pasensya na nakalimutan ko magupdate iniisip ko kasi yung inteview ko mamaya XD Kinakabahan ako!!!
Wala naman may pake XD
Anyways ito na :)))))))))))))
[Yeon-in's POV] ♥
Pumasok si Terrence ng classroom na parang walang nalalaman tungkol sa nakita niya kahapon.
Katulad ng palagi niyang ginagawa, binigyan niya ng rose si Brienne at binate ito ng good morning. Ngunit hindi muna niya ito masyadong kinausap dahil alam niyang pagod at stressed ito sa trabaho. Ayaw niya naming lalo itong mastress dahil sa kanya.
Samantalang si Brienne naman ay naninibago sa mga kilos ni Terrence. Nagtataka siya kung bakit hindi ito nangungulit at hindi din ito tumabi sa kanya.
‘May sakit kaya siya?’ Tanong niya sa sarili.
Buong klase lang tahimik si Terrence at paminsan-minsa’y tumitingin kay Brienne.
Dirediretstong naglakad si Brienne palabas nang marinig niya ang bell at pumuntang forest para kainin ang lunch niya.
Hindi niya mapigilang isipin kung bakit ganon ang kinikilos ni Terrence ngayon. Hindi kasi niya sinundan si Brienne nang papunta dito at hindi man lang siya nito pinansin nang dumaan siya sa harap niya.
‘Baka sumuko na ‘yon…’
Hindi muna siya umalis nang matapos siya sa kinakain niya. Gusto niya kasi munang damahin ang peaceful ambiance kung anong mayroon ang lugar na ‘yon.
Napapikit na lang siya nang biglang umihip ang malakas na hangin…
“Ganyan ka ba talaga?”
Napadilay siya nang makarinig siya ng pamilyar na boses.
Tumayo siya at hinanap kung nasaan ang may ari ng tinig na ‘yon.
“Bakit ka nandito?” Nagtataka niyang sabi nang Makita niya ito na lumabas sa likod ng puno na kanina lang ay nakasandal siya.
Napa-smirk lang si Terrence nang Makita niya ang reaksyon ni Brienne.
Sa totoo lamg may inis siyang nararamdaman kay Brienne nararamdaman dito dahil parang hindi man lang siya apektado sa pinapakita nito at parang wala itong pakialam sa nararamdaman ng tao.
Umupo si Brienne at muling sumandal sa puno.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Tss” nailing iling na lang si Terrnc at tinabihan niya si Brinn. “You’re too numb”
Ni isa sa kanila ay walang nangahas magsalita. Tanging maririnig mo lang ay ang malakas na ihip ng hangin at ang huni ng mga ibon.
Gustong-gusto ni Trrnc basagin ang katahimikan ngunit gustuhin niya man ay hindi niya naman alam ang sasabihin dito.
At hindi niya rin alam kung anong gagawin. Gusto niya sana itong tignan pero naunahan siya ng hiya.
‘Baka nakatulog na siya’ nasabi niya na lang sa sarili.
Nakatingin lang siya sa kanyang harapan at tinitignan kung paano iniihin ng hangin ang mga halaman.
“I’m working,” sabi ng babaeng katabi niya “and it’s really tiring...”
“Salamat sa lunch kahapon.” At ngumiti ito sa kanya.
Gusto din sanang ngumiti ni Terrence ngunit pinipigailan niya ang kanyang sarili. Mas gusto niya kasing maging seryoso sa pagtatanong ng mga bagay-bagay na gusto niyang malaman.
BINABASA MO ANG
I Loved You at Your Darkest
RomanceA dejected woman who chose to be alone, everyone compliments her beauty. Until she meets a man who always cheers her up, makes her laugh, makes her happy and always teases her. But what if he finds out her darkest secret? ...