**********************************************
Chapter 7
Ice Cream
Courtney's Pov
Habang tumatakbo ako ay natanggal ang sapatos ko. Babalikan ko pa sana ito pero pinili ko na lang tumakbo. Pumasok ako sa isang eskineta at nagtago sa likod ng basurahan.
May narinig akong foot step kaya naman napatakip ako sa bibig ko.
"Asan na yun?" dinig kong sabi ng isang lalaki.
"Wala na ata. Nakalayo na ata siya" ani naman nung isang.
Nakatakip parin ako sa bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay.
"Patay tayo nito. Tara na"
Doon na lang ako nakahinga ng maluwag ng narinig ko ang mga yabag nilang paalis. Umalis na ako sa pinagtataguan ko para makahinga ako ng maluwag. Ang baho lang ha sa basurahan. Amoy tae.
Umupo muna ako sa glid ng poste at tiyaka hinilot hilot ang paa ko na walang sapatos. Namumula na ito ang saki sakit. Hindi ko na ata kayang maglakad pero paano kung hindi ako maglalakad paano ako makakapunta doon at isa pa hindi ko alam kung nasaan na ako dahil sa takbo lang ako ng takbo kanina..
Naliligaw na ako. Paano na ako nito. Lumingon lingon ako sa paligid kung may tao pero wala akong tao na nakita. Bumagsak ang mga balikat ko at napayuko na lang.
'Paano na ako nito?' sa isip ko.
'Kung lilipad na lang kaya ako?. Tama, wala namang tao'
Tumayo na ako at inalis na ang bag ko sa likod ko.
Pumikit muna ako at pinalabas ang puting pakpak ko. Tinignan ko silang parehas. Ang ganda talag ng pakpak ko.
Lumipad na ako papunta sa kinaroroonan ng condo ni Calvin pero hindi sa mismo na condo ni Calvin ako lumapag kundi sa halaman na malapit doon.
Nang nakababa na ako ay itinago ko na ang pakpak ko at inilagay na ang bag ko sa likod ko bago ako umalis. Pa ika ika akobg maglakad habang papunta sa elevator ng Condo pero laking pasasalamat ko ng nakarating ako sa harap ng pintuan ni Calvin.
Pinindot ko ang dorr bell ng isa at pipindutin ko na sana ang door bell nang biglang nabitin ang kamay ko sa ere dahil nabuksan na ito.
"COURTNEY!" aniya at niyakap niya ako ng napakahigpit. Ramdam ko ang puso ko na kunakalabog. "AKALA KO KUNG ANONG NANGYARI NA SAYO. NAG ALAL—" hindi niya tinuloy ang sasabihin niya. Umiwas siya ng tingin sakin.
Nginitian ko lang siya.
"Ok lang ako wag kang mag alala wala namang nangyaring masama sa akin" nakangiting sabi ko sa kanya.
Nag aalala rin pala siya sakin.
"H-h-hindi ako nag aalala sayo ha" aniya ng hindi parin tumitingin sakin.
"Aminin mo na lang. Bakit ka nauutal?" pang aasar ko.
Bigla siyang namula sa sinabi ko. Kyot!.
"H-hindi ah. Pasok ka na nga" aniya at na una na siyang pumasok kaya naman pumasok na rin ako kasunod niya. habang nakangiti.
"Ano ba ang nangyari sayo?" tanong niya sakin pagkapasok ko. Tinanggal ko ang sapatos ko at nilagay sa tabi ng sofa tiyaka ako umupo sa sofa na katabi niya.
"Naglalakad kasi ako ng biglang may sasakyan na tumigil sa tabi ko at dahil aware ang bida dito sa storya na ito ay nakatakas ako. Ang galing lang nu. Hahahaha" aniya ko at tumawa pa.