sa hotdog na jumbo. Di na ako nagtataka kung bakit ang sakit ng pagkababae ko.

Ayun nilagay ko na din ,di na ako nag abalang gayatin. Ganun din naman ang lasa. Ok na siguro to.
At nang tignan ko ang
.
.
.

kinalabasan.
Nakakain kaya to? Siguro naman. Pagkain naman ang nilagay ko eh kaya nakakain to. Nilagay ko narin ito sa bowl.

Teka parang may kulang. Tama. Kape. Total umaga naman kailangan nya ng kape. Pero pano na ba magtimpla ng kape?

Aisst1! Problema pag may tagaluto sa bahay.kahit pagtitimpla ng kape di alam.

Siguro inahalo lang yun sa tubig. Pero pag sa commercial nausok sok ung kape. Siguro kailangan ko ng
.
.
.
malamig na malamig na tubig, yung nausok usok. Tama. Kumuha na ako sa ref at saka nilagay sa tasa. Sabi nila masarap daw na kape ay malapot.

Uhmmm.. nilagyan ko ng isang kutsarang kape at creamer. Pero bakit di malapot. Dagdagan ko mkaya ng asukal? Tama. Asukal.
Dagdag…..

hindi pa din

dagdag…..

hindi pa

dagdag….;

di parin

dagdag

di pa rin talaga

dagdag…

ok na siguro to. Malapot na sya.
Tatawagin ko na sana sya ng may naalala ako. Pag kakain kami ng umaga laging may prito.

Nilagay ko ulit ang kawali sa stove. Iniintay ko munang uminit ang kawali. Pero ano nga ba ang nauuna ung langis ung ipiprito. Uhmmmmm..

baka ung ipiprito muna para maluto rin ung ibabaw. Tama.

Nilagay ko ung 3 na sobrang hotdog kanina na sumubra dunsa pagluluto ko ng nilagang tilapia.

Bakit ganun, nag bilis umitim. Hala nasunog na. Nilagay ko na rin ang langis kaso naparami sakto namang napalaki ang apoy ng stove kaya bigla nalang umakyat yung apoy sa kawali.
Wahhhh!!!! ano na gagawin ko. What to do.

Tubig!! tubig!!

kailangan ko ng tubig!!! may nakita akong bottled water malapit sa stove kaya mabili ko itong bibuksan at saka ibinuhos sa kawali. Pero bakit parang amoy gas. At bago pa mag sink in sakin ang nailagay ko.
Mabilis na akong lumayo sa stove at di pa ako masyadong nakakalayo ay.

BOOM

“GABBIE!! gabbie anong nangyari.” bago ko pa man masagot ay nakita na nya ang nasusunog na stove. Mabilis syang kumuha ng fire extinguisher at saka pinatay ang sunog.

“gabbie ok ka lang? May masakit ba sayo? Gusto mo pumunta tayong clinic?” bakas sa boses nya ang pag aalala. Dahan dahan nalang akong tumango sa pagkakaupo ko. Nasa state of shock parin ako.

Inalalayan nya akong umupo sa upuan. Katapat ng mga niluto ko.

“sigurado kang ok ka lang. Walang masakit sayo. Patingin nga ako ng tuhod mo” di pa man ako nakakasagot ay hinila na nya pataas ang laylayan ng short ko na nabutas dahil sa pagkakasubsob ko kanina sa pagsabog.

“tsk! Bakit ba kasi di nag iingat. Tingnan mo nagkagasgas pa ang tuhod mo nadugo, di hindi na ako maka score mamayang ga---”agad ko naman syang binatukan. Tong damuhong na to. Kala ko nag aalala. As if naman pati papayag ako. One is enough. 

Patuloy parin sa pagdugo ang sugat ko at saka ko lang din naramdaman ang sakit.

“tara pupunta taong clinic para magamot kaagad yan” bubuhatin na nya sana ako pero pinigilan ko sya.

“pano naman yung niluto ko, sayang naman!” malungkot kung sabi sa kanya. Bahagya naman nyang tiningnan ang niluto ko at.

“pfftt!!! hahahahahahhahahahahahhaha! Teka..hahahaha..” sinamaan ko sya ng tingin. Anong nakakatawa sa niluto ko. Bahagya syang tumigil sa pagtawa pero maya maya.

“hahahahahahhaha.. sorry hahahahghaaa. Wait lang ha. Di ko mapigilan eh. Hahahahahahah” mga ilang minuto pa sya bago naka get over sa pagtawa

“tapos ka na sa pagtawa?” seryusong tanong ko sa kanya.

“oo ok na. Haha, pero seryuso anong klaseng luto yan?” prinsipe nga naman. Para simpleng sinangag at nilagang tilapia lang di pa alam

“di ba obvious? Sinangag at nilaga lang di mo pa alam?” ito nanaman po sya nagpipigil ng tawa.

“sinangag? Saang parte. Saan ka nakakitang sinangag na bigas ang ginamit. Tsaka parang maasim? amoy suka. Hahahah. Ngayon ko lang nalaman na pwede palang lagyang ng suka ang siningag at nilagang tilapia. Kailan pa pwedeng ilaga ang tilapia. At effort ka pa sa paglalagay ng ketchup at saka yung hotdog may plastic pa hahaha” lumapit naman sya sa kape at saka idinawdaw ang isa nyang daliri”malamig na kape sa umaga wow! Saka ang lapot. Puro asukal hahahah.. nice one baby girl di naman halata na gusto mo na akon patayin.” napasimangot nalang ako sa pinagsasabi nya. Oo na.

“alam mo kain nalang rayo sa labas , haha ayokong pang mamatay mamahalin pa kita pero bago yun pa clinic muna tayo.” laking gulat nya ng buhatin nya ako. Bridal style ang putik. Akmang lalabas na sya ng pinto ng pigilan ko sya.

“pwede ba ibaba mo ako, nakakahiya sa makakakita na karga karga mo ako sa ganitong posisyon at ang masama pa na girl dormitory ka!” bahagya naman syang napatigil, akala ko ibaba nya na ako pero binuksan nya lang pala ang pinto saka tumingin sakin.

“ok lang yun, para malaman nila na akin ka lang at iyong iyo na ako.!!” napatigil naman ako sa sinabi nya. Kung di lang sya kilala bilang playboy malamang nainlove na ako sa kanya pero hindi baka kung ilan na kaming nasabihan nya ng ganyan….…

Deal With Mr. ManyakisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon