Chapter 21

89 8 1
                                    

Sorry ngayon ko lang na publish xD

UNEDITED!!!

[Brienne’s POV] 

*BUZZ*

Ano ba ‘tong cellphone na ‘to kanina pa nag vivibrate, 

Bakit hindi ka nagrereply? Post paid naman yan eh, may load yan.. 

Pasimple akong nagtext habang nakikinig, nanakistorbo naman kasi, kaya ayoko magcellphone eh.

Mamaya na may klase na kami

Send to Hubby ❤

Ang kapal talaga ng mukha niyang palitan yung pangalan niya sa phonebook ko ng hubby na may heart pa. 

Pinalitan ko ng Terrence yung hubby at tinago ko na yung cellphone ko. Nakinig na lang ako ulit. 

“Class malapit na yung foundation week, may naisip na ba kayong representative ng section niyo?” 

Oo nga pala, foundation week na pala next week. Yung sinasabi ni maam ay representative sa mga activities kada section. Marami daw kasing games tuwing foundation week, marami din activities at may contest pa.

Nagusap na sila tungkol sa mga representative bawat acttivities. Hindi naman ako makarelate never pa kasi akong nakaateend dyan eh.  Wala naman akong gagawin. Kadalasan hinahayaan ko na lang yung mga kaklase ko na gustong magparticipate. Loner nga kasi ako diba? Deadkid ako kaya hindi ako pumupunta.

Ngayon kaya pupunta ako? Last year na kasi ‘to eh ilang months na lang graduate na kami.

Eh sino naman kayang kasama ko? Baka mamaya magisa lang akong pagala gala sa campus. 

Hindi na lang siguro ulit ako aattend, sa bahay na lang ako, magaaksaya lang ako ng oras kung pupunta ako at panunuorin ang mga tao kung pano sila magsaya. 

“Para sa battle of the bands? May banda ba dito?”

Walang sumasagot sa kanya. 

“Oh kung wala, pumunta sa harap ang lahat ng kayang mag play ng instruments” 

May mga ilan ilan na pumunta sa harap

“Oh bahala na kayong mag usap-usap dyan” 

Nagusap-usap nga sila at may apat na taong natira sa harapan. Ang boring, sana nagklase na lang, hindi ako makarelate talaga.

“Ok na ba?” 

“Yes maam” 

“Maam wala pa po kaming vocalist” 

“Vocalist? Oh vocalist? Sinong magaling kumanta sa inyo? Ang hindi lumapit idodrop ko!” 

Drop agad?

“Si Jiselle po!” 

“Maam si Allysa!” 

“Si Abbey  po maam!

Sabay sabay nagsigawan ang mga kaklase ko na may kanya kanyang pambato.

“Jiselle, Allysa, Abbey, pumunta kayo dito sa harap mag pa audition tayo” 

Agad silang nagpuntahan.

Hay! Wala na ba talagang klase? Malapit na magtime :((

“MAAM!” biglang may sumigaw at nagtaas ng kamay

“Si Brienne pa po!” tumayo siya. “Maganda po yung boses niya kaya siya nanalo last year” 

Ako? Hindi nga ako aattend eh. Tsaka napilitan lang ako nun sumali sa beauty contest dito sa school kasi ang laki ng price. 

“Ay apo maam!” 

May kanya kanyang sigaw at cheer yung mga kaklase ko, pero si Denniese ang nangingibabaw

“Go Brienne!” 

“Oh Brienne pumunta ka na dito”

“Maam? Hin--”

“Pupunta ka ba dito o idodrop kita?!” sigaw niya

Wala nakong nagawa kundi pumunta na lang sa harap. 

Isa-isa silang kumanta, una si Jiselle at kakatapos lang ni Allysa.

Pareho silang magaling pero mukhang hindi pa sila sanay kumanta sa harap ng maraming tao. Hindi naman ako nagmamagaling pero may experience din naman ako kahit papano. Tinuruan kasi ako ni papa dati kung paano kumanta kahit kinakabahan ka sa dami ng naonuod sayo. 

Pero hindi ko pa alam ang kakantahin ko, happy birthday na lang kaya? 

“Next Brienne?” 

Nako ako na pala ano bang kakantahin ko?

Bahala na nga, magaling si Abbey at halatang may experience na siya, sigurado akong siya ang mapipili. Kakanta na lang ako baka madrop pa ‘ko. 

(N/P: Take a bow )

Don't tell me you're sorry 'cause you're not

Baby when I know you're only sorry you got caught

But you put on quite a show

Really had me going

But now it's time to go

Curtain's finally closing

That was quite a show

Very entertaining

But it's over now (but it's over now)

Go on and take a bow ♫

Nagpalak pakan sila. 

“Ang galing mo” sabi ni Abbey

“Ha?” 

“Brienne ikaw ang vocalist nila” 

“Maam?” 

“Ms. Mejia are you deaf?” Nagtawanan yung mga classmates ko

_

“Oh jagiya? What's with the beautiful face?”

“Wala...” matamlay kong sagot T.T

“Anong wala? Maiiyak ka na wala parin? Sinong nangaway sayo? Tell me and I'll kill them” 

“Ang OA nito” 

“Anong OA? Bakit nga kasi asar na asar ka?” 

"Eh kasi eh, nananahmik na nga ako ako parin yung pinili nila."

"Saan? Ano bang nangyari? Kwento mo na kasi."

kwinento ko sa kanya...

"that's it?" Nakakunot noong tanong niya patapos akong mag kwento.

Tumango lang ako.

"Pumayag ka na last year mo nanaman 'to."

"Wala naman akong choice kundi pumayag..."

"Kawawa naman ang baby ko, ang galing mo kasi, lalo akong naiinlove sayo."

Bigla akong nakaramdam ng kung ano. Ito ba yung tinatawag nilang butterflies in your stomach?

Naalala ko tuloy yung sinabi niya nung isang araw.

"Love me instead"

Nung una kinikilabutan ako dun pero nung tumagal ay kinikilig na ko.

Malandi na ba ko?

"You're blushing" sabi niya habang nagpipigil ng tawa.

Nahiya ako bigla kaya umiwas ng tingin.

Arrg! Nakakainis yung mga ganung tinginan niya para siyang nangaakit!

I Loved You at Your DarkestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon