8

3.7K 75 2
                                    

*Bring her to Hell*

Gabbie Pov

Pagkaupo ng pagkaupo palang ni Joshua ay agad ng magsimula ng klase si maam. Aisstt! nawalan na ako ng time na kausapin at makipag kaibigan sa kanya. At nawala pa yung oppurtunity ko na hawakan ang kamay nya.

Kasalanan ko nang manyak na katabi ko kanina eh.

Hindi ko rin sya nakausap kaninang recess dahil may aasikasuhin pa daw sya.

Tatapusin nya pa daw ung ibang requirements. Kaya wala akong choice na sumama kay Zen. At alam nyo ba kung anong nangyari. Di ko sasabihin. At kung pipilitin nyo naman ako.
Di pa rin. Ayoko ko ng ikwento ang kahihiyang dinanas ko kanina.

Habang nasa canteen kami kanina ai di ko maiwsang makarinig ng mga masasamang bagay tungkol sakin galing sa iba pang estudyanteng babae.

Nararamdam ko nalang ang paghigpit kg hawak sa kamay ko ni Zen at saka tinitingnan ako na para bang sinasabi na. “don't mind them”. Kaya di ko nalang sya pinansin.

Pero may time rin na naiisip ko na, ano ba talagang balak sakin ni Zen. Di ako ganun katanga para di mahalata na meron syang kailangan saakin. Pero hinayaan ko nalang. Di naman siguro sya gagawa ng bagay na ikakamamatay ko. Impoible kasi sa isang katulad nya na magseryuso.

At ngayon.  Heto ako naglalakad mag isa papunta sa classroom. Nakatungo lang ako para mawasan ang mga masasmang titig sakin g mga kapwa ko estudyante. Kung kailan ko naman sya kailangang kailangan saka naman sya nawala. At dahil nga sa nakatungo ako. Di ko napansin na may kasalubong pala ako. Kaya nabangga ko sya na ikinatumba ko naman. Di ko alam pero pakiramdam ko sinadya nya akong banggain dahil di man lang sya natumba. O manlang sya napa atras.

Bahagya naman syang umupo, buong akala ko tutlungan nya pero

-pak-

feeling ko bumakat ang kamay nya sa pisngi ko sa lahat ng pagkaksampal nya sakin.

Naramdaman ko nalang ang isang mainit na likido na tumulo mula sa mata ko. At saka ko lang napagmasdan ng mukha ng babae. Zen’s 3rd girlfriend.

Napasigaw ako ng bahagya nyang higitin ang buhok ko pataas. Sa tingin ko matatanggal na ang buhok ko sa pagkakakapit sa anit nito. Matapos nyang hilahin ulit ang buhok ko ay isang sampal nanaman ang naramdaman ko.

Nanghihina na ako sa lagay na to kaya di ko na kayang lumaban. Pero abangan lang nitong babae ang pagbawi ko. Napansin ko na nagsisimula ng magsilapitan ang ibang mga estudyante. Nakita ko sa mukha nila ang pagkatuwa.

Malamang natutuwa sila dahil nakikitang nilang nahihirapan ang girlfriend kono ng mahal na prinsipe nila.

“ng dahil sa kalandian mo, hiniwalayan ako ni Zen” puno ng galit na sabi nya sakin. “ng dahill sa kadamutan mo, nawala ang taong mahal na mahal ko, nawala ang taong pinag alayan ko ng sarili ko” puno ng hinanakit, galit at lungkot ang nakikita ko sa mukha nya. Nakita ko rin ang sunod sunod na pagtulo ng luha nya.  Pero maya maya ay nag iba ang ekspresyon ng mukha nya. Nawala ang lungkot at napalitan ng poot at galit.

Sapilitan nya akong tinayo sa pamamagitan ng paghila ng buhok ko. Shit! Nakaka puta ang sakit. Pagkatayo na pagkatayo nya sakin ay bigla nya sinipa ang tiyan ko gamit ang tilos na tilos nyang sapatos. Napahiyaw naman ako sa sakit. Nanghihina na ako at alam ko na ano man sa oras na ito mawawalan na ako ng malay.

Sinipa nya ulit ako na naging dahilan ng pagka lugmok ko sa sahig.

“tang ina mong babae ka. Papatayin kita. Ng dahil sayo itinakwil ako ng ama ko dahil di na ako pwedeng maging asawa ni Zen kasi nga kasi nga.. hiniwalayan nyo ako.  Papatayin kita” pagkasabi nya yun ai itinihaya nya ako mula sa pagkakalugmok saka pumatong sakin at saka ako pinagsasampal.

Nalasahan ko rin ang dugo na tumulo galing sa pumutok kong labi. Sampal at sabunot. Yan ang paulit ulit na ginawa nya sakin.

Para ng naging manhid ang mukha ko dahil sa dami ng natanggap ko mula sa kanya.
Mula sa pagkakahiga ko ai nakita ko ang isang kamay na humawak sa balikat nya. Kahit na malabo na ang paningin ko ay alam kong sya iyon. Alam kong sya ang taong yun.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ang 2nd girlfriend ni Zen.

“that’s enough!” nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa narinig ko. Dahil kong magpapatuloy pa ang nangyayari ay di ko na alam kung kakayanin pa ng kawtawan ko ang sakit na natatanggap ko.”it’s my turn!” nanlata naman ako sa kasunod nyang sinabi.

Mula likuran nya ay nakita ko ang isang itlog. At sa isang kislap ng mata ay lumanding ito sa mukha ko.

“go girls, lets make this girl a mess! Bring her to hell!”
sunod sunod nilang tinapon sakin ang mga dala dala nilang itlog. Dumigkit sakin ang malagkit at malansang laman ng itlog. At di pa sila nakuntento at nilabas nila ang mga basurang inipon nila. Wow! Napangti nalang ako ng mapait.
Effort pa talaga sila sa pag iipon noon ha. Pwede naman silang kumuha nalang sa basurahan.

Tss.

Dumigkit sakin ang halo halong papel, plastic at gamit na tissue. At sigurado ako na mas malala pa ako sa basurahan. Di ko rin naman magawang sisihin ang mga guard at faculties sa nangyayari sakin. Sigurado akong nagawa na nila ito ng paraan kaya siguro kailangan ko nalang tanggapin ang nangyayari.

“ahhhhhhh!!!” napahiyaw ulit ako ng hilahin ng 2nd girlfriend ni Zen. Tss! Nakakalimutan ko natuloy ang pangalan ng hinayupak na babaeng to. Di na naman katanda tanda. 

“siguro naman na narealize mo na isa ka lang basura kong ikukumpara kay prince. Kaya di ka nababagay sa kanya. Tingnan mo nga ang sarili mo! Mas malala ka pa sa basurahan. Di ko nga alam kung anong klaseng gayuma ang pinainom mo sa kanya kaya pinatulan ka nya. Samin lang sya nababagay at di sa katulad mo” isang ngisi naman ang sumilay sa labi ko.

Kung di ko sila malalabanan sa pisikal. Pwes makakapagsalita pa naman ako kahit papaano.
Mabubugbog di naman ako pwes!

“talaga?” tanong ko sa kanila bago ngapakawala ng isang nakakalokong ngiti. “bakit sila nakipaghiwalay sa inyo.” -cough- nahihirapan na akong magsalita kaya naman may pagkakataong napapaubo na ako ng may dugo na nalabas sa bibig ko. “bakit nya kayo pinagpalit sa -cough- sa basurang katulad ko? Siguro -cough- siguro kasi nga kapalit palit kayo. Kasi ng mga-cough- mga demonyo kayong mga hayop kayo. Kasi nga mga walang -mga walang kwenta kayo”

-pak-

muli akong napalugmok sa sahig noong muli nila akong sampalin. Inilahad nya ang palad nya.

Nakita ko naman na may nilabas mula sa likuran nya ang isang babae. Ang isang bagay na alam ko madadala ako sa kadiliman.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
a baseball bat.

“sorry girl pero kailangan mo ng matulog. Masyado nang madaldal ang bunganga mo.”
ipinikit ko nalang ang mata ko noong nakita kong itinaas nya na yung baseball bat. Iniintay ko nalang na tumama sa ulo ko ang bagay na yun.

-bogsh-

kahit na hirap na hirap na ako ay naramdaman ko parin ang pagtulo ng dugo sa mukha ko. At nasisigurado ko na hindi galing sakin yun.

“ sorry! Sorry kung nagyon lang ako. Tumulog ka na, magpahinga ka na. Alam kung napapagod ka na. Sorry. Sorry, sorry baby girl!” iyan ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.

Zen.

Deal With Mr. ManyakisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon