-- JANE --
Putek! Wala talaga akung maisip na magandang kanta.
Naman kasi tong partner ko, e! Ako talaga pinapili ng kanta. Sabagay, ako naman talaga dapat. But, like HELLO?! Malay ko ba kung anong mga peg niyang kanta diba? Tsss.
Oh, edi sige na. Hindi na ako mag-iinarte. May naramdaman akong kaligayahan nung wala pa rin pala siyang partner. Nahihiya lang ako, kala ko kasi sila ni Kyle partner.
Feeling Rapunzel tuloy yung beauty ko nung inalok nya akong maging partner. Oo na, kinilig na'ko. Sino ba namang hindi diba? Buti nga napigilan ko pa ang sarili ko, e!
Kahit na stress na'ko kung anong kanta ang kakantahin namin, kasi awkward pa rin yung pansinan namin ni Josh, ay okaay lang.
At least dba? Sa gantong paraan magkakasundo, no scratch that, magkakabati.
Asa pa tayong magkakasundo kami diba? Magkakabati lang. Okaay na ko dun.
Makapag-search na nga lang. hmmm. San ba ako magsisimula?
Try nga naten sa mga bago ngayon. Ano ba maganda? Nagsimula na akong magtype sa search bar sa youtube.
"Ehh kung, B O O M P A N E S ..... aish, gaga. Kakanta kayo Jane, hindi sasayaw. baliw."
Delete. delete. delete.
"Ehh kung, ALL OF ME kaya? Ay, ayaw masyadong selfless. Baka sabihin desperada."
Delete. delete. delete.
"Ehh TEARDROPS OF MY GUITAR kaya? sakto yun kasi seatmates kami. Kaso masyadong pambabae. Tsaka paano yun "Josh looks at me, i fake a smile so he wont see". Wag, masyadong obvious, tsaka baka di nya alam yun."
Delete. delete. delete.
"Kung EVERYTHING kaya? No, masyadong pa.cute. THE STORY OF US? No, the spark didn't flew instantly sa'min."
Deleteeeeeeeee.
"WALANG IBA kaya. Kahit naman kasi palagi kaming nag-aaway lang siya pa rin gusto ko makasama. Pero NO masyadong martyr."
Delete. delete. haaaay! Ano baaaaa! Ba't kasi dinidibdib ko to. Hindi na man kailangan nakakarelate kami.
Napahiga ako sa kama ko. Kanina kasi naka.upo lang ako habang nasa lap ko ang laptop ko. Syempre diba. haaays!
"CAN'T STOP THE HURT INSIDE WHEN LOVE AND HATE COLLIDE.." narinig ko ang ate ko na kumanta sa labas ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Look Before You Fall
Novela JuvenilMakakaya mo bang mahalin ang isang taong pilit lang ginugulo ang mga araw mo? Makakaya mo ba siyang pakawalan matapos mo siyang mahalin ng lubusan?Minsan, kahit anong gawin mo para masunod ang plano mo, maiinlove ka na lang sa taong hindi mo inaasah...