-- Eto na... Present times na. :D
-- JOSH --
Haaaaaaay! Ang boring ng life! Namimiss ko na siya! Aaaahhhh!
Sumulyap ako sa right side ko kung saan siya naka-upo. Mukhang masaya naman siya pero parang may iba sa mata niya. Umiwas agad ako ng tingin nung parang papunta na ang tingin niya sa'kin. Pero akala ko lang pala yun kasi ...
"Pisngi!"
Uu, si Gregg na naman! Tss. Palagi na lang si Gregg.
Ngumiti siya, tumayo at naglakad papunta kay Gregg. Hindi ko alam kung sinasadya to ni Gregg pero masyado na siyang nagiging sweet kay Jane.
Nung nakalapit na si Jane sa kanya, agad siyang umakbay at parang may sinabi or tinanong lang. Tumango-tango lang din si Jane. Bago umalis si Gregg ay yinakap pa niya si Jane at sumulyap sa'kin sabay smirk.
Amputa! Alam niya talaga na nanonood ako sa kanila ehh. Si Jane naman, hinahayaan lang ang unggoy na yun na tsansingan siya. Putris! Namumula na ako sa galit dito.
Shit naman ohh! Alam ko'ng wala akung karapatan magselos pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Arrgh! Fuck!
Hindi ko alam kung sila na pero parati talaga silang magkasama. Pagpasok sa umaga, tuwing snacks, lunch at sa pag-uwi. Hindi ko na nga masyadong nakikita sila ni Divina magkasama. Paano, inuuna pang lumandi kesa sa bantayan ang bespren niya sa unggoy na Gregg na yon.
Bwesit! Sinabihan na nga siya ni Dylan na wag papaligawan si Jane sa iba kasi nag-iipon pa ako ng lakas ng loob.
Bakit ba kasi ako natotorpe? At sa kanya pa? Mas lalo pa nung inasar kami ni Jasper dahil sa tanong ko. Mahigit dalawang linggo na matapos mangyari yun.
Sinadya ko naman kasi tanungin yun sa kanya. Nagbabakasakali na mabigyan man lang siya ng hint na may gusto akong iparating. Kasi nga diba, dadahan-dahanin ko dapat.
Pero sa sobrang pagdadahan-dahan ko, minalas tuloy ako. Ito tuloy nangyari. Bwesit na buhay to! Nakakabanas!
Tapos na ang lunch at dun na ulit siya uupo sa tabi ni Divina. Gustong-gusto ko nang lumapit dun at makipagkulitan na ulit sa kanila pero nahihiya ako! Amputa diba?
Nakikipagkulitan na lang ako sa mga katabi namin kagaya rin nang dati. Pero iba na talaga kasi wala na si Jane. Mas naaaliw ako pag andyan siya, pagkasama namin siya. Mas nakokompleto ako. Pero hindi na yun manyayari kasi hindi na niya ako pinapansin. At nahihirapan din akong sumingit dahil natutulala muna ako at magigising na lang ako tuwing susulpot na naman ang bwesit na unggoy na Gregg na yun.
Bugbugin ko kaya yun mamaya? O di kaya makipagpustahan ako. One on one sa basketball at kung sino ang matalo ay lalayuan na niya si Jane. Sigurado ako na ako na ang mananalo. Tama! Yun na lang gagawin ko. Kakausapin ko siya mamaya bago sila magkita ni Jane, tatakas na lang ako. Dapat mas mauna ko siyang makita bago pa niya puntahan si Jane dito sa classroom namin.
~~~~~
Nung hapon na at malapit na mag-time napagdesiyonan ko na mag-excuse na lang sa teacher namin para safe at hindi talaga kami makikita ni Jane o Divina, dahil sigurado akong pagnalaman nila to patay talaga ako. Wala na talaga akong chance kay Jane kung sakaling mangyari yun.
Pumunta ako sa katabing classroom namin kung nasaan si Gregg. Mabuti na lang at wala na silang teacher.
"Gregg!" Tawag ko.
"Oh, Josh?" Lumapit cya sa'kin at nginitian pa ako.
"May gagawin ka ba mamaya?"
"Ha? Ahh, oo ehh. Check up ko mamaya. Bakit?" Mabilis na sagot niya.
BINABASA MO ANG
Look Before You Fall
Teen FictionMakakaya mo bang mahalin ang isang taong pilit lang ginugulo ang mga araw mo? Makakaya mo ba siyang pakawalan matapos mo siyang mahalin ng lubusan?Minsan, kahit anong gawin mo para masunod ang plano mo, maiinlove ka na lang sa taong hindi mo inaasah...