-- JANE --
"When you're fifteen and somebody tells you they love you, you're gonna believe them." Ika nga ng kanta ni Taylor Swift.
Hmmm. Actually, hindi naman talaga ako fan ng love love na yan ehh. Kasi naman strict ang parents ko noh!
Tsaka 14 pa rin naman ako at nasa second year highschool pa at sa maniwala man kayo o hindi WALA rin po akong CELLPHONE.
Bakit? Sabi kasi ng mommy ko at ng mga tita ko magkakaboypren daw ako kung bibigyan ako nang cellphone. Pagbintangan ba naman ang cellphone sa lovelife, di ba pwedeng trust trust muna? Hindi ko rin ba malaman kung saan nila napulot ang rason na yan, siguro yun lang din ang mga nakikita nila sa mga kabataan ngayon.
Humahanga ako. Oo!
Hindi naman ako hipokreto para hindi makaramdam ng paghanga noh! Yun nga lang hindi ko na pinapalagpas dun nag feelings ko.
Feeling ko kasi hindi pa ako ready at ayaw ko pang masaktan, na magiging ready lang ako pag.18 years old na ako at meron pa akong mga nalalabing apat na taon. Well, atleast yun ang plan ko.
Wala pa kasi sa isip ko na gusto ko na maging part ng isang relationship.
But not until recently.
Yes! Nakakaramdam na ako nung sinasabi nilang 'butterflies in my stomach'. Yung napapatigil ka kapag nakikita mo siya. Yung kinakabahan ka kapag lumalapit siya sayu.
Yung hinahanap-hanap mo siya pag hindi mo siya nakikita.Yung nagagalit ka kapag hindi ka niya pinapansin pero ini.isnob mo naman siya kapag pinapansin ka na niya.
Yung natutulala ka muna ng ilang segundo kapag kinausap ka niya. Yung namimiss mo siya kapag hindi mo siya kasama.
Haay! Ganito ba talaga ang love? Ewan ko nga rin ba. Dati naman hindi ako interesado sa mga bagay na to. Dati naman hindi ko ginagawang big deal ang mga paghanga-hanga ko sa mga lalaking yan. Dati naman ang mga lalaking hinahangaan ko ay yung mga matatalino at mababait.
Anong nangyayari ngayon? Bakit ganito? Bakit sa kanya?
"Kasi nga, hindi mo mapipigilan ang pagtibok ng puso mo. Lalong-lalo nang hindi mo mapipigilan kung sino ang gusto ng puso mo. What's meant to be is meant to be, Jane!"
Naalala ko tuloy bigla ang 'Advice' kuno ng bestfriend ko. Ba't ba kung magsalita siya ay para siyang love expert na alam niya lahat ng gagawin pagdating sa love at destiny at kung anu-ano pa ang tawag diyan, ehh ni hindi pa nga siya nagkakaboyfriend rin ahh.
Haaaay, Jane! Itigil mo na nga yang kalituhan ng iniisip mo. Tapusin mo na lang kaya ang ginagawa mong project. Peru ang hirap rin kasi ehh. Bat pa kasi at dito ako pumwesto sa porch ehh, ang sarap lang magdrama talaga dito ehh.
Ahh, oo nga pala. Magpapakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Jessica Anne Ross. 14 years old at nasa second year highschool sa T.A.G Academy. I love to read and write, mainly poems. I love movies & music and i can sing, play the guitar and piano at proud fan ako ni Taylor Swift. Ewan ko lang rin kung bakit, siguro dahil sa beat na nagagawa niya at bilis niyang makasulat ng kanta, kahit na puro about love naman ito.
Friendly sa mga taong friendly sa'kin, ngunit maldita at bruhilda pag kinakailangan, at yung mga 'badboy' daw sa batch namin takot sa'kin yun.
Consistent honor student ako. Peru hindi ako yung tipong parang nasa mga movies na nerd na weird na parang may sariling mundo at wala man lang fashion sense, that's not what i am. Cool ako noh!
Oo, naka.nerd glasses ako peru yung frames ng glasses ko ay iba-iba at palaging nababagay sa suot ko. Ikaw ba naman pagalitan ng kapatid mung designer diba? Kamuntik na nga akung mag.contacts pero parang hindi ako completo pag wala ang mga glasses ko.
BINABASA MO ANG
Look Before You Fall
Teen FictionMakakaya mo bang mahalin ang isang taong pilit lang ginugulo ang mga araw mo? Makakaya mo ba siyang pakawalan matapos mo siyang mahalin ng lubusan?Minsan, kahit anong gawin mo para masunod ang plano mo, maiinlove ka na lang sa taong hindi mo inaasah...