Sorry pala ngayon lang nakapgupdate. Enjoy reading :))
[Brienne]
" neo gwiyeopda"
sabi niya habang naglalakad kami, natawa na lang ako mali kasi yung sinabi niya.
"why are you laughing?"
"mali kasi dapat nun neomoo gweeyeo whoa "
[a/n: feelingera lang ako, gumagamit lang ako ng translator xD]
"oh, I--I know it already but thanks" sabi niya ngumiti ng napakalawak.
Natawa ako sa kanya, mukha siyang baliw.
Kakatapos lang ng klase namin, nagyaya siyang umuwi agad. Nakakapanibago nga eh kasi madalas mas gusto niyang tatambay sa school o kaya pupunta sa mall. Gusto niya daw sa bahay na lang tumambay kaya umuwi kami agad.
Malapit na kami sa bahay nang may makita kamingnagkakagulo. Hindi narin ako naninibago dahil madalas naman ang gantong kaguluhan sa lugar namin. Nasanay na ata ako.
Pero mukhang si Terrence nagulat pa sa mga nakikita niya.
"Teka lang. Anong nangyayari don?" Tanong niya at pinigilan ako sa paglalakad.
"Wala lang yan." Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Sanay nako sa lugar na to kaya wala na skin yung mga ganyang kaguluhan. Pwera na lang siguro kung may nagsasaksakan o nagaaway. Natatakot din naman ako, kapag ganon nasa bahay lang kami.
Mukha naman walang away na nagkakagulo, nakakalat lang kasi yung mga kapit bahay namin sa labas at may pinagtsitsismisan.
"Excuse" sabi ko sa mga nakaharang sa dadaanan namin.
Ang sikip na nga ng daanan hinaharangan pa! Mga tao talaga dito. "Excuse me!" Mas nilakasan ko pa. Tss.
Tumabi naman sila nung mas nilakasan ko.
Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko...
"Ma!"
----
"Brienne anong nangyari?"
Napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko. Ayoko ko sanang sumagot peto nang makita ko na si Terrence ang nagtanong sakin, pinilit ko ang sarili ko.
"hindi ko alam"
"Are you ok"
"Ewan" maikli kong sagot.
Halata naman sigurong hindi ako ok diba? Pagtapos kong makita ang kapatid ko na buhat buhat ng kapitbahay namin habang naghahanap ng masasakyan at ang nanayko na tarantang taranta na hindi alam ang gagawin.
At ngayon nandito kami sa labas ng emergency room hinihintay kung anong nangyari sa kapatid ko.
Nakakahiya na nga kay Terrence, lagi na lang niyang nakikita ang mga kahinaan ko. Lahat ng problema ng pamilya ko nasaksihan na niya. Pero nandiyan parin siya.
Hindi kaya 'to nagsasawa? O natuturn off?
Ilang minuto lang ay lumabas si mama. Wala siyang masyadong sinabi, pinapauwi niya lang ako dahil magisa lang daw ken sa bahay.
Yun lang ang sinabi niya pero alam kong natatakot siya. Mukhang kailangan pa ng.maraming test na gagawin para kay Ryu.
Mayroon kasi siyang hika. Madali lang siguro ‘yon sa iba at hindi ganon kalala pero para samin na walang pera kahit kailan hindi naging madali.
BINABASA MO ANG
I Loved You at Your Darkest
RomanceA dejected woman who chose to be alone, everyone compliments her beauty. Until she meets a man who always cheers her up, makes her laugh, makes her happy and always teases her. But what if he finds out her darkest secret? ...