11

3.7K 65 0
                                    

Flashback 1

(Jumbo Hotdog)


Makalipas ang ilang linggo at tuluyan ng nakarecover ang katawan ko sa pagkakabugbog. Di to alam ng magulang ko, actually di ko nalang ipinaalam ang nangyari kasi siguradong susugod si mommy sa school pag nagkataon. Yoon pa, ayaw na ayaw nyang nasasaktan ako. Kaya naman mahal na mahal ko sya.

Di ko alam kung papaano nangyari pero di manlang nabanggit ng strikto naming principal ang tungkol sa nangyari kahit na alam naman nya talaga. Yoon pang matandang yun ,ang dami nyang mata at tenga sa school na to. Well di ko nalang poproblemahin yun.

At ng dahil nga di alam ng magulang ko ang nangyari. Si Zen ang nag alaga sakin. Kung tatlong linggo akong d napasok. So tatlong linggo din syang di napasok. Para na nga syang tuko at di ako hinihiwalayan. Well di naman ako nagagalit o nasusura sa kanya. Sa katunayan nga, na swesweetan nga ako sa kanya.

Kung pagsilbihan nya kasi parang asawa ko na talaga sya. Minsan nga nakakalimutan ko na "deal" lang lahat ng ito. At minsan umaalis na sa isip ko ang hinalang "may hidden agenda" ang lalaking to. Ibang iba kasi ang pinapakita nya sa iniisip ko.

Masyado syang maalaga. At kahit anong pilit at tanggi ko. Nararamdaman ng puso ko na mahal na mahal nya ako. Pero hindi pwede. Kasi baka sa huli, iiyak at masasaktan rin ako. At ayokong mangyari ang bagay na yun.

Sa dalawang linggo na pag aalaga nya sakin. Parang naging patabaeng baboy nga ako. Kain, tulog, at sigaw lang ang ginagawa ko maghapon.

Sigaw?

Alam nyo kung bakit?

Pano ba naman sa dalawang linggo ng pag aalaga nya sakin. Di nawala ang kamanyakan nya sa lahat ng ginagawa nya.

Ok flashback tayo.

..

Flashback

Nasa room na kami. Dito ko na piniling dumiretso. Ayoko na sa clinic. Mawiwirduhan na kasi ako sa kinikilos ng nurse na yun. Awan ko pero natatakot ako sa kanya.

Nakaupo lang ako sa wheelchair kasi lalong sumakit ang paa ko dahil sa pagpilit kong makatayo kanina.

Narinig ko ang paglock ng pinto ,kasunod ng pagtulak ng sa wheelchair ko ng isang manyakis. Yes! Tama kayo. Ang dakilang manyakis po ang kasama ko.

Di ko nga alam kung bakit pinayagan sya ng House Head na makapasok samantalang mahigpit na pinagbabawal ang lalaki dito. Di ko tuloy maiwasang di maisip na baka pati ang matandang yun, pinatulan ng lalaking to kaya malaya syang nakakapasok dito.

Deal With Mr. ManyakisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon