LBYF 3 : Jane, i like you!

30 2 0
                                    

- flashback continuation -

-- JANE --

"Waaaaaa! Tangina rin tong si Josh noh? Ang pakipot peru ang tindi kung magpakilig! Grabe talaga tong si J.. Jo.. Josh?" Nautal bigla si Divina.

OMG!

Wait...

Anong nangyayari?

Sinong tinitingnan niya sa likod ko?

Ba't parang may nararamdaman akong papalapit?

Kinakabahan na 'ko!

Divina Gonzaga, magsalita ka!

Oh my gosh!

Please tell me it's not Josh! Please!

"Hi jane! Hi divina!" 0_0

Nang marinig ko ang boses na yun ay nagbuntong hininga ako at unti unti nang mag.relax.

Naku po! Akala ko naman kung sino. Kaloka tong si Divina, kinabahan ako ng 100% nun ah!

Kaya pala nautal at natutulala na naman ang babae sa harap ko kasi pinansin na naman siya ni Kenneth. Mahaba-habang inuman -este chikahan na naman to.

"Hi Kenneth!" bati ko sa kanya.

Pinatid ko ang paa ni Divina sa ilalim ng mesa para magising siya. Baka kasi akalain na naman niyang panaginip lang to.

"Ahh.. hi... K... Kenneth! Kenneth, hi!" :) bati rin ni Divina na nag.Ninoy Aquino pose pa.

Nautal na talaga. Wala nang ibang masasabi to kundi "hi" tsaka "kenneth". hahaha.

Ngumiti muna si Kenneth bago magsalita

"Hindi pa ba kayo uuwi?" tanong niya sa'min.

"Obvious ba?" mahinang sagot ko.

"Ano?" Phew! buti na lang di niya narinig.

"Ahhm, wala. Sabi ko, hindi pa. Tatapusin pa kasi namin tong assignment namin ehh. Para alam mo na, pagdating sa bahay later. Facebook, nood ng tv at text text na lang ang atupagin namin." Sagot sa kanya.

Ako na ang sumagot kasi alam ko na hindi na makakapagsalita pa ng maayos si Divina. Ganyan naman yan palagi, ehh. Hay! Pero pinagbibigyan ko na rin sya sa kasiyahan niyang matitigan ng malapitan si Kenneth.

Sige Divina, enjoyin mo muna yan. Ako na ang bahalang patagalin ang lalaking to dito. sabi ko sa sarili ko.

"Ahh, ganoon ba. Mabuti rin naman yan. Teka, wala nga pala akong number nyo noh?! Eto oh! Ahh, pahiram Divina ha?!" At nagsmile pa sya.

Naku po! Syeets!

Kinuha ni Kenneth ang ballpen ni Divina sa kamay niya, and as if on cue, namula ng bongga ang lola nyo teh! Haha. Parang may contest sila ng papulahan nang fuji apple.

Nung akmang kukunin nya rin sana ang notebook ko, para dun i sulat ang number niya.

"Ahhh, wala rin kasi akong cellphone Kenneth. Si divina na lang." pagpipigil ko sa kanya, sabay kuha na rin notebook ni Divina.

"Okay! Text mo 'ko mamaya ha? Tas pakilala ka, para replyan kita agad." sabi niya habang nagsusulat ng number at may konting pasulyap-sulyap na rin kay Divina.

Pinatid ko na naman ang loka para sumagot siya.

"Ahh, ye... yeah! S... Sure! Pagdating na pagdating ko agad sa bahay, text kita." Oy, utal!

Look Before You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon