Sixteen

6.5K 177 22
                                    

Chapter 16
Diversion

**

Paul’s Point of View

Half day lang naman ang seminar na pinuntahan ko kaya pagkatapos no’n ay nagpasya akong puntahan si Irene sa Hong Kong Disneyland para may kasama siya at para na rin makapag-relax naman ako kahit kaunti. Hindi ko talaga akalaing kaya niyang pumunta roon nang mag-isa. It’s not fun going there alone.

Nang makarating ako roon ay agad kong hinanap si Irene. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi naman siya sumasagot. Sinubukan ko na lang siyang hanapin kahit na mahirap dahil sa dami ng tao.

Sampung minuto pa lang yata akong naghahanap nang madako ang paningin ko sa isang malapit na bench. Tiningnan kong mabuti ang babaeng mag-isang nakaupo roon. I immediately recognized the girl. Lumapit ako sa kanya para magpakita.

Pero agad din akong napahinto nang malapit na ako sa kanya. I don’t know what came over me but I just found myself staring at her.

Her eyes are closed. Hindi ko alam kung natutulog ba siya o gusto lang talaga niyang pumikit para magpahinga saglit. Or maybe she’s thinking. Hindi ko lang alam kung ano ang posible niyang iniisip sa mga oras na ito.

She’s still beautiful. Sa totoo lang, noong unang beses na nagkita kami pagkatapos ng tatlong taon, ang una ko talagang napansin ay ang itsura niya. Maganda na siya kahit na noong kami pa. Mas gumanda lang siya ngayon. And she looks matured. Pero kung kikilalanin siyang mabuti, wala naman siyang ipinagbago. She’s still the same Irene that I know.

Siguro kung may nagbago man, iyon ay ang mga ngiti niya. I don’t know if it’s just my imagination but whenever I see her smile, it looks so sad. Wala na ang masayahing ngiti niya at hindi ko alam kung bakit. O baka naman naninibago lang ako. Siguro nga naninibago lang ako lalo na at matagal din kaming hindi nagkita.

Natigilan ako sa pag-iisip nang makita kong idinilat niya ang mga mata niya. Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang gulat sa mga iyon. Besides that, I also saw sadness in her eyes. This time, I know it’s not my imagination. Malungkot talaga ang mga mata niya.

Unti-unti akong naglakad palapit sa kanya. Nang tuluyan akong makalapit ay tinanong ko siya.

“They say this is the happiest place on earth. But why do you look so sad?”

Hindi siya nakasagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin ng may pagtataka. Maybe she’s wondering why I’m here. Hindi ko pala nasabi sa kanya na half day lang ang seminar na pinuntahan ko.

Napabuntong-hininga ako saka ako tumabi sa kanya. Sinundan naman niya ako ng tingin kaya bumaling ako sa mga batang nagtatakbuhan sa ‘di kalayuan.

“Half day lang ang seminar kaya nandito ako. Mabuti na lang at nahanap kita agad,” sagot ko sa tanong niyang siguradong nasa isip niya sa mga oras na ito. Tumingin ako sa kanya. “So, why do you look so sad?”

Siya naman ngayon ang napaiwas ng tingin. She smiled… a sad smile.

“Paano mo naman nasabing malungkot ako? I’m not sad,” she replied.

“I can see it in your eyes, Irene.”

Nahalata kong nagulat siya sa sinabi ko. I can also see the hesitation in her eyes. Siguro ay nagdadalawang-isip siya kung dapat ba niyang sagutin ang tanong ko o hindi. Pero sa bandang huli ay napabuntong-hininga siya.

“I just remembered something,” she said.

Napakunot-noo ako. Sa isang iglap, may isang alaalang bigla na lang sumagi sa isip ko. These past few days, hindi ko alam kung bakit bigla na lang may mga alaalang lumilitaw sa isip ko sa tuwing nakikita ko si Irene. Katulad na lang ngayon. Kahit na hindi naman niya sinasabi kung ano ang naalala niya, may isang alaalang lumitaw na naman sa isip ko.

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon