Prologue

395 8 0
                                    

Napatingin ako sa labas nang may marinig akong malakas na ihip ng hangin. Nakakainggit naman yung mga puno at halaman. Napaka-peaceful kasi ng ambiance sa labas.

“Miss Mejia, listen!” Nainterrupt ako sa ingay na narinig ko. Professor namin ‘yon, ang sama ng tingin niya saken. May galit kasi sakin ‘yon, kahit wala akong ginagawang masama sa kanya  pinapabayaan ko na lang.

Sabi nga ng mga classmates ko insecure lang daw kasi crush daw ako ng apple of the eye niya sa classroom. Si Terrence Oliver Perez.

“So Brienne, stand up.” Tumayo ako at tumingin sa kanya.

“What is our lesson all about?” I just look at him.

Silence,

“Sir? May naturo naba kayo?” Si Terrence.

Naghalakhakan ang mga kaklase ko.

Tinignan ko lang si Mr. Guevarra kung paano siya ipinahiya ni Terrence.

I sigh.

Umupo ako at tumingin ulit sa labas.

I wish I can be peaceful as the trees outside. 

I Loved You at Your DarkestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon