**********************************************
Epilogue
Courtney's Pov
Ito na ba ang sinabi noon sa akin ng matanda? Na dapat kung piliin ang tamang desisyon? pero ano ba ang tama? ano ang tamang desisyon?
"Piliin mo ng mabuti iyan, Shane"
Bigla akong napatingin sa kanya pero bigla bigla nanamn siyang nawala. Tumayo na ako sa pagkaluhod ko. Wala ng lumalabas na luha sa aking mga mata, naiyak ko na ata ang lahat. Umupo akp sa upuan doon sa chapel.
'Ano ba dapat ang desisyon ko?'
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa kakaisip.
'Ano ang pipiliin ko? ang mabuhay ako? o iligtas ang taong mahal ko?'
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong piliin.
'Ano ang silbi ng buhay ko kung wala ang taong nagpapasaya sa akin? Wala rin lang namang saysay ang buhay ko kapag wala siya'
May tumulo nanamang luha sa aking mga mata. Akala ko naiyak ko na ang lahat pero hindi pa pala.
'Pipiliin ko ang tama, ang tamang desisyon di bale na ako ang masaktan'
Tumayo na ako sa aking pagkaka upo at pinunasan ang luha ko na tumutulp gamit ang kamay ko tiyaka ako naglakad palabas ng chapel.
Namumula na ang mga pisngi ko dahil sa kakaiyak ko. Pinagtitinginan nila ako ng mga ibang tao dahil ata sa namumugto kong mata.
"C-courtney? Saan ka galing?" tanong sa akin ni mama.
Hindi muna ako pumunta sa room ni Calvin pumunta muna ako sa room ko. Gusto kong mag paalam dahil pipiliin kung mabuhay ang taong mahal ko.
"Mama!"tumulo nanaman ang mga luha ko ng niyaka ko si mama. "Nasaan si Papa?" tanong ko sa kanya.
"Anjan siya— Anjan na pala" aniya. Napatingin ako kay papa.
"Papa, Mama, mamimiss ko po kayo" aniya ko. Nangingilid nanaman ang mga luha ko. Bakit hindi maubos ubos ang mga luha sa mga mata ko?
"Anong ibig mong sabihin anak?"papa ask.
Pinunasan ko ang aking mga luha at umupo sa tabi nila.
"Sorry" bahagya akong yumuko sa kanila.
"Pipiliin ko po mabuhay ang taong mahal ko kaysa sa akin. Wala rin lang pong saysay ang buhay ko kapag nabuhay ako pag wala ang taong nagpapasaya sa akin sana main*huk* maintindihan niyo po *huk* ako mama, papa" halos hindi ko masabi ang huling sasabihin ko sa kanila.
Nakita ko naman ang mga mata ni mama na may luha na si papa naman ay nagtutubig pero halatang pinipigilan niya lang.
"M—mas pinili mp ang buhay ng iba kaysa sayo?" halos hindi niya matanong sa akin ni mama.
Tumango ako sa kanila. Hinigit naman ako ng yakap ni mama. Niyakap rin ako ni papa ng napakahigpit.
Alam kong ito ang tamang desisyon. Alam ko na ito ang tama na gawin.
'Sana pahalagahan mo ang buhay mo Calvin. Sana maalala mo ako kahit nasa puso mo lang ako'
"Kailangan ko na pong pumunta sa kinaroroonan ni Calvin. Hindi na po ako magtatagal dito. Alagaan niyo po ang sarili niyo wag niyo pong pababayaan. Basta tandaan niyo po nasa tabi niyo lang ako at binavantayan ko. Mahal na mahal ko po kayo. Hanggang sa muli po"
Niyakap ko silang isa't isa. Hindi parin tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko. Ito ang tamang desisyon.
Lumabas na ako ng kwarto at pumunta na sa kwaryo ni Calvin. Habang pumunta ako ay hindi parin natatapos ang pagtulo ng luha ko sa mga mata ko.