LBYF 8 : One Step Closer

25 2 0
                                    

-- JANE --

Naka-upo ako sa upuan ko ngayon. Nakapalumbaba. Tulala. Nasa himpapawid ang isip.

Bakit? Ewan ko. Feeling ko pagod na ako sa buhay ko.

Yung may problema ka na nga sa bahay, pagdating sa school meron pa rin.

Wala na akung escape. Minsan napapa-isip na tuloy ako na magrebelde na lang. Kaya lang ayoko rin naman mawala ako sa honor role kasi sayang ang discount sa tuition.

Yung problema ko sa bahay? Wag na natin pag-usapan yun, nakakawalang gana lang.

Dito naman sa school? Si Josh pa rin. Ano pa bang nabago dun? Ganoon pa rin naman ehh.

Magkatabi nga sa upuan, hindi naman nagkikibuan. Nagkikita nga, hindi naman nagpapansinan.

Haaaaaaay!

BOOOOGSH!

"Ay chinito!"

Napasigaw ako nang may biglang kumalabog. Napatingin ako sa gilid ko.

"HAHAHAHAHAHAHA!" tumatawa ang boung classroom sa hindi ko malaman na dahilan.

Anong nangyari bat naka-upo si Josh sa sahig? Napa tingin sya sa'ken at biglang namula at umiwas agad ng tingin.

"TUMIGIL NGA KAYO! Bwesit na Rubi to, nanunulak!" inis na sigaw niya sa lahat at kay Rubi, seatmate niya.

Tinawanan lang sya ni Rubi na feeling ko may halong landi. tss.

"Anyare dun teh?!" tinanong ko si Angel na katabi ko.

"Nasa California ka na naman ba teh? or nagdate na naman kayo ni Mr. Dreamboy mo?" natatawang sagot niya sa'kin.

Sagot ba yun? Ehh, tinanong nya lang ako pabalik ehh.

"Magtatanong ba ko kung alam ko?" inis na sagot ko.

"Nakikichismis ka lang bah? or concern ka talaga kay Josh? Ayie!" Bwesit! Natukso na naman ako.

"Pag nagtanong concern agad? Di ba pwedeng nakikibalita lang? tss." Nakakabanas na.

"Yung totoo, hindi mo ba talaga napansin yun? Magkatabi lang kayo ohh!" Putek to! paulit-ulit!

"Magtatanungan na lang ba tayo? o sasagutin mo na tanong ko?"

"Hindi mo lang ba talaga napansin? o sinadya mong hindi pansinin?" Pang-iinis nya at ngumiti pa nang nakakaloko.

Look Before You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon