Chapter 2: My life

167 7 0
                                    

[Brienne's POV]

Nang matapos ang klase umuwi agad ako.

Ang daming tumitingin sakin. Kung makatingin sila akala mo perpekto akong tao.

Wag niyo na akong tignan oh, hindi naman ako kasing buti ng inaakala niyo.

Kung alam ko lang na magiging ganito ang tingin nila sakin sana pala hindi na ako sumali sa contest na 'yon. Kaya lang sayang din kasi yung 10 000 price para sa mananalo. Kaya ayon naglakas loob na lang ako.

Pero pinagsisihan ko na. Simula kasi non nakilala ako sa YG University.

Gaya ng lagi kong ginagawa nilakad ko na ang pauwi samin.

Hay, konting tiis na lang isang sem na lang makakgraduate na ako.

Pagdating ko sa bahay nadatnan kong naghihintay ang 2 kapatid kong lalaki.

"Oh, anong nangyari sa inyo bakit ganyan mga itsura niyo?" Sabi ko sa kanila. Nakaupo lang kasi sila sa lapag at mga nakabusangot.

"Ate ang tagal kasi ni Mama naguguton na kami." Matamlay na sabi nila.

Kinuha ko naman ang chocolate na binigay sakin kanina nung isa kong classmate na lalaki.

"Wow ate! Chocolate ulit!" Bigla naman silang sumigla.

"Ate ang sarap talaga ng mga chocolate na binibigay nila sayo. Ate oh hati=hati tayong apat nila mama." I tap their heads.

Ito lang talaga ang tinatabi ko sa mga binibigay sa akin. Kasi gusto kong matikman ito ng mga kapatid ko.

"Si mama na lang bigyan niyo busog na kasi si ate eh."

"Sure ka ate?" tumango lang ako.

Dumiretso agad ako sa maliit kong kwarto.

Baka kasi maiyak ako dun sa labas Makita pa nila.

Kinuha ko ang mga libro ko nakailangan ireview lalo na sa Psychology baka kasi paginitan nanaman ako ni Sir Guevarra.

Sinubukan kong magbasa pero walang pumapasok sa utak ko.

Nagugutom na kasi ako eh.

"Anak!" May kumatok sa kwarto ko. Si mama.

Binuksan ko agad ang pintuan.

"Brienne oh, baka nagugutom ka. Pagtiisan mo muna yang isang tinapay ah. Itulog mo na lng agad para hindi mo na maramdaman ang gutom." Inabot niya sakin ang supot na may isang tinapay.

"Ma, ikaw kumain ka naba?"

"Hindi pa nga eh, pero okay lang ako anak. Matutulog na lang ako."

"Ma naman eh, baka naman magkasakit ka niyan baka pati nanay mawalan na kami ng mga kapatid ko."

Hinati ko yung tinapay. Binigay ko yung mas malaki sa kanya.

"Napakabait mo talaga anak. Oh sige na papatulugin ko na yung mga kapatid mo."

Sinara ko na yung pinto.

Kinain ko na yung tinapay.

Nakakasawa na ang gantong buhay. Araw-araw na lang kasi kaming ganto.

May mga oras nga na hindi kami nakakakain.

"Itulog na lang natin para hindi natin maramdaman ang gutom"

Yan ang madalas sabihin ni mama.

Simula kasi nang magkasakit si papa nabaon na kami sa mga utang.

Hanggang sa mamatay na lang siya kasi wala ng gusting magpautang samin. Wala na kaming maipangbili ng gamot.

Second year college ako 'non. Akala ko nga hindi na ako makakapag-aral.

Hanggang sa tinulungan ako ng professor ko...

Napahiga ako sa maliit at luma kong kama.

Hindi ko na mapagilan ang mapaiyak.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

VOMENT!!

Vote and comment :))

I Loved You at Your DarkestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon