Thirty

9K 180 11
                                    

Chapter 30
Vows

**

After I said yes, Paul immediately told everyone that we’re getting married. They asked us when but of course, we still haven’t talked about it. Besides, hindi naman ako nagmamadali. I don’t know about Paul, though. Pero siguro mas gugustuhin niyang paggaling ko na lang saka kami magpakasal. Mas maganda rin naman iyon para makapaglakad ako papunta sa altar.

They were all happy for us. Parang mas excited pa nga sila sa amin lalo na si Aika. Nandito na kasi sila sa US ni Jennica. Aika’s parents decided to stay in the Philippines. Ayaw sana niyang iwan ang mga magulang niya pero ang mga ito na ang nagpumilit na sumama siya kay Kuya Jairus.

Nalaman din ni Isay at Marlon ang tungkol sa pagiging engaged namin ni Paul. They wanted to come to the wedding, too so I assured them that we will get married in the Philippines. Siyempre, kakausapin ko pa si Paul tungkol doon.

I am also excited for the wedding. Matagal ko na rin namang pinangarap na mangyari iyon sa amin ni Paul. It has been my dream even before we broke up years ago. At masaya ako dahil matutupad na iyon.

Sana nga lang ay gumaling na ako agad.

The days passed by in a blur. After Paul’s proposal, hindi pa namin napag-usapan ang kahit anong tungkol sa kasal. But it’s okay. Alam ko namang mas nagfo-focus siya sa pag-aalaga sa akin para gumaling ako. As long as he’s going to marry me, it’s okay even if it takes a long time.

Magkasama kami ni Kuya Irvin ngayon dito sa ospital. Umalis kasi si Paul saglit dahil ayon sa kanya ay nandito raw sa US ang parents niya. Nagulat nga ako nang sabihin niya iyon kanina nang magpaalam siya sa akin. Hindi ko pa natanong kung bakit sila nandito dahil umalis na rin siya agad kanina para sunduin sila.

“Kuya, pupunta ba rito sina Aika mamaya?” tanong ko sa kanya.

“Yes. Isasama siya ni Jairus mamaya pati si Jennica. And maybe they’ll have some company later,” he said. Napakunot-noo ako dahil sa pagtataka sa sinabi niya.

“Company? Sino?”

He just gave me a knowing smile and didn’t say anything. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung sino ang tinutukoy niya. Wala naman kaming ibang kakilala rito. Baka kakilala lang nina Aika?

Hindi ko na lang inisip pa iyon dahil siguradong malalaman ko rin naman mamaya kung sino sila.

“Do you want to eat?” Kuya Irvin asked.

Umiling ako. “Mamaya na, Kuya. Hihintayin ko na lang si Paul.”

He sighed. “You really can’t live without him, huh? Sigurado ka na ba talaga na magpapakasal ka sa kanya?”

“You know me, Kuya. Alam mo kung gaano ko siya kamahal. You’ve seen me smile and cry over him. He’s the only one who can make me feel so many emotions at once. Sigurado na ako sa kanya. I can’t imagine living the rest of my life without him.”

“I know,” he said then smiled. “I’m happy for you, Sis. Iyon lang naman ang mahalaga sa akin, ang maging masaya ka kasama ang lalaking mahal mo at mahal ka. Now, I don’t have to worry too much because I know someone is already willing to love you and take care of you for the rest of your life. Pero hindi dahil mag-aasawa ka na ay kakalimutan mo na ako, ha? Kapag may ginawa siya sa’yo, kapag sinaktan ka niya, ako pa rin ang tatakbuhan mo.”

Napangiti ako sa sinabi niya.

“Of course, Kuya. Hindi naman magbabago iyon. Hindi rin magbabago na ikaw ang pangalawang lalaki sa buhay ko na mahal na mahal ko,” sagot ko.

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon