Hey! sorry kung ngayon ko lang napost 'to, kung bakit? hindi ko din alam XD Jk.
Nadik kasi ako sa kpop radio na pinakikinggan ko kaya lagi ako tinatamad mag update. Hahaha!
osya! ito na yung kaduktong XD Kung may mga maling grammar ok lang na icorrect ako :)
[UNEDITED]
Lumipat kami sa mas malaking table. Anong oras narin kaya konti na lang ang tao.
Pareho kaming tahimik kumain. Marami rami kaming nakain dahil pareho kaming gutom. Pero ngayon ko lang narealize na madami pala talaga yung inorder ko. Kaya lahat ng sobra tinake out ko na lang.
"Salamat sana last na 'to" mahinang sabi niya nang makalabas kami dun ss fastfood, tuloy tuloy lang siyang naglakad.
"Teka lang hahatid na kita"
"Hindi na kailangan."
"Pero gabi na"
Hindi siya kumibo, tuloy tuloy lang siya sa paglakad.
"Teka lang" pinahinto ko siya saglit. Pinara ko yung taxi na dumaan. "Sumakay na tayo, pasok na" Tumingin siya sakin ay pumasok din nman.
Tahimik kaming dalawa sa biyahe. Gusto ko sana siyang kausapin kaya lang ano bang sasabihin ko?
Tatanong ko kaya kung anong ibig sabihin niya sa mga sinabi niya kanina kaya lang alam kong mahihiya siya kasi nandiyan yung taxi driver. Hay!
"Dito na lang po" bumaba na kami pareho.
"Sayo na 'to" binigay ko sa kanya yung mga tinake out namim
"Wag na."
"Sige na, sayang naman to, tatapon ko lang 'to."
Nagaalangan siyang kunin pero kinuha niya parin.
"Salamat, pasok ka muna"
"Huh?"
Hindi niya 'ko sinagot, tinalikuran niya lang ako at naglakad
Akala ko ba ayaw ng mama niya na may naghahatid sa kanya?
Naglakad kami 'don sa iskinita, papuntang bahay nila.
Maliit lang ang lugar na 'to pero napakaraming tao. Maraming bahay na dikit-dikit, may mga tambay na nagiinuman na harang lang sa daan at ang daming naglalarong mga madudungis na bata kahit gabi na, hindi ba dapat natutulog na 'tong mga 'to?
"ken!" Huminto siya at may tinawag 'don sa mga batang naglalaro "si mama?"
"Ate!" mabilis siyang tumakbo kay Brienne "Wala pa po." Madungis ito pero kakaiba siya sa mga kalaro niya. Nangingibabaw kasi kaputian at kakyutan niya. Mukhang anak mayaman
"Wow ate ang dami mong dala, ano yan?"
Kinalikot nung niya yung mga dala ni Brienne na parang sobrang excited makita kung ano ang mga laman 'non.
"Ipasok mo muna 'to 'don sa loob, yung kapatid mo asan? bakit hindi mo binabantayan?"
"Eh tulog naman po siya ate eh"
"Kahit na dapat binabantayan mo parin"
Aww ang sweet na kapatid naman niya.
Tumigil kami sa harap ng kahoy at maliit na pinto. Ito na siguro 'yon.
Yung kapatid ni Brienne ang nagbukas ng pinto.
"Pasok ka" sabi niya sakin, nginitian ko lang siya.
BINABASA MO ANG
I Loved You at Your Darkest
RomansA dejected woman who chose to be alone, everyone compliments her beauty. Until she meets a man who always cheers her up, makes her laugh, makes her happy and always teases her. But what if he finds out her darkest secret? ...