Five

7.8K 226 19
                                    

Chapter 5
Observe

**

Kasalukuyan pa rin akong nasa loob ng opisina ni Paul. Medyo nabo-bored na nga ako dahil mabagal siyang kumain dahil sa pagtatrabaho niya. Gusto ko na nga siyang sabihan na sana ay bilisan niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Aside from that, it’s too quiet. Walang kahit na sinong nagsasalita sa amin at hindi ko naman magawang magsalita dahil natatakot akong baka maistorbo ko siya. Baka mamaya magalit pa siya sa akin.

“Hey. Are you okay?”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya nang marinig ko siyang magsalita. Nakatingin na siya sa akin ngayon habang ngumunguya ng pagkain.

“Huh?”

“I noticed you’ve been quiet all this time. May problema ba? Ayaw mo ba akong kausap?”

Napakamot ako sa batok. “Hindi naman sa ganoon. Baka kasi makaistorbo lang ako sa trabaho mo kaya hindi na lang ako nagsasalita.”

“Hindi naman. I can handle it,” he replied. “You know what? You’ve changed. Naalala ko noon, halos oras-oras yata may kwento ka. Tahimik ka lang noong mga panahong hindi pa tayo close.”

Napasimangot ako. “Kaya lang naman ako dumaldal noon dahil sa’yo. Ikaw kaya ‘yong madaldal sa ating dalawa. Nahawa lang naman ako sa’yo, eh.”

Tumawa siya pagkasabi ko no’n. Hindi ko na rin mapigilang matawa nang maalala ko iyon.

“I’m a very good influence, right?” he asked.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakangiti. Sa isang iglap, bigla kong na-miss iyong mga panahong magkaibigan pa lang kami, iyong mga panahong hindi pa niya inaamin sa akin na gusto niya ako. We we’re best friends before. But look at us now.

Siguro kung hindi lumalim ang nararamdaman namin noon, baka mag-best friends pa rin kami hanggang ngayon. Sana hindi ko siya nasaktan. Sana hindi kami nagkahiwalay. Sana hindi ako nasasaktan na may nagmamay-ari na sa kanyang iba. Sana hindi ko kailangang mag-move on.

Sana… sana magkaibigan na lang kami ulit. Kung pwede lang, kahit na masakit sa akin, kahit na magmukha akong tanga… kahit iyon na lang.

“Pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan tulad ng dati, ‘di ba?” hindi ko napigilang sabihin.

He smiled. “Of course. Bakit naman hindi? Nakaka-miss nga rin ‘yong mga panahong close na close tayo. We should hang out sometimes, just like the old days.”

“Yeah. Sure,” nakangiti kong sabi kahit na sa loob-loob ko ay minumura ko na ang sarili ko. Sige lang, Irene. Magpakatanga ka lang. Ginusto mo iyan, eh. Move on pala, ha?

Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa ginagawa ko. Gusto ko ring saktan si Paul dahil wala man lang siyang pakialam habang sinasabi ang mga bagay na iyon. But then, I can’t really blame him. Ang alam niya ay naka-move on na ako. Hindi niya alam na sa bawat oras na nagkakausap kami at ipinapakita niya na hindi na siya naaapektuhan sa akin ay nasasaktan ako.

Sino ba kasi ang nagsabi sa kanya na naka-move on na ako? Sa pagkakaalam ko, nag-assume lang naman siya na okay na ako. Pero siguro kasalanan ko rin dahil lagi kong ipinapakita sa kanya na okay ako kahit na ang totoo ay hindi. In the end, there’s no one to blame but me.

It’s my fault because I let him see that I’m okay. It’s my fault because I let him talk to me comfortably as if we didn’t have a past… as if we weren’t in a relationship before… as if I didn’t hurt him.

At dahil gusto niyang makipagkaibigan, wala akong ibang magawa kundi ang pumayag. Dahil kapag tumanggi ako, iisipin niyang may nararamdaman pa talaga ako sa kanya. And I don’t want that to happen. Ayokong isipin niya na may gusto pa rin ako sa kanya dahil siguradong iiwasan niya ako.

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon