**********************************************
Chapter 14
Conffesion's...
Courtney's Pov
'Sinungaling'
'Manloloko'
Masakit man na madinig amg mga salitang iyon mula sa kanya pero iyon ang totoo, manloloko ako at sinungaling.
Hinawakan ko ang kamay niya bago siya umalis. Tumayo na rin ako. Nangingilid na ang mga luha ko. Mahal ko na siya.
"Sorr Calvin, sana mapatawad mo ako" nabasag ang boses ko at maypumatak na isang butil sa mga mata ko, agad ko naman itong pinunasan.
Tinignan lang niya ako saglit at winaksi ang kamay ko at pumasok na siya sa loob ng kwarto niya.
Napa upo na lang ako sa sofa at doon na lang bumuhos ang mga luha ko. 'Sorry Calvin, sana mapatawad mo ako' iyon na lang ang sabi ko sa isip ko. Hindi ako makapagsalita dahil tulot ang pag iyak ko.
*
Nakatulog pala ako sa sofa. Ang laki ng eyebug ko dahil sa kakaiyak.
Tumaho na ako at nagluto na ng makakain namin ni Calvin. Sana mapatawad na niya ako sa ginawa ko.
Nang natapos ako sa pagluluto ay inihanda ko na ang pagkain at pumunta na ako sa banyo ko para maligo. Natapos naman agad ako ay nagbihis na ako at lumabas sa kwarto ko.
"Calvin kain ka muna" aniya ko.
Napangiti naman ako dahil umupo siya. Umupo narin ako at nagsimula ng kumain.
"Calvin yung nangyari kagabi, sorry" yumuko ako.
Narinig ko ang pagbagsak ng kutsara at tinidor niya.
"Gusto mong tulungan kita diba?! Oh sige tutulungan kita. Anim na lang natitira para magawa mo na ang mission mo diba?! Sige mas papadaliin natin iyon para maka alis ka na agad at para mawala ka na sa paningin ko!"
Hiningal siya na parang hindi makahinga dahil sa sinabi niya. Tatanungin ko pa sana siya pero umalis na siya.
Nangingilid nanaman ang luha ko. Ito ang ginusto ko diba? pwes dapat kong labanan.
Sinabay niya akong pumasok pero hindi siya nagsasalita. Nauna siyang lumabas at naglakad papunta sa clasroom at ako naman nasa likod niya. Hindi niya ako nililingon kahit minsan.
"Anong nangyari?" tanong sa akin ni Blake pag kaupo ko sa upuan ko na katabi niya.
Umiling lang ako sa kanya.
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang teacher. Nagsulat lang pinagawa sa amin. Hindi ako maka focus sa ginagawa ko dahil sa mga gumugulo sa isip ko at dahil narin sa problema namin ni Calvin.
Tinignan ko si Calvin na nasa harapan ki. Kumukopya siya. 'Hindi mo ba talaga ako mapapatawad?' tanong ko sa isip ko.
Napabuntong hininga na lang ako at nagsulat na.
*
"C-calvin, kausapin mo naman ako" aniya ko. Nangingilid nanaman ang luha ko.
Tinignan niya lang ako ng malamig at bahagyang kumunot ang noo niya at umalis na.
"C-courtney, wag ka ng umiyak andito lang ako" aniya sa akin ni Blake na katabi ko ngayon.
Pinunasan ko na ang mukha ko at umalis na pero nagulat ako ng umilaw ang kwentas ko. 'Sampu' tinotoo nga niya na tutulungan niya ako. Imbis sana na masaya ako dahil malapit na pero nalungkot ako. Gustong gusto na niya akong umalis sa buhay niya.