LBYF 6 : Sagutin mo na ako, please!

59 2 0
                                    

-- the flashback saga. Hahaha, yun na lang sana ang title noh? Pero last na to. Promise!

Next chapter, balik na tayo sa present.

-- JOSH --

Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi. Binabagabag talaga ako sa mga pangyayari ehh.

Ba't ba bigla-bigla ko na lang pinoproblema ang mga gantong bagay. Sa una kong girlfriend hindi naman ako masyadong nahirapan magtapat nun ahh? Anong nangyari nitong kay Jane ngayon? Haay!

Andito ako ngayon sa Cafeteria kumakain ng snack kasama ang mga barkada ko. Maingay na nagkukulitan at kung ano-ano lang ang pinag-uusapan.

Nag-uusap kami ni Dylan nang may mahagip na dalawang tao ang mga mata ko.

Nagtaasan lahat ng balahibo sa katawan ko at feeling ko hina-highblood ako.

Papasok na sila ng Cafeteria na sobrang sweet na nag-aasaran. May pa-akbay-akbay pa si lalake at si babae naman ay parang hinahayaan lang si lalake.

"Baho, baka matunaw na yang mga yan."

Napapitlag ako nang maramdaman kung bumubulong pala sa'kin si Dylan. Dun ko lang napansin na nakatitig na pala ako kina Jane at Gregg.

"Hay naku! Kung hanggang tingin ka lang chol, wala ka talagang makukuha." Camillo

Dun ko lang napansin na ako na pala ang center of attention ng barkada. At seryoso na silang nakatingin sa'kin. Alam ko ang mga tingin na to. Matinding asaran to, ako na naman target nila. Leche! Napapadalas na to ahh.

"Ano bang pinagsasabi nyo dyan? Hindi ko tinitignan sina Jane at Gregg noh! Sa kawalan ako tumitingin." Pagkukunwari ko sa kanila.

"Asus! Chol, wag ka nang mag.deny. Huling-huli ka na. Wala kaya kaming sinabing pangalan. Hahahahaha." Tumatawang sabi ni Lester at nakitawa na rin ang iba.

"May pag-asa ka naman Chol, e. Sa gwapo mong yan. Mahilig sa chinito yan." Sabi ni Clark na isa ko pang kaibigan.

"Paano pa kaya ako magkakapag-asa ehh, mukhang wala na kong laban kay Gregg. Tingnan nyo nga. Para ngang sila na. Ni hindi man lang kinuha ni Jane yung kamay ni Gregg. Tsaka sabay na silang umuwi kahapon. Sabay pa silang dumating kaninang umaga, baka nga sinundo ni Gregg yan ehh. At ngayon sabay pa silang mag-snack. Isa na lang talaga, pag-ako hindi pinansin nyan ni Jane ngayon hapon. Ewan ko na lang talaga." Nagba-bable na ako.

Hindi ko na mapigilan ang bibig ko sa pagsasalita. Ingit na ingit na ako. Nakakabanas na.

"Chol sa dami ng chicks mo, kay Jane ka lang tumitiklop?" Biglaang sulpot ni Jeremy kasama ang girlfriend nyang si Helena na tumatawa rin.

Bwesit! Itong dalawang to ang sobra kung maka-asar ehh.

"Oo nga Josh? Akala ko ba gwapo ka? Mahiya ka naman sa barkada nyo. San na yung pinagmamayabang mung magandang lahi nyo? Hahahahaha" sabi naman ni Helena.

Hindi na nga ata ako makakapagsalita nito ahh. Tiyempo pa na dumaan si Divina kasama si Kenneth.

"Divina, halika nga muna dito." Kinamay ni Dylan si Divina na agad naman lumapit sa table namin at nauna na si Ken sa bilihan ng pagkain.

"What?" Tumaas pa ang kilay ni Divina.

"Ano na ba real score nina Gregg at Jane?" Tanong ni Dylan sa kanya.

Nakikinig lang ako sa kanila. Nagkukunwaring patay malisya lang.

"Aba malay ko sa dalawang yan. Iniwan nga ako nyan kahapon at ngayon, ehh! Kita nyo, nauna pa dito. Mabuti na lang andyan si Ken ko, ehh!" Mataray na sagot ni Divina.

Look Before You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon