Chapter 5

441 11 0
                                    

**********************************************

Chapter 5

Girlfriend...

Courtney's Pov

"Good Morning" sabi ko kay Calvin pagkalabas niya ng kanyang kwarto.

Inilapag ko na ang linuto kong pagkain tiyaka ako pumunta sa kitchen para kunin ang gatas na tinimpla ko para sa kanya.

Habang nandun ako sa kitchen ay napabuntong hininga ako. May bumabagabag sa isip ko iyong panaginip ko kagabi. Ano ba ang ipinahihiwatig iyon sa akin?

Kinuha ko na ang gatas niya at inilapag ko na sa kanyang harapan. Umupo na rin ako at nagsimula ng kumuha ng pagkain ko.

Nakita kong sinulyapan ako no Calvin kaya naman nginitian ko siya. Ayaw kong ipakita na may problema ako.

"Papasok ka na?" tanong ko sa kanya dahil tumayo na kasi siya.

"Oo" simpleng sagot niya at nagtungo na siya papunta sa kwarto niya ni hindi mn lang niya ininom ang gatas niya na tinimpla ko kaya naman ako na ang uminom nito sayang kasi.

Nang natapos na ako kumain ay iniligpit ko na ang pinagkainan at hinugasan ko na bago ako pumunta sa kwarto para maligo.

Kinuha ko ka agad ang towel na nakasabit sa likod ng pintuan ko at tiyaka nagdiretso ako papuntang banyo.

"Hay. Ano ba kasi iyon" buntong hininga ko at binuksan ko na ang shower.

Ayaw kong may problema kaya naman naala ko iyong pagkikita namin ni Calvin.

*Flash Back*

"Asan ako?" nagising ako sa isang mausok na lugar. Wala akong makita kundi mga usok lang. Hindi naman ako nauubo dito.

Naglakad lakad ako doon hanggang may natatanaw akong gate na malaki na kulay ginto. Sa pagkamangha ko ay laglag ang panga ko na nakatingin doon. Ang taas ng gate na ito hindi mo makita ang toktok niya para itong walang hanngan.

Dahil sa pagkamangha ko ay biglang bumukas ang gate kaya naman bigla akong kinilabotan dahil walang nagbukas nito at maslalo kong kinilabutan dahil may isang tao na nakaputi na umiilaw ang buong katawan niya habang papalapit sakin.

"Bawal kang pumasok" aniya nang nasa harapan na niya ako. Nakakasilaw ang liwanag na bumabalot sa kanya kaya naman napatakip ako ng mga mata ko at nung buksan ko na ito ay wala na ang liwanag na bumabalot sa kanya.

"Asan po ako?" tanong ko sa kanya dahil matanda siya at may balbas siya.

"Nasa langit ka"aniya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. L-langit? kaya ang ibig sabihin ay ..

"Oo, patay ka na pero" aniya.

"Anong pero po?"tanong ko.

"Kung gusto mong bumalik sa lupa ay pagbibigyan kita pero may mission kang gagawin bago ka makabalik sa lupa at maging tao muli."

"M-mission? ano pong mission?"

"Ito." aniya. Kinompas niya ang kanyang kamay at nagpakita ang isang larawan ng lalaki. Laht ng nangyari sa buhay niya naipakita doon. Simula nung bata hanggang sa paglaki niya.

"Ano pong gagawin ko?"

"Ibabalik kita sa lupa para magawa mo ang mission mo. Bantayan mo ang lalaking yan dapat makagawa siya ng labing limang mabuti sa kanyang kapwa at magagawa mo ang mission mo pero" pambibitin niya.

"Dalawang buwan. Dalawang buwan lang dapat at kung hindi mo ito nagawa hindi ka na makakabalik pa bilang tao" aniya.

"Ha?"

Your Guardian Angel [COMPLETED] -UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon