[Brienne's POV]
Nakaupo parin kami dito sa canteen, kanina pa kami natapos kumain pero hindi parin kami umaalis hinihintay kasi namin ang next subject.
Tumayo na ko..
"Uy san ka pupunta?"
"Sa next subject ko"
"Ahh hatid na kita." Hindi ko siya sinagot. Kahit naman kasi sabihin kong 'wag na kaya ko na' ipagpipilitan parin niya.
Magkatabi kaming naglalakad pero parang hindi kami magkakilala walang nagsasalita sa ami .
"Pumunta ka na sa next subject mo baka malate ka nanaman." Sabi ko sa kanya ng makarating ako sa tapat ng classroom namin. Hindi kasi kami magkaklase sa subject na 'to. Ang daming nakatingin sa kanya gusto ko lang naman umiwas sa mga gantong issue, mas gusto ko ang peaceful na pamumuhay.
"Teka lang. Mamaya iintayin kita sa labas ng building ah."
"Si Terrence yan diba? Gosh I think they're dating."
"Oo nga may paintay-intay pa sa labas ng building."
"Bagay sila. They both look good together."
Narinig kong pinaguusapan ng tatlong babae sa may corridor.
Sabi ko na nga ba eh. Pag-iintay pa lang issue na agad sa kanila. Pumasok na sa loob ng hindi sinagot si Terrence, tsaka ayoko ng makarinig ng kung ano-anong opinyon ng iba.
English ang subject namin ngayon. Marami akong natutunan, may pumapasok na sa utak ko at nakakapagisip na ako ng maayos. Salamat kay Terrence.
Nakalimutan ko pa lang magpasalamat sa kanya kanina. Kinukulit niya kasi akong ngumiti.
Siguro dahil lang ' yon sa pagkain. Oo nga sa pagkain lang 'yon nabusog kasi talaga ako kanina eh.
Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom. Last subject na namin 'to.
Kaya pupuntahan ko na si Terrence.
Paglabas ko ng building nakita ko na agad siya, may kausap siyang tatlong babae. Yung mga babaeng pinagtsitsismisan kami sa corridor.
Mukhang nageenjoy sila.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihan si Terrence may iba kasi siyang kasama tska baka maabala lo lang sila.
Sabi na nga ba, playboy siya. Hindi ko nga alam kung bakit lagi niya pa akong kinukulit eh marami namang ibang babae diyan na pwede niyang pormahan.
Bahala na. Siguro ako na lang gagawa magisa. Manghihiram na lang ako ng laptop kay Denniese para makagawa ng PowerPoint presentation.
Diretsyo lang ako sa paglalakad at hindi nako nagabalang tignan o tawagin siya.
"Brienne!" Lilingon na dapat ako ng may humawak sa braso ko.
Si Terrence.
"Ang daya mo. Kanina pa kita hinihintay dito tapos tatakasan mo lang ako." Hindi na siya nakangiti, nakakapanibago. Nagalit kaya siya?
"Sorry, nakalimutan ko kasi eh." I lied.
"Okay lang 'yon." Ngumiti na siya ulit. "Tara na."
Masaya siyang naglakad at umakbay sakin. Kung makaakbay siya kala mo close kami. Nakita ko naman ang mga tao na napatingin sakin.
"Sandali lang" tinggal ko ang kamay niya na akaakbay sakin. "saan tayo pupunta?"
"Doon na lang tayo sa bahay namin gumawa."
BINABASA MO ANG
I Loved You at Your Darkest
RomanceA dejected woman who chose to be alone, everyone compliments her beauty. Until she meets a man who always cheers her up, makes her laugh, makes her happy and always teases her. But what if he finds out her darkest secret? ...