-The Flashback Continues-
-- JANE --
"Jane!" Gulat na lumapit si Josh sa'kin sabay hawak sa noo ko. "Okaay ka lang ba? Ba't namumula ka?"
Syeeet! Ano ba to? Bakit ba nagbublush na naman ako? Ba't di ko namalayan. Ba't kelangan makita pa ni Josh. Sana naman hindi yon napansin ni Kyle. Tsss.
"Ahh ... wa ... wala! Ano ba! Huwag mo nga akong hawakan." tinabig ko ang kamay niya at umupo na sa assigned seat ko.
Tumawa na lang at tumabi na rin si Josh sa akin.
At, OO! Sa kasamaang palad, magkatabi kami ng baluga na to. Kaya rin hindi ko matakasan ang lalaking to. Mabuti pa si Divina si Kyle yung katabi niya. At dahil may dalawa pa kaming ibang katabi ni Josh, tinalikuran ko na siya at doon na lang ako nakipag.kwentuhan.
~~~~~
After lunch ay nag.transfer na ako ng seat at tumabi kay Vin, since yung guy on her right transfered on the back rin.
While waiting for Vin na nakikipagchikahan sa corridor, bigla na lang pumasok sa isip ko yung nangyari kanina.
Nung kinilig ako kay Kyle, nagblush ako. Peru nung hinawakan at nagkatitigan kami ni Josh ay hindi lang blush kundi bumilis rin ang kabog ng dibdib ko.
Bakit ganoon? Ang weird lang nung naramdaman ko kay Josh. Lalong-lalo na pag nakikita at nakakatitigan ko yung mga mata niya. Yung kay Kyle, okaay lang kasi aminado naman ako na gusto ko siya ehh. Peru yung kay Josh? Nakakadiri! Ang weird! Sobrang weird!
"Hoy! Okaay ka lang?"
Tumingala ako at nakita ko si Vin. Tapos na pala ang chismisan kasi ayan na yung teacher.
"Ha? .. Ahh.. Oo. okay lang ako!" At nawala muli sa isip ko yung confusion ko kanina.
"Sure ka? Nakwento kasi sa'kin ni Josh na namula ka raw bigla kanina." seryosong tanong ni Vin sa akin.
"Ha? Wala! Alam mo namang nagbublush talaga ako pagnakikita ko ng biglaan si Kyle diba?"
"Asus! Ehh kung ganoon pala. Na nagbublush ka pagnakikita mo yung crush mo, ba't ka nagblush nung nagkatitigan at nagkaholding hands kayo ni Josh?" may nanunuksong ngiti at may pa-wink wink pa siya sa'kin.
"What? Hindi kaya! Wala no!" at nagbalik na naman tayo sa topic na to.
"Ahuuummm! Dinedeny pa ehh, andoon naman ako nung mga panahong nagyari yun. Hahaha"
Nagsimula na talaga akong ma-inis ulit ha?!
"Tumahimik ka na nga. Magta-transfer na yun ng seat in a minute ehh. Baka marinig ka nang mokong na yun.Alam mo naman kung gaano ka feelingero yun."
Hinampas ko, ng mahina lang naman, ng kwaderno at tinawanan niya lang ako.
Nagta-transfer rin kasi si Josh ng seat. at doon pa sa vacant seats sa harapan namin ni Vin. Stalker lang talaga to ehh!
"Sinong feelingero?" and speaking of the devil.
Hindi talaga nagpapahuli to ehh. Nava-vibes kaya ng balugang to pagpinag-uusapan siya? Ba't ang bilis niya na lang sumulpot.
"Itong ballpen ko!" sarkastikong sagot ko sa kanya.
Syempre, ayokong malaman niyang pinag-uusapan namin siya noh!
"Hahahaha! Nakakatawa Jane! Yun na yung pinaka da best mung joke!" pumalakpak pa siya habang nagpepeke ng malakas na tawa.
"Sinabi ko bang tumawa ka?" inungusan ko siya at tinawanan lang ako.
BINABASA MO ANG
Look Before You Fall
Teen FictionMakakaya mo bang mahalin ang isang taong pilit lang ginugulo ang mga araw mo? Makakaya mo ba siyang pakawalan matapos mo siyang mahalin ng lubusan?Minsan, kahit anong gawin mo para masunod ang plano mo, maiinlove ka na lang sa taong hindi mo inaasah...