**********************************************
Chapter 11
Pito, Walo... Malapit na..
Courtney's Pov
"Hello" nagulat aki nang may biglang isang babae na pumunta sa harap ko na nakangiti kaya naman nginitian ko siya.
"Hi" tugon ko sa kanya. Andito na kasi ako sa school namin at hinihintay ang teacher namin.
"Pwede friends na tayo?!" aniya na parang nagmamaka awa. Napatawa aki ng mahina sa inasta niya. Ang cute niya *0* ..
"Oo naman" aniya ko sa kanya. Umupo naman siua sa tabi ko .
"Ako pala si Kathy" sabay lahad ng kamay niya. Kinuba ko naman iyon at nakapagshake hands.
"Sabay tayo mamaya ha?"
Nginitian ko siya.
" Oo. Kasama natin si Blake" ani ko sa kanya. Bigla naman siyang pumula. Weeeh? anyare?
"S-sige"
Maya maya pa ay dumating na ang teacher namin. Wala naman siyang diniscuss sa amin dahil busy sila sa mga pag aayos para sa foundation next week. May pageant pang magaganap. Si Thea at si Cloude ang napili. Maganda si The at gwapo naman si Cloude kaya karapat dapat sila na sila ang sumali.
"Blake, ito si Kathy, Kathy ito si Blake" pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Nahihiya namang tumingin si Kathy kay blake. Naglahaf si Blake ng kamay at agad naman na kinuha ito ni Kathy.
"Nice to meet you" ani ni Blake sabay ngiti. Mas lalong pumula ang mukha ni Kathy. Cute *0*
"N-nice to m-meet you too" nahihiyamg sabi ni Kathy.
Andito kami ngayon sa likod ng school nag tatambay. Mamaya pa ay may praktis pa kami ni Blake para sa gagawin next week.
*
Naka upo ako ngayon dito sa roof top dito sa may bench. Tinitingala ko ang langit. Kulay blue ito ang aliwalas. Hindi naman masyadong mainit.
Maya maya pa ay may narinig akong tunog ng pinto kaya napatingin ako sa dumating. Yung kaibigan ni Calvin.
Umayos ako ng umupo ng nakita kong tumingin siya sa akin. Nginitian ko siya pero nakasimangot lang siya. Pero laking gulat ko ng bigla siyang umupo sa tabi ko.
"Jeremey" ani niya na nakatingin siya sa ibang direksyon.
"C-courtney" simpleng sagot kom Ang gaan ng loob ko sa kanya na para bang noon ko pa siya kilala pero hindi ko lang matandaan.
"May kaugali ka na kakilala ko" pagsisimula niya. Nagulat ako sa oagsasalita niya. Akala ko tahimik siya at hindi palasalita pero ngayon nagsasalita siya.
"Ha?"
"Isang babae sa buhay ko. Nawala siya dahil sa isang aksidente. Hindi ko alam ang nangyari sa kanya basta sinabi na lang nila na patay na siya. Nabigla ako noon. Siya lang kasi ang kaibigan ko noong bata ako hanggang sa lumaki ako. Palagi ako noong palangiti pero ngayon nung nawala siya... parang wala na... wala ng saysay ang buhay ko" aniya. Ramdam ko ang lungkot at pagkamiss niya.
"Lahat ng tao may hangganan tayong lahat. Hiram lang natin ang ating buhay sa diyos. Walang may alam kung kailan niya ito kukunin, baka mamaya o bukas kukunin na niya. Siya lang ang makaka alam nito. Mas mabuti na atang mag move on kana sa nangyari sa kaibigan mo dahil kahit kailan hindi na mababalik ang buhay ng kaibigan mo" ani ko sa kanya. 'Hindi tulad ko na may chance pang mabuhay ulit' gusto ko sanang idagdag ito.
Tinignan lang niya ako.
"Pero ngayon ko lang nalaman. Kinuha na siya pala ng totoong magulang biya at naging masaya ako dahil hindi pa siya patay. Comatose pa siya. Ilang buwan na siyang hindi nagigising" aniya.