- haba ng FLASHBACK noh?! 2 weeks ehh. Explanation kaya, peru malapit na tayo bumalik sa present. :)
-- JOSH --
"Aaaa... Eeee... Aaaaa..."
"A-E-I-O-U? Ano ba talaga Josh?!" Sigaw ni Jane.
Haaay! Ano ba to. Ba't di ako makapagsalita. Diba sabi ko sa sarili ko kagabi na aamin na ako sa kanya?
Pero, hindi dapat ganito, e. Dapat ma.effort para she would know its sincere. Hay! Pano ba to? Nakatitig pa siya sa'kin.
"Sabi ng kuya mo nag-sleeptalk ka daw kagabi at sabi mo 'I Love You Jessica Anne Ross! Totoo?"
Ahhh! Mas binagabag pa ako nung tanong ni Bryan. Ba't ba kasi ang hilig ko mag.sleeptalk.
"Hoy! Josh!"
"Ay Mamaw!" Sigaw ko at nagising ako sa pag-iisip ko.
Hindi ko na namalayan na wala na si Jane sa harapan ko. Naupo na pala at wagas kung makasimangot. Pero ANG GANDA PA RIN.
"Hoy, Josh! Baliw ka na talaga, baho? Tulala tapos ngingiti-ngiti?" Asar naman to si Dylan.
Oo, andito na sila ni Divina ngayon sa harap ko dahil malapit na pala mag.time at sila rin yung sumigaw kanina.
"Napapaghalataan na kasi Dylan e, si Jane na naman ang tinititigan ohh! Hahaha" pang-asar ni Divina.
"Alam mo Vin, inamin nya na kaya yan sa amin. Natotorpe lang, e. Wag mo muna papaligawan bespren mo ha? Para kay baho na yan."
Talagang sa harap ko pa talaga sila nag-usap ng mga ganyang bagay? Maka-upo na nga. I-Jane Ross nga tung mga toh!
Hindi niyo alam yung 'i jane ross mo ko?' noh?! WALK-OUT scene. Alam nyo na yung babaeng yun, ang hilig mag.walk out.
"Josh, ba't di ka tumabi kay Jane? Nagkatampuhan ba kayo?" Alalang-alala naman tung si Kyle.
"Wala!" Bumuntung hininga ako.
Hindi na sumagot pa c Kyle, si Divina na lang ang tinanong. Si Jane? Andun sa upuan niya, nagmamaktol. Paano ako aamin kung hindi niya ko pinapansin?
"Josh, suyuin mo na, ang quiet ng classroom pag di kayo naghaharutan." Bulong ni Divina.
"Hindi niya nga ako kinakausap kanina pa. Iniiwasan niya ata ako, e. Ang awkward ng mga kilos niya. Kaninang umaga pa yan. Kinulit ko siya pero parang naiilang siya."
"Baka naman nagtampo sayo? May sinabi ka ba sa kanya?" Divina.
"Hindi nga ako kinakausap diba?"
"O baka wala lang talaga sa mood?" Kyle
"Siguro." Ba't ba sumasali sa usapang to tung lalaking to? Bwesit.
Kung nagtatanong kayo kung bakit ako nabubwesit kay Kyle? Kasi ALAM KO NA! Alam ko nang may gusto si Jane sa kanya. Matagal ko nang napapansin pero ngayon ko lang napatuyan kasi parang nag-iiwasan na rin sila simula nung naging si Kyle at Ella na. AT nagagalit ako kasi nasasaktan si Jane at hindi ko man lang siya ma-protektahan. Ayaw rin ipasabi ni Divina kay Jane na alam ko, e. Baka raw kasi magalit.
~~~~~
Uwian na peru hindi pa rin ako pinansin ni Jane, susuyuin ko ba siya o papalipasin ko muna? Bukas ko na lang siguro cya kakausapin. Magbabasketball muna kami nina Dylan at ... tss... Kyle at iba pa naming barkada.
"Tol, ano ba talaga nangyari sa inyu ni Jane?" Nag-aalalang tanong ni Kyle.
"Ba't ba parang concern na concern ka? E kayu nga hindi rin nagpapansinan, e."
BINABASA MO ANG
Look Before You Fall
Novela JuvenilMakakaya mo bang mahalin ang isang taong pilit lang ginugulo ang mga araw mo? Makakaya mo ba siyang pakawalan matapos mo siyang mahalin ng lubusan?Minsan, kahit anong gawin mo para masunod ang plano mo, maiinlove ka na lang sa taong hindi mo inaasah...