Chapter 1: Brienne Oath Mejia

178 5 0
                                    

[Third Person]

Naglakad si Brienne papuntang kusina kung san nagluluto ang kanyang ina.

“Ma, alis na po ako.”

“Sige, ito baon mo oh. Magiingat ka ah.” Inabot ng matanda ang supot na may baonan.

“Ma, sabi ko naman pos a inyo college na po ako hindi na po kailangan magbaon ng kanin.”

“Nako anak, okay lang yan wala kasi akong maibibigay na pera sa iyo. Pagtiisan mo na lang muna yan.”

“Sige po alis na po ako.” Humalik siya sa kanyang ina at tuluyang umalis na ng bahay.

Nang makarating siya sa University, hindi maiwasan ng mga estudyante na mapatingin sa kanya.

Kahit luma na ang mga gamit at uniform nito nagingibabaw parin sa kanya ang kanyang kagandahan at magandang katawan.

“Hi Miss”

Sabi ng binata nang mapadaan ito sa harap niya, ngunit hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

“Ang ganda talaga ni ate Brienne noh?”

“Oo ang kinis ng balat niya at ang ganda pa ng katawan”

Ilan lamang sa mga narinig niya nang mapadaan siya sa mga babaeng estudyante.

“Shit pare! Balang araw mapapasakin din yang si Brienne”

Sabing lalaking nakatambay sa corridor kasama ang isa pang lalaki.

Ngunit parang wala lang sa kanya ang mga naririnig niyang compliments mula sa iba. Hindi niya lang ito pinapansin at tuloy-tuloy sa paglalakad.

Pagbukas niya ng locker nya tumambad agad sa kanya ang 6 na love letters.

Ni isa ay wala siyang ginalaw sa mga ito.

Kinuha na niya ang mga gamit niya at umalis.

Pagdating niya sa classroom pumunta agad siya sa upuan niya. Katabi ito ng bintana at pangalawa sa huli.

May nakita siyang rose sa ibabaw ng desk at may note pang nakalagay.

Binasa niya ito ng tahimik at wala man lang reaksyon sa kanyang mukha.

---------------------------

Good morning gorgeous.

Don’t forget to smile J

                        -TOP

---------------------------

“Wow! May rose ka nanaman? Bilib talaga ako sa ganda mo!” Sabi ng katabi nito. “Nakakaingit ka talaga.”

“Sayo na lang.” Binigay niya ito sa katabi niya.

“Awww” Sabi ng mga lalaki sa kabilang grupo. Napatingin lang siya sa mga ito at agad naman binawi ang mga tingin niya.

Siya si Brienne Oath Mejia.

Isang magandang dalaga. Siya ang muse sa klase at nanalo bilang ‘Most Beautiful in University’

Kahit siya ang nakakuha ng titolong iyon isa lamang siyang mahirap. Madalas nga ay wala siyang makain sa school tuwing breaks kung hindi siya binibigyan ng magulang niya ng baon na pagkain at pera.

Kahit isa ay walang nakakapansin na mahirap lang siya dahil mukaha agad ang nakikita ng mga tao sa kapwa nila.

Naging sikat siya sa kanilang paaralan. Dumami ang mga humahanga sa kanya at mga nangliligaw. Ngunit ni isa ay wala siya ini’entertain sa mga ito. Kahit sikat si Brienne ni isa ay wala siyang naging kaibigan.

Patay na bata nga ang tawag sakanya ng mga professors niya. Pero ayon sa mga nagging kaklase nito dati hindi naman daw siya dating ganon.

Kaya’t walang nakakaalam kung ano ang kanyang dahilan. 

I Loved You at Your DarkestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon