-- JANE --
"Jane, i like you!"
Napabalikwas ako ng bangon sa kama ko. Naku! Muntik pa akong mahulog, mabuti na lang at may nakaharang na unan sa gilid ko. Pinagpapawisan ako. Ano ba yun? Ba't ganoon? Ba't si Josh na naman? Ang sarap na ng kwentohan namin ni Divina, e! Kapoot! Putris! Teka, anong oras na ba?
Oh, syet! 3am pa? Ano ba to? Devil's hour naman talaga ohh! Demonyo talaga tong si Josh, e! Arrgh! Makatulog nga ulet!
~~~~~
Kinabukasan sa school....
"Bestiiieeeee! Ang saya-saya ko! Grabe! Grabe talaga. Hindi nagkamali ang puso ko na siya ang ibigin ko. Waaaaaa! Im really like so kilig right now. Like, OH EM GEE! Siya na! Siyang-siya na talaga!"
Nandito kami ngayon ni Divina sa cafeteria at kumakain ng snacks. Kinikwento nya sa'kin ang mga pinag-usapan nila ni Kenneth sa text messages nila kagabi.
"Talaga? Ang swerte mo naman. Congrats Bestiee ha? Pagpatuloy mu lang yan. Mukhang may magandang kalalabasan, e!" sagot ko sa kanya while smiling weakly, peru don't get me wrong masaya ako for her.
Hay! Mabuti pa siya. Masaya at smooth sailing ang bangka ng pag-ibig nya at mukhang kasama niya pa sa bangka ang lalaking pinapangarap niya.
"Oo nga, e! Hindi pa nga ako makapaniwala sa mga pangyayari. Alam mo yun? Parang fiction, hindi ko namamalayan na na-iinlove na kami sa isa't isa." pangiti-ngiting kwento ni Divina.
"Nag-Palmolive ka ba? Ang gaan ng feeling mo ngayon talaga, e!" Ako
"Syempre! Siya. Si Kenneth ang Palmolive ng buhay ko! Aaaaaaaah!" kinikilig na sagot ni Divina.
"Ginagawa mo pa talagang shampoo si Ken. hahaha" nakakawala ng BV rin ang kabaliwan nito minsan, e!
"Siya naman talaga nagpapagaan ng feeling ko, e! Tsaka, Haba ng hair din naman yun, e! Hahaha!"
Divina.
"Akala ko ba Palmolive? Ba't naging Rejoice? Peru sabagay! Kalahati na nga lang ng mata kita dun, e. hahaha" May pagka-emo kasi ang style ng hair ni Kenneth.
Habang masaya siyang nakukwento at ako naman ay nagpepeke lang ng tawa, minsan, sa mga pinagsasasabi niya biglang may napansin ako in my peripheral version na papalapit sa table namin.
"Hi Jane! Hi Di!" Bati ni Kenneth sa'min at umupo sa tabi ni Divina. Kasama niya si Bryan, ang best friend niya.
"Jane, kamusta ka na?" bati sa'kin ni Bryan.
Inengage ako ni Bryan sa conversation, baka para makapag-landian-este makapag-usap sina Ken at "Di". Close na ata ang dalawa.
Itong namang FC sa harap ko ang ingay. Close kami nito kasi kaklase niya yung ate ko, tsaka FC rin to, kaya close kami.
Ang nakaka-inis lang, palagi lang akong ina-asar nito at walang kwenta pa ang mga bagay na tinatanong sa'kin.
"Jane, sa tingin mo ilang kilo kaya yung Wrecking Ball ni Miley?" seryosong tanong niya.
"Ba't di mu siya i-tweet? Try mong itanong." bored na sagot ko.
"Kung sakaling makita ko si Miley Cyrus sa bar, gagawin ko lahat makapag-twerk lang siya sa'kin." Baliw talaga to. Last week si Katy Perry ang bukambibig, ngayon naman si Miley. haaaaay!
"Eto piso, oh! Humanap ka nga ng kausap mo!" tumayo ako.
Aalis na sana ako nang biglang nakita kong papalapit si Josh at Dylan, yung pinaka-best friend ni Josh.
BINABASA MO ANG
Look Before You Fall
Teen FictionMakakaya mo bang mahalin ang isang taong pilit lang ginugulo ang mga araw mo? Makakaya mo ba siyang pakawalan matapos mo siyang mahalin ng lubusan?Minsan, kahit anong gawin mo para masunod ang plano mo, maiinlove ka na lang sa taong hindi mo inaasah...