Chapter 2
I Love You ....
Calvin's Pov
Lunch break nanamin kaya napagpasyahan namin ng barkada na kumain sa labas ng Academy.
"Wait lang may naiwan ako sa room"paalam ko sa kanila.
"Sige bro"
Papunta na ako sa room ng may nakita akong bata na nakadapa sa damuhan. Hindi ko alam kung bakit ko tinulungan ako kasi yung tipo na walang paki alam sa paligid niya pero ngayon lang ako tumulong
"Ok ka lang?" tanong ko sa kanya at bahagya akong lumuhod para tulungan siyang tumayo.
"Opo kuya. Salamat"aniya. Binuhat ko ang bata at pina upo sa bench na nasa side.
"May masakit ba sayo?"tanong ko. Ewan ko kung bat ko ito ginagawa. Naisip ko kasi yung mission ng babaeng yun kaya tinutulungan ko siya.
Tinaas niya ang tuhod niyang may sugat.
"Masakit?"
Bahagya siyang tumango.
"Halika punta tayo sa clinic"
Lumuhod ako patalikod sa kanya para makasakay siya sa likod ko.
Habang karga karga ko ang bata ay maraming nakatingin samin. Hindi ko na lang pinansin sila dahil sanay na ako sa mga nagpapansin.
"Nurse, nasugatan po ang bata pakigamot po"aniya ko at nilapag ang bata sa isang bed sa clinic.
"Ah ok. Jan lang kayo"ani Nurse at pumunta na siya para kunin ang medicine kit niya.
Natapos niyang linisan at gamutin ang sugat ng bata ay nilagyan niya ng bulak ang tuhod niyang may pasa at nilagyan niya ng tape. Tape na pang sugat.
"Kargahin mo muna siya. Hindi niya pa ata kaya"ani sakin ng Nurse.
"Ok. Tara na" sabi ko at tiyaka nag piggy back ride.
"May sundo ka ba?"tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.
"O-opo nasa parking l-lot po"aniya.
"Ok, Ihahatid na kita ok?" aniya ko. Tumango naman siya. Hindi ko nakita na tumango siya pero ramdam ko.
Pagkapunta namin sa parking lpt ay may nakita akong lalaki na paparating samin.
"Ano po ang nangyari sa kanya?"tanong sakin ng lalaki.
"Nadapa siya" simpleng sagot ko. Binigay ko na sa kanya ang bata. "Ingat ka sa susunod ha?"
"Ok po. Salamat Kuya"aniya.
Umalis na ako doon at nagtungo na sa room para kunin ang naiwan ko. Ang sarap ng feeling pala ng nakakatulong ka ngayon ko lang naramdaman ito.
Hindi naman ako natagalan para kunin ang naiwan ko agad rin akong pumunta sa tropa kung saan nila ako hinihintay.
"Tagal ah"ani Drake sakin.
"May ginawa pa kasi ako" i lied. Ayaw ko lang sabihin na may tinulungan ako tiyak na aasarin lang nila ako.
"Tara na" ani Clyde.
**********************************************
Natapos na ang klase namin kaya napagpasyahan namin ng barkada na pumunta sa bar malapit sa Academy.
"Sigurado akong maraming chicks nanaman doon" humahalakhak na sabi ni Jake.
Napa iling na lang ako sa sinabi niya. Playboy talaga..