Boyfriend Vs. Suitor
Gabbie Pov
"WHO GAVE YOU THE FUCKING PERMISSION TO KISS THE PRINCE PROPERTY" dumagundong ang boses nya sa loob ng classroom.
Napaubo naman si Joshua dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Zen sa kanya. May lumabas din na dugo sa labi nya.
"God! Zen look on what you've done." Galit na sigaw ko sa kanya. Bakit ba bigla bigla na lang syang nanununtok. Porke prince sya may karapatan na syang manakit. Agad naman akong lumapit kay Joshua para alalayan syang tumayo.
"Joshua, ok ka lang ba? Ano may masa--"
"Shhh! Ano ka ba Gab, suntok lang yun. Di ko pa yun ikakamatay" sabi nya habang tumatayo. Ng tuluyan na syang makatayo ay agad nyang hinarap si Zen.
Di ko mabasa ang iniisip ng lalaking nasa harapan ko. Hindi! Hindi sya ang Zen na kilala ko. Wala man lang akong nakikitang kahit anong expression sa mukha nya. Malayong malayo ito sa manyakis at nakakabwesit na Zen na kakilala ko.
At isa lang ang masasabi ko. "Nakakatakot!" Pero siguro ito na ung prefect timing na galitin sya para mabawi na rin ang deal at mawalan na ako ng koneksyon sa kanya. Oo kasama ang panliligaw sakin ni Joshua sa dahilan, pero mas gusto kong bumalik sa dati kung buhay. Yung walang haters, at walang Zen na nasa paligid ko.
*Bogsh*
Napahiyaw ako ng bigla sinuntok ni Joshua si Zen. Pero di man lang gumalaw sa pagkakatayo si Zen. Ni hindi manlang nagbago ang expressions ng mukha nya.
"Eh ano naman kung ikaw ang Prince ng academy na to. Hindi porke' t ikaw ang prince pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo. Lalong lalo na ang manggipit ng isang babae sa isang sitwasyon na di nya ginusto" galit na sigaw ni Joshua kay Zen. Di ko alam pero di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gusto kong matuwa dahil sa sinabi ni Joshua pero hindi ito ang tamang oras para dun.
Hindi pinapansin ni Zen ang mga sinasabi sa kanya ni Joshua. Basta nakatitig lang sya sakin. Isang malamig na titig na hindi ko kayang labanan. Agad akong nag iwas ng tingin dahil di ko na kinaya pang salubungin ang titig nya.
Sa muling pagsuntok sa kanya ni Joshua, napaatras na sya. Inalis nya ang pagkakatitig nya sakin saka tiningnan ng seryuso si Joshua.
Pinahid nya ang dugo na tumulo sa labi nya. Sa tingin ko hindi maganda ang kahahantungan nito.
Bago pa man tuluyang makalapit si Zen kay Joshua ay agad na akong humarang sa daraanan nya.
No! Hindi ko hahayaang mas magkasakitan pa sila ng dahil sakin. Kaya hanggat maagap pa lang pipigilan ko na.
Nakapalibot lang samin ang lahat ng kaklase ko. Naiintindihan ko naman kung bakit wala sa kanila ang nagtangkang awatin si Zen. Bukod kasi kay Joshua alam nila lahat kung paano magalit si Zen.
"Step aside" kahit ang boses nito. Biglang lumamig. Ung tipong pagkarinig na pagkarinig mo paaang babalutin ka na ng takot. Pero di ako nagpadala sa takot ko.
"No! I wont! Di ko hahayaang magkasakitan kayo ng da---"
"I SAID STEP ASIDE!!" para akong naistatwa sa pagsigaw nya. No! Hindi sya si Zen. Nakakatakot sya.
Parang may sariling buhay ang paa ko at wala sa loob kong tumabi. Nagpatuloy na sya sa paglalakad palapit kay Joshua. Pero kahit si Joshua. Wala akong nakikitang kahit kaunting takot sa mukha nya.
"Prince? Yeah im the Prince. I can do whatever i want. I can Gabbie's husband if i want. And also I can kill you without any hesitation." I heard my classmate gasp.
BINABASA MO ANG
Deal With Mr. Manyakis
RomanceGabbie is a typical nerd but bitch girl. Adik sya sa libro pero aayaw sya ng naapi sya. Pero mawiwindang sya dahil sa isang pangyayari ng kahit kailanman ay hindi nya pinangarap.. Ang Marape ng Campus Prince Zen Cortez, the campus prince/ the Perve...