Chapter 8

422 9 0
                                    

**********************************************

Chapter 8

Magdadate?

"Tapos ka na?" tanong sakin ni Calvin pagkarating ko sa table namin.

Tumango ako sa kanya at nginitian siya. Iniisip ko parin yung sinabi nung matanda sa akin. Anong hindi ko matatapos ang pinapagawa sa akin at ano yung sinasabi niya na dapat piliin ko ang tamang desisyon.

"Huy" aniya sa sabay pitik niya sa noo ko kaya naman hinimas ko ang pinitikan niya. Ang sakit lang ha?.

"May problema ba?" tanong ni Calvin. Wow may care siya sa akin? Napangiti ako sa tanong niya  Kumunot naman ang noo niya

"Tara na" aniya at lumabas na. Ano nanamang nangyari doon? Bipolar talaga siya. Pabago bago ng mood =____=

Sumunod na ako sa kanya at pumunta na sa back seat dahil ayaw niya akong papuntahin sa tabi niya.

Nang nakapasok na ako ay agad na niya itong pinaandar patungo sa condo niyam Pagkarating namin doon ay agad agad siyang lumabas at walang lingon sakin kaya sinundan ko siya.

"Calvin" ani ko sa kanya at hinahabol siya sa paglakad.

Tinignan niya lang ako at tinaasan ng kilay kaya nginitian ko na lang siya. Hay dapat masanay na ako sa ugali niyang ito.

Nang nakarating na kami sa tapat ng pintuan niya ay agad na niyanh tinype ang code at agad na siyang pumasok kaya pumasok na rin ako.

"Gutom ka pa ba? Ipagluluto kita" ani ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagit bagkos ay pumasok na siya sa kwarto niya. Napabuntong hininga na lang ako at bimumagsak ang balikat ko. Umupo ako sa sofa at pumikit.

'Hindi mo matatapos ang ipinapagawa sa iyo'

Biglang bumalik ang sinabi ng matanda sa akin. Ano baman ang ibig sabihin niyang iyon? Hindi ko alam. Gulong gulo ang isip ko. Hindi ako naniniwala sa ganung mga hula pero para kasing totoo ang sinasabi niya. Kinakabahan ako sa sinabi niyang iyon.

' Dahil may isang pagsubok na darating sa iyo balang araw....... Hija, dapat piliin mo ng mabuti ang desisyon mo bago mo gawin ito. Dapat yung ikabubuti ng lahat ang piliin ko'

Nanglamig ang mga kamay ko ssa biglang pumasok sa isip ko.

'Anong ibig niyang sabihin na piliin ko ang tama? paano kung hindi ko mapili ang tamang desisyon anong mangyayari? May masasaktan ba o may m-mamatay?' isip ko sa utak ko.

Umiling iling ako at tumayo.

"Hindi dapat ako naniniwala sa sinabi ng babae. Tama! Hindi niya alam ang mangyayari sa hinaharap ang diyos lang ang may alam" sabi ko sa sarili ko at inayos ang sarili ko bago pumasok sa kwarto.

Tinanggal ko ang sapatos ko at ang mejas ko. Nagpalit narin ako ng damit pantulog at humiga na sa kama. Maya maya rin ay nakatulog na ako.

**********************************************

Calvin's Pov

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto ko ng nakita ko si Courtney na nakaupo at nakapikit.

Parang ang lalim ng iniisip niya. Pero nagulat ako ng bigla siyang tumayo.

"Hindi dapat ako naniniwala sa sinabi ng babae. Tama! Hindi niya alam ang mangyayari sa hinaharap ang diyos lang ang may alam"aniya niya sa sarili niya.

Baliw talagang babae ito. Kinakausap ba naman ang sarili niya. Tsss. Napa iling na lang ako habang sumisilip sa pintuan ng kwarto ko pero maya maya ay pumunta na siya sa kwarto niya kaya naman ay lumabas na ako at nagtungo sa kitchen para uminom ng tubig.

Your Guardian Angel [COMPLETED] -UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon