Hello ^^
Naging busy lang sa school. College nako!!! XD
Ito na nga po :))
[Terrence's POV]
Lagi na lang silang may practice ilang araw ko na siyang hindi nakakasabay.
Peste naman kasing battle of the bands na yan eh, kung alam ko lang na hindi siya papayag na samahan ko siyang magpractice hindi ko na sana siya kinunsinting sumali don.
Mga lalaki pa naman yung kasama niya, lalo na yung Kai na yon.
Nalaman ko na yung Kaidence na ‘yon pala ang nagsabi na maganda yung boses niya at siya din yung lead guitarist at makakaduet ni Brienne.
Iniisip ko pa lang kumukulo na yung dugo ko. Naiinis ako kung pano niya tignan si Brienne halatang halata na gustong gusto niyang pormahan.
Siguro nga isa din siya sa mga humahanga kay Brienne.
Papunta ako ngayon sa music room kung saan sila nagpapractice. Baka kung ano nang ginagawa nila sa baby ko.
Oo BABY Ko yon, akin lang siya.
Ang umangkin mamamatay!
Sumilip ako mula sa glass window ng music room.
Naabutan kong kumakanta yung Kai.
♫ I gotta say something I've been thinking about.
I can't wait to lay around with you.
And tell you all the secrets I've been keeping to myself.♫
♪It's been awhile since I've felt butterflies-- sorry
Hindi ko na gets kung bakit siya tumigil, nakagkamali siguro
Narinig kong nagusap sila ng konti.
Hay-- Pati boses ni Brienne nakkalainlove
Umupo ako sa bench malapit sa music room. Hihintayin ko na lang siya dito.
Sabi ko naman sa kanya eh, I'm willing to wait kahit gaano pa katagal.
Hindi ko akalain na gagawin ko to sa isang babae, mas sanay akong sila yung lumalapit, nagiintay at nangungulit. Lahat ata ng mga ginagawa sakin ng babae ginagawa ko din kay Brienne.
Hay! Ano bang ginawa niya sakin? Akala ko simpleng crush lang kasi nagagandahan ako. Hindi ko akalaing aabot ako sa pagpapakatanga.
BINABASA MO ANG
I Loved You at Your Darkest
RomansaA dejected woman who chose to be alone, everyone compliments her beauty. Until she meets a man who always cheers her up, makes her laugh, makes her happy and always teases her. But what if he finds out her darkest secret? ...