Memories
'Everything Has Changed' Spin-off
Written by: jglaizaPrologue
**
Irene’s Point of View
Huminga ako nang malalim bago nagpasyang bumaba ng sasakyan ko. Nang masiguro kong naka-lock ang mga pinto nito ay nagsimula na akong maglakad papunta sa entrance ng company building kung saan ako magtatrabaho.
This is it. Ito ang unang araw ko sa trabaho at ito rin ang unang beses na magtatrabaho ako. Tatlong taon na akong graduate pero ngayon pa lang ako magsisimulang magtrabaho. A lot of things happened to me for the past three years that prohibited me to work.
Kaya nga kahit papaano ay excited ako ngayon sa unang araw ko. Nagpapasalamat ako dahil kahit na wala akong working experience ay tinanggap nila ako rito. Marahil ay nagustuhan naman nila ang credentials ko. Maganda kasi ang record ko noon sa school dahil active ako sa iba’t ibang extra-curricular activities at mataas din ang grades ko. Besides that, I also took an internship before graduating.
The company where I’m going to work is called MV Holdings, Inc., a real-estate company. I’ll be working as the CEO’s secretary. I don’t know if I can do the work properly but I will try my best.
Nang nasa entrance na ako ng kompanya ay huminto muna ako saglit. Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong corporate attire para tingnan kung maayos ba iyon. Nang masiguro kong maayos na ako ay pumasok na ako sa loob. Ipinakita ko sa guard ang ID ko na ibinigay sa akin ng HR noong nagpasa ako ng requirements kaya pinapasok naman niya ako agad.
Dumiretso ako sa office ng HR dahil iyon ang bilin ng guard sa akin. Mabuti na lang at alam ko na kung paano pumunta roon dahil doon din naganap ang job interview noon.
As soon as I got there, I immediately knocked three times. Narinig ko namang pinapapasok niya ako kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Pagpasok ko ay nakita ko si Ma’am Mira na nag-aayos ng mga papel sa kanyang mesa. Ngumiti ako at bumati nang mag-angat siya ng tingin.
“Good morning, Ma’am.”
“Good morning, Ms. Del Valle. You’re just on time. Are you ready to work?" she asked.
“Yes, Ma’am," sagot ko kahit na ang totoo ay kinakabahan ako.
Tumayo na siya saka naunang lumabas ng kanyang opisina. Sumakay kami ng elevator at saka niya pinindot ang 10th floor button. Mga ilang sandali lang ay nasa tamang palapag na rin kami.
Inilibot ko ang tingin sa paligid at napansin kong mayroong tatlong pinto roon. Sa isang gilid ay mukhang comfort room dahil sa signs na naroon. Sa malayong tabi no’n ay mukhang isang kwarto kung saan mayroong mga empleyado. Nang silipin ko iyon ay napansin kong mayroon lamang limang taong naroon.
Sa kabilang gilid naman ay ang CEO’s office dahil na rin sa nakapaskil sa pinto nito. Sa gilid ng pinto nito ay ang malaking cubicle ng tingin kong kasalukuyang secretary ng CEO. Lumapit kami sa babaeng naroon.
“Good morning, Ms. Mira,” bati ng babae nang makalapit kami.
Mukhang medyo bata pa ang babae. She looks like she’s in her mid-twenties. She smiled at me when I look at her. Ngumiti rin ako sa kanya.
“Good morning din. Kasama ko na nga pala ang papalit sa’yo. Ikaw na ang bahalang mag-train sa kanya for the whole week, okay?”
“Okay, Ma’am,” sagot niya bago bumaling sa akin. Naglahad siya ng kamay sa akin. “Hi! Ako nga pala si Isay. Iyon na lang ang itawag mo sa akin.”
“I’m Irene Kate Del Valle. You can call me ‘Irene’. Nice to meet you,” I said before shaking her hand.
“So, iiwan ko na kayo. Isay, nandiyan na ba si Sir?” tanong ni Ms. Mira.
BINABASA MO ANG
Memories
RomanceAfter three years, hindi akalain ni Irene Kate del Valle na makikita pa niya ulit ang kanyang ex-boyfriend na si Paul Andrew Gonzales. Gulat na gulat siya nang malamang ito rin ang magiging boss niya dahil siya ang magiging bagong secretary nito. Th...